13:15 ARMY TIME @ WELLFORD UNIVERSITY
(AUTHOR'S NARRATION)
It was 13:15 army time (1:15 pm) sa Wellford University...
Vacant kasi ang schedule ni Louise kaya pumunta sya sa cafeteria kung san nandun ang mga kaibigan nyang sina Kylie, Atheena at Kziahanna...and what a coincidence, nandun din pala ang apat na hearthrob ng Wellford o kilala sa tawag na 'Playful Hearthrobs' na binubuo nina Matthew, Cyrus, Justine at Troy...
At dahil walang maisipang gawin ang mga kaibigan ni Louise, naglaro sila ng Spin the Bottle, at ewan din sa trip ng apat na lalaki at naisipan nilang sumali...Dahil si Shane ang pasimuno sa laro, sya ang unang nagpaikot sa bote...
Habang patuloy na umiikot ang bote, biglang nag slow-motion ang pangyayaring iyon kay Louise...
[Sana hindi tumapat sakin ang bote...]Ito ang nasa isip ni Louise...
Huminto ang bote at tumapat ito sa kanya...biglang bumilis ang tibok ng puso ni Louise...
"Sinong pwedeng magtanong kay Louise?Wala akong maisap ehh"
"Can I?"tumayo si Matthew sa upuan nito...Nagulat naman ang mga kaibigan nito...pero pumayag din si Shane...Huminga ng malalim pa ito bago sya nagtanong sa dalaga ng Truth or Dare...
Nagdalawang isip naman ang dalaga sa isasagot nito sa binata...
"Dare."nasabi nya.
Tumayo si Matthew sa upuan nito at pumunta kay Louise...Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso nito...Wala syang clue sa maaaring itanong sa kanya ng binata...
Napatigil sya sa katagang sinambat ng binata...
"Louise, I dare you to Love me."
Mauutusan mo bang isang puso'ng magmahal?Paano mo mamahalin ang isang tao kung kahit ni katiting ay wala kang nararamdamang pagmamahal para sa kanya?