Devil # 11

6.5K 136 18
                                    

Chapter 11

Sumunod na araw.

Nasa mall ako ngayon. Hinihintay si Joshua dito sa tapat ng Jollibee. Ang tagal tagal naman ng lalaking yun. Wait. Baka naman hindi na ako sisiputin nun. Mahigit na din kasi sa kalahating oras yung pagtayo ko dito pero wala padin siya. Pero sana dumating padin siya.

" Eunice! " narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya naman hinanap ko agad. Nakita kong papalapit dito sa pwesto ko si Joshua. 

Nang makalapit na siya sa akin, " This is for you. " tapos nginitian niya ako at iniiabot ang isang palumpon ng rosas. 

Medyo kinilig ako ng bahagya sa ginawa niya. Never pa kasi ako nagkaboyfriend kaya ngayon ko pa lang nararasanan ang mga bagay na katulad nito.

Pagkakuha ko ng bulaklak ay may mga naglapitang mga lalaki samin.

" Brad! Ang sweet mo talaga sa mga babae eh. " sabay akbay sa kaniya ng isa sa kanila. Nginitian naman sila ni Joshua.

" Nga pala. Eunice meet Allan, Jet, Yue and.. " biglang iniikot niya ang tingin niya sa paligid. " Asan si Adrian? " 

" Malay namin. Kanina nandyan lang yun eh. " sabi ni Allan, siya din yung umakbay kanina kay Joshua.

" Hello nice to meet you all. " tapos nginitian ko sila.

Pagkasabing pagkasabi ko nun ay biglang lumabas sa kung saan si Adrian.

" Ayan na pala si Adrian e. " sabi ni Yue.

" Eunice, meet Adr---  " hindi na pinatapos ni Adrian yung sasabihin ni Joshua dahil sumingit agad 'toh.

" You don't need to. Alam mo namang magkakilala na kami. " sabay tumingin sa akin ng masama si Adrian. Tss. Nakakainis talaga 'tong devil na 'toh eh.

" Oo nga pala. So-sorry naman dude. " sabi ni Joshua.

Nagsimula na kaming maglakad. Kainis naman e. Bakit kasi kailangan kasama pa si Adrian. Sabi ko na nga ba eh. Mabwibwisit na naman ako ngayong araw dahil kay Adrian.

" Hoy panget! " tawag ni Adrian sakin pero hindi ko siya pinapansin. 

Bakit ba kasi panget tawag niya sakin. Ang ganda ganda ko kaya. Haha. Jk.

" Hoy panget! " ulit pa niya. 

Biglang napatigil si Joshua sa paglalakad niya kaya napatigil tuloy kaming lahat. Tumalikod siya at humarap sa likod. Humarap siya kay Adrian.

" Dude. Wag mo ngang sinasabihan ng panget 'tong si Eunice. tandaan mo nililigawan ko siya. " seryosong sabi ni Joshua.

" Tss. Napaka kill joy mo. " then hi grinned.

Hinawakan ako ni Joshua sa kamay. Nagulat ako kaya hinatak ko palayo yung kamay ko. Kaysa kiligin ay tumaas yung mga balahibo ko. Hello? First time kasi may humawak ng kamay ko na lalaki. Kasi yung kay Adrian, sa braso lang yun. Pero eto sa kamay. As in kamay!

Nagulat lalo ako nung hawakan niya ulit yung kamay ko, this time mas mahigpit na. Hindi ko na hinatak muli yung kamay ko, hinayaan ko na. Tumingin ako kay Adrian. He realy look like he is pissed off..

Pero hindi na siya pinansin ni Joshua. Naglakad na lang ulit kami. Bakit pa kasi niya naisipan na isama yan? Alam naman niya na panggulo yan ng buhay ko. 

**

Mga 3 na. Kung saan saan na kami nakarating dito sa loob ng mall. Nakapunta na kami sa loob ng department store at sa arcade. Sina Allan at Yue, hindi na namin kasama kasi may mga sari-satili din pala silang date. Kaming tatlo tuloy ni Adrian at Joshua ang magkakasama. Panira ng date eh.

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon