Short story lang po ito....
Halos lumuwa yung mga mata ko sa nadinig ko. Eh sino ba naman ako para ligawan nya?
Isang hindi kagandahan at hindi sikat na babae. Simple lang naman ako eh. Hindi kami mayaman, hindi naman din dukha. Katamtaman lang.
Meron akong makinis na balat ngunit hindi gaanong maputi at maiksing buhok.
Pero siya?
Siya lang naman si Ryan Narvaez. Ang isa sa mga heartthrob sa paaralan namin. Mayaman, matalino, sporty at sikat.
"An—anong sa—sabi mo?"
Sobrang natuwa ako sa narinig ko. Gusto ko lang sana malaman kung tama ba ang pagkakarinig ko.
He gave me a very sweet smile.
"I said can I court you?"
Nabigla ako sa sinabi niya. Tama ang pagkadinig ko diba? Oh my gosh! Tama nga~
Alam kong gising ako. Marahan kong pinisil ang sarili kong kamay para malaman kung gising ba talaga ako.
At sa hindi inaasahan, napagtanto kong totoo nga ang lahat ng ito.
"H—ha? Uhm. Sure."
Nahihiya akong ngumiti sa kanya.
Simula nung araw na yun lagi niya na akong hatid-sundo.
Napakilala ko na din siya sa aking mga magulang.
Sabi pa sa akin ni Mama, ang swerte ko daw dahil may manliligaw akong tulad ni Ryan.
Dumaan na ang dalawang linggo pero hindi ko pa rin siya sinasagot.
Dahil naman sabi nga nila, Ang relasyon ang pinapatagal, hindi ang panliligaw.
Kaya naman napag-isipan 'kong sagutin siya bukas.
Napagdesisyonan ko na maaga akong matutulog. Sobrang excited na ako para bukas!
"Yiiieeee!!!!!"
Sigaw ko habang nakatago yung mukha ko sa unan ko.
Hindi rin nagtagal, nakatulog ako.
Pag gising ko tinignan ko na agad yung cellphone ko.
7 messages received, yung six, puro gm at yung isa galing kay Ryan.
From: Ryan <3
Di kita masusundo ngayon babe. Sorry.
Good morning!
Nagreply naman ako.
To: Ryan <3
Okay lang. Kita nalang tayo mamaya. Good Morning din :)
Naghintay ako ng reply ngunit wala ako na-receive.
Pagdating ko sa school sakto namang nag bell. Pagkatapos nalang ng klase ko siya kakausapin. Sa kabilang building pa kasi yung room niya at baka ma-late ako.
Mas maganda na din yung hindi ako nagmamadali para masulit namin ang oras.
Pagdating ni Miss Ramosa, nag start na ang klase.
Nabo-bore na ako, dati naman hindi eh. Well,excited na kasi ako. Hindi ko din napagtutuonan ng atensyon ang dicussion ni Miss.
Iniisip ko kung anong mangyayari kapag naging kami na ni Ryan. Maaga pa lang, kilig na kilig na ako.
10:45
10:50
10:55
10:59
Malapit na talaga!.
*Ring*
"Okay, class dismissed"
Yessss!!!!
Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at lumabas. Habang nag lalakad sa hallway may nakita akong di kaaya-aya.
Ngayon lang ako na-inlove. Talaga palang pag nagmahal ka, walang part na hindi ka masasaktan.
Ngayon ko lang napagtanto, hindi pala maarte ang mga taong umiiyak kapag brokenhearted.
Sobra pala talagang sakit.
Tama nga naman sino nga ba ako para ligawan niya?
Nakita ko ang ilang balloons na nakapaligid sa kanila, madami ding heart na nakadikit kahit saan. At isang tarpaulin na may nakasulat na Will You Be My Girlfriend?
Nakita at narinig ko kung paano siya sagutin ng babae.
Isang babae na maganda, maputi at maamo. Sigurado akong may kaya din sila. Bagay na bagay sila.
Tumakbo na ako palabas ng school.
Pero di ko namalayan may truck palang dadaan.
Okay na din siguro 'to.
*BOGSHHH*
Alam niyo naman siguro ang sumunod na nangyari diba?
Siya ngayon ay namamayapa na.