Pangatlong Kurap

416 15 6
                                    

Pangatlong Kurap

 

  Sa bawat pag kurap, hindi ko alam kong kaninong buhay ang mawawala. Sa bawat kurap, hindi ko alam kung kaninong buhay ang magbabago. Ika nga, lubusin ang araw tila ito ang huling araw ng iyong buhay.

 Ikakasal na ako sa Setyembre 21 sa isang babaeng nagngangalang Sherendipity Grace Garcia. Halos dalawang taon namin itong pinag planuhan, pero patuloy itong nakakansela. Ang kanyang nanay ay hindi sigurado sa kung anong buhay ang aking maibibigay sa kanyang anak.Kahit anumang paliwanag o pagsisikap ang aking ipakita, tila hindi ko pa ‘rin makuha ang kanyang loob.

  “ Laurencio, alam mo naman siguro at nararamdaman mong hindi kita gusto para sa aking anak. May itsura ka, pero sa tingin ko wala kang kwentang asawa. Sa kadahilanan na wala kang abilidad na buhayin ang anak ko at ang magiging mga anak ninyo”

  Paulit-ulit kong naririnig mula sa kanyang nanay ang mga salitang ‘yan. Masakit tanggapin na hindi ka kayang tanggapin ng nanay ng mapapangasawa mo, pero sa tingin ko? Mas masakit kung ang mahal  mo eh magpapaapekto sa kung ano mang sinasabi ng mga taong nasa paligid ninyo. At sa tingin ko napakaswerte ko, dahil si Grace ay hindi ganito.

  ‘Yung mga panahong nagpa-plano na kami ni Grace sa buhay na magkakaroon kami. Bahay? Lupa? Magarang buhay? Ang hindi mapag desisyunan na bilang ng mga anak? Halos lahat ‘yan napag-uusapan na namin. Pati ang kulay ng damit na  susuotin naming sa aming kasal, mga dadalo, kahit mga handa planado na ang lahat. Pero ang hindi ko maintindihan? Bakit sa lahat ng bagay na pwede nilang maisip, eh ‘yung iiwan at hindi ko sisiputin sa kasal ang babaeng papangakuan ko na makakasama ko habang buhay?

  “Grace? Nahihiya ako sa iyo, baka kasi isipin mo hindi kita sisiputin sa kasal natin. Please, huwag ka sanang magpapa apekto sa sinasabi ng nanay mo”

Paulit-ulit at walang katapusang paalala ang ginagawa ko sa kanya para manatili ‘yung tiwala at pagmamahal niya sa akin. Alam ko namang nakikinig sya, at alam kong naniniwala siyang mahal ko siya. Pero siyempre, sa part eng lalaki, hindi mawawala ang pag-iisip ng mga negatibong bagay pagdating sa pamamanhikan.

 Sa tuwing inuulit at pinapaalalahanan ko siya tungkol sa katapatan ng pagmamahal ko sa kanya at tanging ginagawa lamang niya ay niyayakap ako ng mahigpit at paulit na sinasabi na 

  “Ano ka ba?Sa tingin mo ba i-aaccept ko ang proposal mo kung wala akong tiwala sa iyo? Alam ko namang hindi mo magagawang hindi ako siputin sa kasal eh. Kung mangyari man ‘yan, alam mo namang hahanapin kita kahit saan  ka man magpunta.Hahahahahaha!Joke lang.”

  Napakurap nalang ako at biglang napapikit……. ng biglang maramdaman ko ang paghigpit ng aking  hininga at unti-unti ko ng hindi maigalaw ang buong katawan ko. Alam kong hindi ito normal, kaya  ipinagsasa-balewala ang mga bagay na ito. Ayaw kong bigyan ng sakit ng ulo ang magiging asawa ko, lalo na at malapit na ang aming kasal. Ayaw ko ding malaman ng kanyang nanay sa kadahilanan na baka isipin eh gumagawa lamang ako ng dahilan para tumakas sa kasal.

 Para makaiwas, minabuti ko na lamang  na i-sikreto ang mga bagay na ito. Ipinagpatuloy nalang namin ayusin ang kasal namin, at isinabaliwala nalang ang bagay na hindi naman makakatulong para maituloy itong kasal na ito.

Pangatlong KurapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon