Chapter 3: Group Work

178 1 0
                                    

Time check: 9:45 am

"Discipline is exhibited by men through, one, Instructions...."

Blah blah blah...

Boriiiiing... C.L. ang subject... Katamaaad. Bakit naman kasi eto yung topic namin ngayon? Pwede sana kung tungkol kay God. Makikinig pa ako.

Wala ako sa wisyo ngayon. Buti nalang malapit ako sa bintana.Makanood na nga lang ng basketball.

"Psst!"

"Psst!"

Tae! Sino ba yun?

Tumingin ako sa likod...

Waaaah!

Nagulat naman ako sa mukha nya! Kelan pa nagkaroon ng pufferfish dito?

May inabot syang papel saken. Basahin ko daw.

---------------------------------------------

*please put your number here*

Rhea       09194275578

Eros        09456744563

Jovs       09497690770

Ian

Brickster    09395382841

Lyndon    09087562341

---------------------------------------------

Wt---! Ba't nandito pangalan ko?! Buburahin ko to--- ay wag na. Pagtripan ko nalang.

09 + date of birth + date ngayon

09062298103

Yan. Hahaha! Good luck sa kanila.

"Ok class, go to your partners."

Ay shet. Anyare na ba?

Nakita kong nagtatayuan na sila. Ako na lang pala ang walang alam sa nangyayari?!

"B-6! Nasan na si B-6?!"

Sino yun?

Hinagilap ko sa room kung sino yung humahanap saken. Angliit nung boses, pero anglakas. Parang malapit lang siya sa may bandang likuran ko nanggaling yung boses.

*Wapak!*

Mali pala.

Nasa harapan pala. Nalaman ko nalang kasi may biglang humampas sa likuran ko habang hinahanap ko sya.

"Ano ba, halika na! May kaylangan pa tayong tapusin sa loob ng 15 minutes!"

Kainis. Angsungit nya. Pero uy, angcute nya. Maputi na may katamtamang height, mahaba buhok, medyo bilugan yung mga mata, matangos na ilong, pati na yung mala-prinsesang maliit nyang boses.

Shet, ano to, love at first sight?

Napatitig lang ako sa kanya.

*Wapak!*

Aray!

Tangina neto ah, nung una naimpress ako. Ngayon naiinis na ko!

"Ano ka ba! Ano bang tinitingin-tingin mo jan? Tara na!"

Ayun, sumama ako sa kanya. Dinala nya ako sa may platform. Dun kame gumawa ng activity.

Sa sobrang inis ko sa kanya di ko siya tinitignan. Ni hindi ko inalam yung pangalan. Basta ginawa ko lang yung pinagagawa nya.

"Time's up! Pass your work!"

Hay salamat. Tapos na rin ang kalbaryo ko.

Paglabas ng room, bigla akong napatigil sa paglalakad.

Sa gitna ng corridor, napatitig ako sa kawalan.

May sumagi sa isip ko.

Siya ba yung girl na nakakita saken kanina?

Shet! Angtanga ko! 'Ni hindi ko man lang nalaman kung ano pangalan nya!!!

Naisip ko bigla... kaklase ko naman sya ee. Tanungin ko nalang mamaya.

Diary ng GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon