Chris POV
Nanginginig kong sinagot ung tawag. Di muna ako nagsalita, gusto kong makasigurado na sya nga ung tumatawag ngaun sakin.
“Hey.” Panimula nya. Naramdaman kong nagrumble ung mga kulisap sa tyan ko, pati ung lintek kong puso bigla na namang kumabog ng malakas para bang gusto nitong kumawala sa dibdib ko. Sya nga toh. Isang maganda at ma-awtoridad na boses, di ako pwedeng magkamali. Si pervert devil nga.
“b-brian..b-bakit?” I uttered a word. Pigil ung bawat paghinga ko, Parang may kung ano sa systema ko at nabuhayan ako ng dugo.
Parang naging isang bitamina ung boses ni brian, dahil ung iniinda kong sakit ng ulo ay bigla nalang nawala.
“ahmm..” narinig kong napabuntong-hininga sya sa kabilang linya tapos nag-pause sya sandali. Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko, di ko mapigilan ung mga mumunting ngiti sa mga labi ko ngaun. Naiimagine ko sya sa kabilang linya, di ko maiwasang mapangise. Namimiss ko sya?
Oo. Miss na miss ko sya.
“brian?” sabi ko ulit, masyado na kasing matagal ang pananahimik nya.
“Are you okay?” tanung nya. Nanghina ang mga tuhod ko, gusto kong mapatalon sa tuwa. Totoo ba to? Di naba sya galit sakin? Napahawak ako sa dibdib ko, Baka kasi bigla nalang lumuwa ung puso ko.
“o-o o-kay ako, S-salamat sa c-concern” I said. Lumakad ako papuntang gate namin at dahan-sahang binuksan nyon. Malaki ang mga ngiti ko, Di ko akalain na isang tawag lang kukumpleto na ang araw ko.
“Pinapatanung ni lolo..” he said. Natigilan ako bigla, unte-unteng naglaho ung mga ngiti ko.
“huh?” I said.
“bigla kang nawala kaya kinukulit ako ni tanda na tawagan ka. Mukhang di pa nila alam ung tungkol sa…. Sa b-breakup. Im going to tell them anyway..” para akong nabato sa kinatatayuan ko.
Napangiti ako ng mapait. Here I am again.. Expecting.
Kelan ba ako matututo?
Kagabi, that was the evidence. Brian, don’t care of me anymore.
“br---“
“your hair..”
“huh?”
“hindi bagay…”
Im such a fooled.
Ang tanga mo talaga chris! Ang tanga-tanga mo!
christina right? Anu mo si brian?”
“hmmmm anu..boyfriend?”
“ow. I wonder why brian is interested on you, your so plain...”
“baka naman nagbago na ang taste ni brian sa babae, by the way chris do you know bethany? Kamukha mo sya”
“ahh..di ko sya ganun ka kilala”
“hindi nasabi sayo ni brian?”
“no.”
“pauvre lui” (poor her)
“elle ne sait même pas un seul des informations sur son” (she doesn’t even know even a single information about her)
“si simple” (so simple)
Ang tanga ko talaga.
Napapikit ako ng mariin.
Kanina marami akong gustong sabihin, pero ngaun. Ni isang salita, wala ng gustong lumabas mula sa bibig ko.
Luha nalang.
Luha nalang na dumadaloy galing sa mga mata ko.
“I hung up..” he said. Di na ko sumagot pa, ilang minuto muna bago nya binaba ung tawag.
Napahawak ako sa mata ko.
Umiiyak ako.
Masakit na naman ang ulo ko..
Ung bitamina ko, bilang nawalan ng bisa.
Ang sakit-sakit ng ulo ko.
“a-ng s-sakit, ang sakit sakit..” bulong ko sa sarili ko habang patuloy na umaagos na parang gripo ang luha sa mga mata ko..
Ang sakit.. Ang sakit-sakit ng puso ko..
*
Alamin ang side ni brian sa susunod na chapter.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall Inlove
HumorSi Christina ay isang anghel, hindi literal na anghel pero ganun ang tingin sa kanya ng lahat. isang simpleng babae na may simpleng pangarap at buhay not until there's Brian Thomas Fuentes, isang "DEVIL" ika nga iba. nagtagpo ang kanilang landas ng...