Kuya!! eto na dedicated sa'yo kapalit nung isang story hahaha :D sana magustuhan mo at hindi ako gumaya sa'yo mas maganda ito!!
Hello po sa inyo!! sana po magustuhan niyo po ang mababasa niyong istorya kahit maikli. Have a good day po and comment and votes are highly appreciated :D <3
Nandito nanaman ako sa park sa ilalim ng puno kung saan palagi akong tumatambay kapag malungkot at nasasaktan na ako. Maganda at mahangin kasi rito kaya gusto kong tumambay rito. Nakailang buntung hininga na ba ako ngayong araw? Siguro lagpas ng isangdaan paano ba naman kasi hindi ako bubuntung hininga eh kailangan ko ng kaibigan ngayon pero ayon wala nag-iisa nanaman ako, para saan ba yung mga kaibigan ko tsk. Malapit na pala ang graduation namin , ano ba yan hindi ko na siya makikitasa halos na 7 years kong pagkakaroon ng crush sa kanya wala pa ring nangyayari.
Kung hindi ko kaya siya sinulatan baka may nangyari na ano? Wala na rin naman na akong magagwa puro nlang pagsisisi buti pang sulatan ko ulit siya para naman masabi ko na lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Pero teka gagawin ko nanaman yung ginawa ko na at baka magsisi nanaman ako, pero kaialangan ko itong gawin para naman kung hindi niya matanggap yung feelings ko para sa kanya gumaan na yung pakiramdam ko para hindi na ako nahihirapan.
Kumuha ako ng isang yellow pad dahil scratch muna bago ko isulat sa stationary mahal eh sayang kung mamali ako. eto na sisismulan ko na para matapos na ito.
“Dear Mr. 20,
Hello! Kilala mo na siguro ako kasi nung elementary pa lang naman sinusulatan na kita, tinatapon mo pa nga eh pero ayos lng kahit masakit past is past. Ngayon nanggagambala nanaman ako last na ito promise! Sana basahin mo muna bago mo itapon ha, sayang effort eh.
Hindi naman ako manggugulo gusto ko lang na malaman mo yung feelings ko kahit alam mo na noon at akala mo nawala na ngayon pwes mali ka kasi hindi, hindi nawala eh lumevel-up lang. Noon kasi crush lang kita pero sabi daw nila ang crush ay tumatagal lang ng apat na buwan pero halos pitong taon na ito kaya masasabi ko ng mahal kita. Pinipigila ko naman kasi nga alam ko na masasaktan lang ako kagaya ng dati kahit crush pa lang kita ta bata pa tayo noon.
Marami akong gustong itanong at sabihin sa’yo pero wag na kasi hahaba masyado at saka hindi mo rin naman masasagot eh kasi nga hindi naman tayo close at saka baka galit ka sa akin. Gusto ko lang talagang malaman mo na gusto naman kitang maging friend eh ayos lang kasi baka nga hindi ito love, baka iniisip ko lang kasi nasanay na ako, nasanay na akong isipin ka. Handa na akong magmove-on noon pa ginagawa ko na nga eh nagkaroon na ako ng crush at saka nakakausap na kita minsan pero para sa mga projects lang kasi kahit anong tanggi ko hindi eh iba pa rin, crush ko nga sila mahal naman kita so talo pa rin sila.
Sana pagnakita tayo sa future maging friends na tayo and hopefully nakamove-on na ako niyan. Sana wag mo akong iwasan dahil nabasa mo na ito kasi nga kung magkikita tayo past na ang lahat ng ito at lahat ng sa past ay dapat doon lang at hindi na dalhin pa sa future. Happy Graduation and Congrats sana piliin mo yung course na gusto mo ng hindi napipilitan and achieve your goal and dreams in life. Yun lang naman ang gusto kong sabihin Good Luck and AJA!
P.S. Thank you rin pala for being my first love kahit medyo palpak, ayos lang hahanap nalang ako ng second love ko at sissiguraduhin kong hindi na papalpak pa iyon. I wish you all the best :)
Sincerely from my heart,
Miss 19”
Medyo maikli yata ah? Pero ayos na ito kaysa naman maraming paliguy-ligoy. Masakit mang aminin na talagang wala na akong pag-asa eh kailangan kasi ayaw ko namang umasa habang buhay sayang lang yung buhay ko. Gusto pa rin magkaroon ng masayang pamilya kahit hindi siya ang kasama. Time will heal everything. I believe na mayroong rason kung bakit hindi man naging kami o kung bakit hindi man lang kami naging magkaibigan.
In time siguro irereveal rin lahat ni God kailangan ko lang mag-antay. Ano ba ito nage-emo na ako kasi naman eh. Ano ba ito naiiyak nanaman ako eh. Kailanagn ko ng umiwi kasi nagsisimula ng umulan.
Umuwi na ako at pagkapasok ko gusto ko ulit lumabas kasi naiiyak nanaman ako, paano ba naman yung kapatid ko tapos si Mr. 20 magkasama ngayon. Oo tama basa niyo sila ng ate ko kasi magka section sila. Magkakaedad lang naman kasi kami twin sister ko siya mas matanda sa akin kaya ate tawag ko.
“Oh sis andyan ka na pala?” tawag sa akin ni Shane yung ate ko. “Ah oo eh lalabas lang ako saglit pahangin,” sabi ko kahit naman naulan mahangin pa rin, magpaulan na kaya ako. Dali-dali kong nilagay sa kwarto ko yung sulat at gamit na dala ko kanina at patakbo akong lumabas hindi na nga ako nagpaalam eh.
Pumapatak sa akin ang ulan at umiihip naman ang malakas at malamig na hangin. Naglalakad lang ako nung una pero nung nagsimula ng tumulo yung luha ko ay sinimulan ko ng tumakbo papunta sa park. Umupo ako sa isang bench doon at doon ako umiyak ng umiyak. Nilabas ko lahat doon at pinangako ko sa sarili ko na ito na ang huling iyak ko sa kanya, sa kanila at sana huli na nga talaga ito sana nga.
Makalipas ang ilang linggo pagkatapos kong maligo sa ulan ay ayos na ako ay mali pinipilit kong maging ayos. Graduation rin ngayon at ngayon ko naisipang ibigay letter ko pagkatapos nun ay diretso na ako sa airport kung saan naghihintay sa akin sila Mommy at Daddy. Isasama nila ako papuntang America eh pero si at ayaw sumama kaya iwan sila ni kuya sa bahay naisip ko na rin na ayos na rin iyon para hindi kami magkailangan ni Ate Shane.
“Sophia ayaw mo na bang kasama si ate? Kaya aalis ka?” tanong ni Ate Shane sa akin habang nakayakap. “Hindi naman po ate gusto ko lang talaga sa America may snow eh atsaka baka andun na yung mga opportunity para sa kin, kaya ate wag ka ng malungkot. Nandyan naman si Theo eh, aaayyyyiieee,” sabi ko at medyo tinusok ko pa yung tagiliran niya.“Basta Sophy! Mamimiss kita tawagan mo ako lagi ah!” sabi ni ate tapos niyakap niya ako “Sorry ate pero kailangan ko lang gawin ito para sa sarili ko,” sabi ko sa isip ko at niyakap ko siya pabalik.
Makilpas ang 5 taon ay nandito na ako ulit sa Pilipinas para magbakasyon dahil summer naman at miss ko na yung kuya at ate ko. “Sophy! Dito dali!” sigaw ng ate ko pagkakita niya sa akin sa airport kasama niya si Theo at kuya. Grabe parang walng pinagbago si Theo ang mayroon lang pinagbago ay ako dahil nakamove-on na ako sa kanya.
Isa pa palang dahilan kung bakit ako umuwi ay dahil ikakasal na sila ng ate ko. Nalaman ni ate yung tungkol sa sulat pero sabi ko wala na yun last na yun, at alam ko naman na gustung-gusto ay mali let me rephrase that mahal na mahal nila ang isa’t-isa kaya nga magpapakasal na sila eh at ako pa yung bridesmaid.
Nasa harapan ko ngayon ang dalawang taong mahalaga sa akin. Nasa harap sila ng altar habang sinasabi at pinapakita nila sa harap ng Diyos at sa harap ng tao kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa. Matapos ang kasal ay reception na at eto ako naayang magspeech. “Hello po sa inyong lahat! Hello ate at Theo! Marami na pong napagdaanan yang dalawa at saksi ako sa lahat ng iyon pero tignan niyo naman at nandito sila sa harap natin ngayon nakangiti at kasal na! Ate sana maging masaya ka atsaka yung pamangkin ko ha dapat maganda at gwapo rin! I love you ate! ,”sabi ko sa lahat at humarap ako ki ate sa dulo, sinabihan niya rin naman ako ng I love you too at humarap na ako kay Theo, “Theo palagi mong papasayahin ate ko ha! Wag mong sasaktan yan kundi lagot ka sakin mahal na mahal ko yan! Gawa agad kayo ng maraming babies ah para may kalaro ako!” namula sina ate sa sinabi ko at tumawa naman yung mga bisita, “Cheers sa bagong kasal!” sabi ko sabay taas ng baso ko.
Hindi pa tapos ang reception pero umuna na ako nakakapagod eh, tapos naiinggit ako kay ate kailan kaya darating yung para sa akin baka tumanda ako ng dalaga. Saka ko na iisipin yun basta andito ako sa may veranda ko habang nakatingin sa moon and stars wala na akong hihilingin pa.