Chapter 25

296 25 10
                                    


Irish's Point of View


Nakauwi na kami sa bahay pagkatapos ng camping. Grabe lang ha, nakakapagod talaga yung camping na yun. Ugh, ang sakit pa ng katawan ko.


Nakapatingin ako sa notebook ko habang iniisip ko yung nangyayari nung sa camping. Nakangiti akong sumusulat sa journal notebook ko nung iniisip ko na totoo ang lahat na nangyari sa camping.


Boyfriend ko na si Kurt.


Basta, parang may halong kilig, kasayahan at excitement ang nararamdaman ko. This is my first time in having a relationship. Grabe lang, hindi ko na alam ano ang gagawin. Sabi daw niya na just be yourself. Eh, paano? Naguguluhan na nga ako kung ano ang gagawin ko.


"Huy Aiko", halos lumabas yung puso ko nung narinig ko yung boses niya. Agad ko naman siya nilingon. Nakita ko siyang nakasandal sa pintuan habang nakatingin sa akin.


"A-Ano?", nauutal kong sabi. Hindi ako mapakali, kinakabahan ako eh! Boyfriend ko na siya pero hindi ko alam ano ang gagawin! Damn it! Hindi naman ako ganito ka paranoid eh!


"Turuan mo nga ako sa assignment natin sa Math. Naguguluhan ako eh", ani niya at lumapit sa akin. Habang para akong tanga dito na grabeng pula yung mukha, tumango ako sa kanya at nag-offer ng silya para makaupo siya.


"Anong number ang hindi mo naiintidihan?", tanong ko sa kanya. Tinataguan ko talaga tong kaparanoid ko. Nakakainis! Act naturally, act naturally. Boyfriend mo na nga siya, wag ka ngang pakipot.


"Ito oh", sabi niya sabay turo dun sa may number 1, number 4 and number 3. Muli akong tumingin sa kanya na nakakunot noo. Nakita ko yung ibang klase niyang ngiti. Yung nakaasar. -_-


"Eh ang simple lang neto eh!", reklamo ko sa kanya at sinamaan ng tingin. Basic Algebra lang naman to eh, bakit siya naguguluhan? "Niloloko mo ba ako, Kurt?", nanliit yung mga mata kong nakatingin sa kanya.


Nakita kong mas lumaki yung ngiti niya sa akin tsaka inilapit yung mukha niya sa mukha ko. "Ang sabi ko naguguluhan ako eh. Ano bang meaning ng 143?", nakalokang tanong niya sa akin. Huh? Hindi ko siya gets. Sabi niya kanina naguguluhan daw siya sa mga problems nay un at ngayon, ano?


"Malamang number yan. Ano ba yan? Diba number?", naguguluhan kong sagot sa kanya. Nakita kong napakamot siya sa ulo ko. Bigla niyang kinurot yung pisngi ko.


"Ikaaaw talagaaa! Hindi ka marunong sumabay!", nanggigigil niyang sabi habang nakakurot pa rin sa pisngi ko. Hindi ko siya naiintindihan.


"Sa anong generation ka pa galing?", napasigh nalang siya at binitawan na yung pagkurot sa akin.


"I love you yung meaning dun, gets?", dagdag niya


Ah? Ganun pala? Oo nga noh? Bakit ba ang slow ko? Ugh.


"Okay, take two tayo!", sabi niya at tumayo sa kinauupuan niya. Bigla niya akong hinila patungo sa kama at pinaupo ako sa tabi niya. Shet, puso kalma!

My Fangirl: My MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon