KABANATA 22

815 20 2
                                    

KRISIA'S POV

"Nakita na daw sina Clarence, kasama si Aila. Pero agad daw naka-alis kaya hinahanap parin sila nina Tita" Nakatingin lang ako sa hawak kong cellphone habang sinasabi ko yun kay Ace, but deep into my heart ay nahihirapan akong sabihin yun sa kanya.

"So, talaga pa lang magkasama silang dalawa?"

"Oo"

"Eh bakit parang hindi ka affected diyan? Akala ko bang mahal mo ang gagong Clarence na iyon?" Untag ni Ace sa akin.

Binitawan ko ang cellphone ko, tsaka ako humarap sa kanya.

"Eh anong gusto mong gawin ko? Umiyak na naman? Magmukmok? Ace nasasaktan ako. Ayoko lang ipakita sa iba kasi ayokong kaawaan nila ako. Ayokong magmukhang mahina. Eh ano ba naman kasing magagawa ko kung si Aila ang mahal ni Clarence? Una pa lang wala na akong laban kay Aila, obvious naman siguro na mahal na mahal nila ang isa't-isa hindi ba?"

"Don't tell me na sumusuko kana?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Eh ano pa nga ba?" Hindi naman ako martyr para maghabol pa sa lalaking baliw na baliw sa isang babae.

Nakita kong kumunot ang noo niya, pumunta siya sa tabi ko at hinarap ako. "Susuko kana agad? Mahal mo siya kaya dapat ipaglaban mo siya!"

"Oo mahal ko siya pero hindi ako tanga! Hinding hindi ko siya ipaglalaban lalo na kung simula pa lang alam kona na talo na ako, kasi mas masasaktan ako pag ginawa ko yun, naiintindihan mo ba?" Halos sigawan ko na siya. Ilang araw na siyang ganito mula ng malaman niya ang relasyon ni Clarence at Aila.

Umiwas siya ng tingin sa akin at yumuko.

"Kaya kung ako sayo ay wag ka na lang umasa pa kay Aila"

"But I love her" natigilan ako sa sinabi niya. Wth! I never imagined na maririnig ko ito sa mismong bibig ng pinsan ko.

"Mahal mo siya. Pero may mahal na siyang iba. Ace naman, nasasaktan din naman ako sa nangyayari, and I know na ganun din ang nararandaman mo. Pero wala na tayong magagawa eh, if they love each other then okay, move-on na lang tayo. Huwag na tayong maging kontrabida pa sa istoryang binuo nila"

Tama naman diba? Sa isrtoryang ito alam ko naman na kami ang nagmumukhang kontrabida eh. Pero ano bang magagawa namin, nagmahal lang naman kami. Ang masaklap lang, minahal namin ang taong kailan man ay hindi mapapasa-amin, minahal namin ang taong kahit kailan ay hindi kami mamahalin pabalik.

***

ELISA'S POV

"Wow, kaninong kotse yan? Ang gara ah" mahinang wika ni Yumi.

"Oo nga noh,"

Nandito kaming tatlo sa harap ng bahay nina Tita Josie. Papasyalan lang namin siya and makikibalita narin kung may update na ba sa paghahanap kina Aila at Clarence.

Pagpasok namin sa loob ay nakita naming may kausap na lalaki si Tita Josie, mga kasing edad lang niya siguro, at mukhang mayamang negosyante ang dating. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila dahil bigla silang tumigil ng makita nila kami.

Ilang sandali lang ay umalis narin naman yung lalaki, at sa kanya pala yung kotseng nakaparada sa labas ng bahay nina Tita.

"Tita, sino po yun? Ang gara ng dating ah" sabi ko habang nakatingin parin sa labas.

"Oo nga po, ang ganda ng kotse eh" pag sang-ayon naman ni Yumi.

"Jowa mo tita?" Napatingin kami sa tanong ni Amy.

Ngumiti lang samin si Tita Josie, then umiling lang siya. Hmm?

"Eh, sino siya tita?"

"Siya ang susi sa problema natin" sagot ni tita Josie na lalong nagpagulo sa aming tatalo.

"Huh? What do you mean po?" I asked.

"Basta, malalaman niyo na lang"

Dahil ayaw sabihin ni tita Josie kung sino yung lalaki na yun ay umalis narin kami.

"Sino kaya yung lalaking yun? Bakit ayaw sabihin ni tita? Ano kayang meron?" Tanong ni Amy. Pare-parehas kaming nagtataka.

"Oo nga, baka Boyfriend niya?" Ani Yumi.

"Susi nga daw sa problema diba? Kaya malamang ay hindi boyfriend" sabi ko naman.

"Kung hindi boyfriend, eh ano kaya?"

Nagkibit balikat lang ako sa tanong ni Yumi. Eh, hindi ko rin naman kasi alam and wala akong idea.

"I think she's doing something para kay Aila, and maybe that man can help us to find Aila?" Napatingin kami ni Yumi kay Amy.

"May point ka... Pero sino ba yung lalaking yun? At bakit siya tutulong para mahanap natin si Aila?"

"I don't know, baka kaibigan lang siya ni Tita Josie"

"kahit sino pa siya, as long na magiging katulong natin siya para makita sina Aila, ayos na ko dun" saad ko.

"Yeah right," tumango si Yumi.

I hope na maging okay narin ang lahat, and I hope na matulungan nga tayo nung lalaking yun because I miss our bestie"

"Me too, I miss Aila so much"

"Lalo naman ako, I want to see her badly, kung magkasama nga sila ni Clarence sana okay lang sila,"

"At sana rin, makuha na nila ang Forever na inaasam nilang dalawa" I said.

"That's right, Mak Love team Forever" hagikhik ni Amy.

"And Mak Love team will have their own Forever" ngiti ni Yumi.

"Aila + Clarence = Forever" wika ko.

Nagkatawanan kaming tatlo. Pero napahinto kami sa pagtawa nang nasa harap na kami ng school namin at ma realize namin na five minutes na lang pala at late na kami, kaya nag-unahan na kami sa pagtakbo papasok ng school.

— Hazlyn Styles —

Mahal Akin Kalang (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon