Nico's POV PART TWO | The Other Side Of Love|
...Continuation
I packed up my things and leave the university. Its past six in the evening but the sun in New York City, still hasn't go down. I need to go home and be with my son.
As I was walking down the busy streets of New York, I can't help but to think of that very day where I finally asked her, if I could court her. And boy... that was the dumbest thing to do at that time. I should have walked away. I should've leaved her. Maybe, it is because at that time, leaving her is the best option that I've got...to prevent us both...from falling hard.
|| F L A S H B A C K ||
"Ready?"
"Tol, 'wag kag kabahan,"
"Oo nga, isipin mo lang na ginagawa mo 'to para manalo,"
'Yun na nga ang problema, maling mali 'tong ginagawa namin. Hindi ko 'to ginagawa dahil mahal ko si Isabella. Ginagawa ko ito dahil sa isang pustahan.
"Pwede pa ba akong umayaw?"
Mahina akong sinuntok sa braso ni Axel, "Nah, bro. We invested our time with that girl already. It's too late if you back down now,"
Sumakay na kami sa mga motor namin at pumunta na sa rest house kung saan dadalhin ni Jesse si Isabella. Mas malapit 'to sa dalampasigan kaysa dun sa hotel na tinutuluyan namin. Sabi kasi nang barkada, mas 'romantic' daw ditto kaysa sa rooftop nang hotel. Tsk, daming alam.
Naaawa din ako sa kanya, Oo nagagandahan ako at nababaitan. Siguro may kaunti din akong paghanga sa kanya at siguro din unti-unti ko na siyang nagugustuhan. Pero parang hindi pa sapat? Kasi hindi ko pa siya gaanong kagusto ng mga oras na'to para ligawan na. Mali talaga 'to. Maling mali. O baka naman...naguguluhan lang talaga ako?
Ewan, ang gulo.
"Kaya mo 'yan,"
"Go for it, man"
Sumimangot lang ako sa barkada at bumaba na sa motor ko. Hindi ko pa siya makita kaya inabangan ko sila nila nang kapatid ko sa may gilid ng kalsada.
Please 'wag ka nang pumunta...please 'wag ka nang pumunta... please...
Paulit-ulit kong sinasabi, hanggang sa nakita ko na 'yung sasakyan namin. Unang bumaba ang kapatid ko, nakangiti siya sa akin at kinindatan ako. Psh, maloko talaga.
Sunod ay si Isabella, nakapiring siya at inilalayan pababa ni Jesse. Nakasuot siya nang bestidang ibinigay ko sa kanya kanina.
Ang ganda niya.
Hinawakan ko ang kamay niya pati ang bewang niya para alalayan siya sa table namin dun sa may buhanginan.
"You are beautiful," hindi ko mapigilan ang sarili ko na hangaan siya.
"Nico? Ikaw ba'yan?"
Natuwa naman ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Ang sarap pakinggan lalo na kung galing sa kanya.
"Yes,"
Tumawa siya ng mahina, pero ramdam ko na kinakabahan siya. Hindi ba siya nagtitiwala sa akin? Hindi ko siya sasaktan kung 'yun ang iniisip niya. Hindi ko kayang saktan siya.
"Saan ba tayo pupunta?"
Sabi sa akin ni Jesse, unang manliligaw daw ako ni Isabella, at ako ang pinakaunang lalaki na nag aya sa kanya na makipag date, kaya naman gusto ko perpekto ang lahat, para tumatak.
BINABASA MO ANG
Bad Girl For A Girlfriend (PREORDER of Self Pub version Ongoing!)
General FictionMagaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick. Lahat ng iyan, naging dahilan para iwanan siya ng kaisa-isang babaeng kanyang minahal. At ipagpalit sa kanyang matalik na kaibigan. ...