Ako nga pala si athena dizon at ang boyfriend ko ay si kenji delos reyes..pero syempre joke lang yun
Ako nga pala si France..grade 9 na ako ngayon
At hanggang ngayon mahal ko parin siya
Ewan ko ba grade 8 nung naging kami at grade 8 den kami naghiwalay
Ang hirap niyang kalimutan
Ang hirap umasa
Yung tipong kapag dumaan siya sa tapat mg room namin tapos lumingon siya sa loob ng classroom
Mag co -conclude ka agad na "ako kaya yung tinignan niya?" Asa overload.....kahit hindi ikaw yung tinignan niya aasa ka parin na ikaw yun
Ganyan kasi ako eh.....umaasa lage.....
Tapos kapag nasa labas siya ng classroom akala mo hinihintay ka niya.....
Ako yan....pabebe pa ako.....ayun pala kakausapin niya lang yung kaibigan niya na kaklase ko
Ang sakit na minsan pero kaya kong tiisin kasi MAHAL KO eh
Siguro medyo curios kayo kung paano kami nag break noh???
Medyo may kasalan ako este parang kasalanan ko talaga...wala na atang parang kasalan ko talaga
Hindi ko kasi siya pinahalagahan.....naging busy ako eh....busy sa wattpad.......nawalan ako sa kaniya ng time
Kaya siguro siya napagod sa akin.....
Medyo nawalan din kami ng communication
Hindi kasi kami legal kaya medyo este patago talaga kami
Nakikita ng parents ko yung message namin
Hindi ko mapalitan yung password ko kasi lalo silang maghihinala sa akin
Kaya misan nalng kami magchat
Binubura ko nga yung message namin kahit labag sa kalooban ko.....kasi nga makikita ng parents ko
Kaya medyo isa na yun sa mga dahilan kung bakit kami nag break LACK OF COMMUNICATION
kaya kapag may jowa kayo .....kausapin niyo....baka matulad kayo sa amin....nawalan kami ng communication...
Tapos siya ..naging busy na rin sa study niya...kaya medyo nawalam kami ng time sa isa't isa
Naging busy na din siya sa extra curricular niya.....
Hanggang sa medyo nagkalabuan na
At eto ang matindi......kinausap ako ng kaibigan ko sabi niya
Eto yung conversation namin yung K means yung kaibigan ko yung magsasalita
Tapod kapag A ako yun tapos yung naka parenthesis ayun ung iniisip ko
......................
K: beh wag kang iiyak ha
A: bakit naman beh
(Parang alam ko na yung paguusapan)K: beh promise mo na wag kang iiyak ha
A: bakit naman ako iiyak? Ano ba yun?
K: kasi ano beh....sabi ni Angelo /* A/N : siya ung boy na tinuyukoy ko sa story ko*/ pagod na daw siya
A: ahhhh....tapos ano beh
(Shitt sabi na ito yun eh)K: beh wag kang iiyak.....ayaw na daw niya
A: bakit ikaw yung nagsasabi nito? Bakit hindi siya?
(Bakit ayaw niyang siya yung magsabi sa kin kailangan iba pa talaga yung magsasabi?)K: sabi niya kasi...ayaw ka daw niyang makita na umiyak
A: ahhh kaya pala
( oo nga naman...baka kapag siya nagsabi lalo akong masaktan,ngaun pa nga lang masakit na eh)K: hala beh wag kang umiyak *niyakap ako*
(Hindi ko alam na umiiyak na pala ako)
A: okay na beh ,di na ako iiyak
(Pero fuck bakit ang hirap pigilan ng luha ko..ayaw makisama)...........
Medyo mahaba pa un pero pinutol ko na...
Medyo ganyan ung pinagusapan namin eh...hndi ko na kasi matandaan...ung exact na pinagusapan namin eh
At ang pinakamasakit sa lahat
Wala palang break up na nangyari
Kasi first of all
Wala palang kami
MU lang pala kami
Ang sakit......minsan ang tanga ko..ayyy sorry lage pala
MU??
Magisang Umiibig? - hindi naman kami ganyan kasi alam kong mahal niya ako
Siguro na fall out of love lang siya sa akin
At doon nagtatapos ang walang kwenta kong storya
A/N
Medyo boring ako kaya pinublish ko to
Pag pasensyahan ako...hahahha
YOU ARE READING
I Still Love You (One Shot Story)
General FictionMahal mo pa ba yung taong iniwan ka na? Mahal mo pa ba yung taong sinaktan ka na? Mahal mo pa ba yung taong dating nagpapasaya sayo? Mahal mo pa ba yung taong dating naging parte ng buhay mo? Kasi ako OO...mahal ko pa siya Naging tanga ka ba sa kani...