12 taong gulang palang ako ng mag kasamang na accidenti ang mga magulang ko, dahilan ng ikinamatay nila. Dahil walang may nakakaalam kung may kamag anak pa ba ako o wala. Ang siyang naging dahilan para dalhin ako sa bahay ampunan. At dun? Dun ko nakita at nakilala si louie. Tulad ko ulila na rin siya at ng ibang mga bata pang kasama namin, mga batang may ibat-ibang kwento sa buhay. Si louie na hindi na magawang buhayin ng sarili niyang ina mula ng iwan sila ng ama niya dahilan para iwan din siya. Pero di tulad ko. Masakit man ang pinag daanan dahil sa pag kawala ng mga magulang ko. Sa mura ng aking edad. Masasabi ko namang mapalad parin ako dahil hindi ko naranasan ang sakit na ipag ta buyan at iwan na lang kung san ng sarili kong ina. 7 taon ang agwat ng edad namin sa isa’t isa. Siya ang tumayo na ka-ibigan, kuya, tatay ang lalaking gusto ko sa kabila ng muwang na isipan ko. Sa ilang buwang pananatili ko sa ampunan. Lagi kaming mag kasama at halos hindi na mapag hiwalay. Hindi ko alam kung bakit. Pero ang alam ko lang? Pakiramdam ko subrang gaan ng luob ko at nawawala ang lungkot ko pag kasama ko siya. Sa tuwing sumasapit ang hapon na sabay naming pinag mamasdan ang pag lubog ng araw. Sa pag sapit ng gabing lagi naming tinitignan ang buwan at mag katabing hawak kamay na binibilang ng paulit-ulit ang mga bituin. Sa mura ng aking isipan Masaya at kontinto ako na kasama siya. Bata nga siguro ako kung iisipin sa edad ko, pero alam ko di hadlang yun dahil sa puso ko alam ko iba at special ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa luob ng anim na buwan na paninirahan ko sa ampunan hindi ko lubos maisip na unti unti ko na rin natatanggap na wala na at di ko na muling makakasama pa ang mga magulang ko dahil na rin sa tulong ni louie na siya ng nag bigay ng dahilan para manatiling makita kong may dahilan pang mabuhay sa mundong to. Halos di mapag kamalang ilang buwan pa lamang kami nag kakasama dahil na din sa subrang lapit ng luob namin dalawa sa isat-isa.
Sumapit ang ika 19 na taong kaarawan ni louie ika-pitong buwang pananatili ko sa ampunan, kasabay nito ang araw ng bigla-an pag alis niya. Bagay na hindi ko man lang napag handaan. Pinilit ko isinik-sik sa isipan kong maging masaya para sa kanya. Pero di ko magawang hindi tanggapin. Ang plastik naman pag ngumiti na lang ako. At sabihing masaya ako para sa kanya, na matutupad na ang mula pa nuong pangarap niyang mag kakapamilya na siya at maiiwan na ako mag isa. Bigla akong napatakbo ng di ko namalayan ng marinig ang balitang ngayong araw na din mismo siya aalis. At sa mismong araw pa ng kaarawan niya. Paano ko ngaba naman matatanggap ang lahat? Kung mula ng araw Na makilala ko siya. Hindi ko nagawang ma-isip na dadating parin talaga sa ganitong sitwasyon ang lahat. Paano ko matatang-gap kung sa bawat araw na lahat siya lang ang taong katangi tanging gusto kong makita at makasama? Bigla akong tumayo na halos di ko na pansin ang pag takbo ng tuloy-tuloy na halos di ko na alam kung pano at san hihinto. Ayaw tumigil sa pag patak ng luha ko. Bigla akong natumba at dun muling pumatak ang luha sa mga mata ko. Sa bawat araw Na dumaan SA buhay ko wala akong ibang ginawa kundi ang mag plano ng kasama siya hanggang pa laki. Ang sakit dahil ngayon pakiramdam ko nangangapa ako sa dapat at pano ang gagawin dahil di ko magawang makita ang kinabukasan dahil di ko manlang nagawang iplano ang buhay ko ng mag isa pag dumating ang araw na hindi ko na siya kasama. sa dami-dami ng batang nasa ampunan bakit siya pa? Sa aking pag tayo bigla akong napahinto ng mula sa likoran ko ay may yumakap ng mahigpit.
“Ayah!” nginig ang boses na sabi nitong nararamdaman kong pinipigilan ang pag iyak. ”alam Ko masakit. Pero di ibig sabihin nito wala na akong pakialam sayo. Ayoko na nakikita ka ng ganyan. Gusto ko lang makita na may mga magagan-dang bagay ding nag aantay na magaganda para sa akin. Pero di ibig sabihin nun wala kang puwang sa puso ko. Ikaw ang pinakamagandang bagay na nang-yari sa akin ayah. Nung araw na nakita kita at makita ang lungkot diyan sa mukha mo lalong lalo na sa mga mata mo nasabi ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat para mapangiti ka lang. Pero ng makita ko na ang mga ngiti diyan sa mukha mo ng pinangako ko at sinabi sa sarili kong ayaw ko ng makita kapang nalulungkot. Hayaan mo sanang ibigay sa akin ang pag kakataong to para magawa kong makilala ang sarili ko. Hanggang SA magawa ko ng bumalik ng buo SA tabi mo. Sana wag mong kalimutan. Malayo man ako sa tabi mo. Tandaan mo, lagi lang ako naandiyan para sayo. Lagi kong sina-sabi sayo na sa tuwing dumadaan ang gabing sabay nating tinitignan ang buwan. Dumating man ang araw na to wag kang iiyak. Pag nalulungkot ka o sa tuwing my na-iisip ka tumingin ka lang sa langit at dun makikita mo akong nakangiti habang paulit-ulit ko na sina sabing kaya mo yan nandito lang ako. Hanggat may buwan na kumi-kinang kasama ng bituin sa pag sapit ng gabi. Andiyan ang pag-asang isang araw na muli tayong mag kikita. Pangako ko sayo, hang-gang sa huling buhay ko hindi ako hihinto sa pag hahanap sayo.”
Mula sa malayo muli kong tinanaw ang sasakyang lulan niya. Hanggang sa tuluyan ng nawala sa aking paningin. Sa huling pag patak ng luha sa aking mga mata, napangiti ako. J Dadating ang araw at makikita ko siyang muli. Alam ko dahil sinabi niyang hahanapin niya ako kahit na ano pa ang mangyari. 2 linggo lang mula ng umalis si louie papuntang amerika ng may mag asawang umampon sakin. Masaya ako dahil sa wakas alam ko ng may matatawag na rin akong pamilya. Ang pamilyang uuwian ko pagkatapos ng ilangbuwan na paninirahan sa ampunan. Sa huling pag kakataon tinignan ko ang bahay ampunan. Di ko maiwasan ang di malungkot, dahil tulad ni louie kaylangan ko ng iwan ang lugar na to. Pero kasabay ng pag alis ko dadalhin ko ang magagandang alaalang nabuo sa pag lagi ko sa bahay ampunan.
BINABASA MO ANG
Precious Love (ongoing series)
Romancepaano mo matatanggap ang isang bagay na buong buhay mo iniingatan ay matagal na palang wala sayo.? paano pag ang tanging taong dahilan kung bakit ka patuloy na lumalaban ay siya ding dahilan para sumuko na lang.