Wala sa sarili akong tulala sa hangin at kung anu-ano ang iniisip. Ang aking kanang kamay ay mag isang gumuguhit ng mga hindi pa na kikilalang mga hugis na parang may sariling utak. Mabilis akong nag buntong-hininga.
Sabay ang naging pagbalikwas at pagsinghap ko ng marinig ang aking pangalan sa gitna.
"Ms. Malachi Bustamante, are you with us?" Mataray na tanong ng aming propesor na nakataas pa ang kilay sa likod ng kanyang napaka kapal na salamin.
Umayos ako ng upo at mabilis na tumango.
"Y-yes Ma'am."
Matinis na tawanan ang aking narinig sa bandang unahan. Samantalang ang kabuuan ng klase ay nakatingin sa akin.
"Just make sure that you understand everything that I've said. Hindi kami sini-suwelduhan ng doble para ulitin ang mga sinasabi at tinuturo dito sa gitna." Pahabol pa niya at nakakunot pa ang noo.
Matalim ang naging tingin sa akin ng aking mga ka-klase. Napayuko ako. Nag ipon ako ng sapat na lakas para tumayo at humingi ng tawad.
"I am sorry Ma'am. I'll make sure that I will listen and take down everything that you will discuss next meeting."
Napataas na naman ang kanyang kilay.
"Okay. Class dismiss." Aniya and suddenly stormed out of the room.
Napakubkob ako sa aking lamesa.
"Chi, okay ka lang?"
Napa-angat ako ng tingin at nakita ang nag-aalalang mukha ng aking pinsang si Brice.
"Tinatamad lang ako ngayong araw. Wala akong problema."
She let out a soft laugh causing me to sit straight and looked at her with boredom. Why is she laughing?
"Alam ko na. Hindi ba talaga uuwi si Tito sa graduation?"
Sapul. Pero hindi iyon ang iniisip ko. Maraming bagay. Maraming walang kwenta.
She tapped my back and left.
I've been studying so hard for six years in college. Those sleepless nights. Failures. Unpassed exams. Sweats. Nose bleeds. Unbearable smells of patients. Tears of joy during recovery. Death and guilt. Connection. Lick of love. The untiring wiggling of tails. Furry t-shirts. Sighs. Face palms. Nervousness. Deadly migraines. Colds. Tiredness. Infinite stress. Scary moments. Overcoming cringy things. No bath days. Hates. Forgiveness. Pain.. And the list goes on and on.
Dad supports us with money until then. Not with time. Not with moments.
But still, I want him to be there when I march - come up on stage and smile widely as I congratulate myself for overcoming six long years with strong self.
"Ang drama, ha! Tumayo ka na kain tayo!" Malakas na saad ni Brice na ngayon ay nakatayo sa gilid ko. I didn't even know she's back here. Hindi ko rin alam kung saan siya pumunta.
"You go eat. Busog ako." Kumubkob pa ako lalo.
"Ate!"
Mabilis akong napatayo pagkarinig ng boses ng aking nakababatang kapatid.
"What are you doing here? May klase ka pa, ah. Are you ditching class?" Tanong ko at agad lumapit sa kanya.
Napansin kong wala nang tao sa loob ng kuwarto maliban sa amin.
"Ate, lunch na. Alas dose na."
Napatingin ako sa kaliwa kong kamay na may Daytona watch. Tss.
"Halina kayo. Nagugutom na ako." Wika ko at naunang lumabas ng classroom.
-------
"Hey! Don't eat my food, Grayson! You pig!"
"I'm hungry as a wolf, can't you see, Ice? You were smiling like an idiot and just playing with your food. I'm going to eat it."
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawang patay-gutom kong pinsan na nasa harap ko ngayon. Nasa cafeteria kami at nag la-lunch.
"You can eat mine, Kuya. I'm full na po."
Napatingin ako sa kinainan ni Zech at natawa ng bahagya. Puro nalang kasi kamatis at cucumber ang naroon na natira.
"You're such a kid, Zech. Still a picky eater, huh? Paano kapag nagkagirlfriend ka tapos kamatis at pipino ang gusto niya?" Tanong ni Gray na naghihintay ang pagkaing isusubo sa kanang kamay.
"Hindi ko po iyon ipagdadamot, Kuya. Ibibigay ko po lahat ng pipino at kamatis ko sa kanya." Inosenteng sagot ni Zech.
Natawa kaming lahat.
"Still a babyboy, Zechariah. Chichi ha, i spoil mo pa 'tong kapatid mo." Iling-iling na wika ni Gray.
"Hindi talaga siya kumakain ng cucumber at kamatis, e."
"Kainis, e ba't ang puti mo?" Naiirita na ang mukha ni Gray pero para namang nag bibiro.
Nag kibit balikat lang ang aking kapatid at inosente pa rin ang tingin sa kanya.
"We should go back to our classes. Time's almost 12:30."
Brice rolled her eyes upward.
"Kahit kailan, Dacia." Ani nito. Ngunit dire-diretsong umalis si Dacia at agad din kaming sumunod palabas.
-------
"Ate!"
Halos liparin ko ang hagdan papuntang first floor ng bahay ng marinig ang sigaw ng aking kapatid.
Hingal ako ng makarating sa kusina at nakita ang halos hindi maipintang mukha ni Zech.
"Anong nangyari?"
"Ate.."
"Bakit?!"
"Kinain ni Edta ang ulam natin."
Napa face palm ako ng malakas at halos maiyak sa sakit.
"Zech naman. Saan mo ba nilagay? At busog palagi si Ethylenediaminetetraaceticacid, ah?" Mabilis kong tanong at may kasama pang padyak.
"Edta nalang, Ate. Sorry po. Galit ka? Nakalimutan ko po kasi kagabi ng mag mid-night snack ako ng dalawang beses."
Napakunot ang noo ko at nanlaki ang mga mata.
"Mid-night snack tapos ulam ang kinain mo? Tapos teka, dalawang beses?!" Hindi makapaniwala kong tanong.
"E, Ate nagutom kasi ulit ako. Konti lang naman ang kinain ko. Si Edta po talaga yung umubos. Wala pong tira, Ate."
Napa face palm ulit ako pero dahan-dahan na. Hinilot ko ang aking sentido.
"Oh, siya. Hayaan na natin 'yun at ubos na rin naman. Nasaan si Edta?"
Tinuro niya ang ligated naming pusa na tulala na naman sa harap ng bintana. Paniguradong may hinihintay na namang butiking lumabas.
Napailing-iling nalang ako ng ulo.
ヽ(*≧ω≦)ノ