First time ko lang gumawa ng ganito so please bear with this short story of mine. Inspired lang. Hahaha. Thankyou 😁😘
Enjoy! 😁
--------------------------------------------
Charles' POV
First day ko ng pagiging Grade 10 dito sa Lopez Academy. Nandito na ako sa may classroom namin kasama si Mae.
Di naman ako katalinuhan pero nag-aaral ako ng maayos. Di naman sa pagmamayabang pero medyo gwapo din ako kaya medyo marami ding nagkakagusto sa akin.
Kaso nakakainis lang kasi yung mga nagkakacrush sa akin. Di ko lang gusto na tuwing dumadaan ko at nakita nila ay nagbubulungan pero rinig ko like "Ang cute talaga ni Charles no? Kaya crush ko sya e." Ayaw ko lang talaga yung lantaran ba. Gusto ko yung babaeng babae.
"Charles, oy! Aba kanina ka pang nakatulala dyan. Ano bang iniisip mo? Sya na naman ba?" Medyo naulirat na ako. Napatingin ako sa nagsalita. Si Mae, pinsan ko na kasing edad ko din. Kaklase ko din. Alam na alam nya talaga kung sino ang gusto ko kasi sya lang naman ang napapagsabihan ko.
"Grabe ka, Mae. Nakatulala lang sya na agad ang iniisip? Kung sa bagay, sya naman lagi e. Hahaha" sabi ko naman. Kung sa bagay, tamang tama nga si Mae.
"Oy Mae, Charles, ano pinag-uusapan nyo? Haha. Sinong iniisip mo Charles? Grabe ilang araw lang tayong di nagkita kita secret na agad." napatingin ako kay Alex. Isa sya sa kaibigan ni Mae. Siya yung matagal ko ng crush. Grade7 pa lang kami. Ma. Alexandra Montefalco Alonso. Maganda, mabait, masayahin, medyo matalino din at higit sa lahat may takot sa Diyos. Kaso di nya alam.
"Ikaw iniisip nyan, Alex." ang ingay masyado ni Mae. Baka mabuking ako. Iwasan pa ako ni Alex.
"Huh? Bakit naman ako? Eh wala naman akong ginagawa sa kanya e. Hehehe. Kayo talaga." Sabi ni Alex. Oo nga wala naman ngang ginagawa. Wala kasing filter ang bunganga ni Mae ayan tuloy.
"Oo nga, kahit wala ka namang gawin, ikaw at ikaw pa rin ang naiiisip ko?" pabulong kong sabi. Bakit ba kasi hindi mo mapansin, Alex?
"Anong sabi mo Charles?" Patay! Narinig pa ata.
"Wala ah! Ikaw talaga kung ano ano naririnig mo" tsaka ko ginulo ang buhok nya. Haha. Nakakatuwa kasi syang tingnan pag galit.
"Ugh, wag nga kasi yung buhok ko Charles ang kulit mo talaga" angal nya. Hahaha nakasimangot na naman. Bakit ba ang cute mo Alexandra? Ano bang meron sayo na wala sa ibang babae?