30 Days of Diary: Chapter I
"Hey! Stop looking at me that way! Naiirita ako!"
"Okay. Ms. Chua."
"Ms. Francine Chua, just focus on your work and ikaw naman Mr. Richard Cruz, tigilan mo na si Francine."
"Franchard! Franchard!", asar ng buong klase.
'Class! Stop it!"
"Welcome to college!" Yan ang sigaw-sigaw sakin ng College Algebra. Pambihira naman kasi yan, ang mga tanong napakasakit sa utak. Yung feeling ng ang sagot ang may alam lang ay si Prof. at ang Diyos. Pero pagmagbibigay ng example, yung ang dali-dali na masasabi mo na lang ay "aaahhh...","ganun lang pala..." pero pagdating ng test magtataka ka, "Sh*t! Tinuro ba'tu?" Tapos ipapahanap sa'yo si "X" at may "Y" pa! Eh ayoko nga. Napakawalang kwenta nya! And kung itatanong mo pa "Y"? Kasi wala syang ginawa kundi lokohin at paikutin ang mundo ko. But scientifically speaking, umiikot ang mundo sa axis nito at sa orbit, pero ang galing ko Science ay di ako natulungan sa lovelife ko. Pero balik tayo sa College Algebra, ewan ko ba kung bakit sa twing nagbabalasa ng cards ay ung sakin ang nabubunot? Di naman siguro dahil sa maganda, mabait at humble ako pero siguro dahil na din dun. Pero after this ang masayang inaabangan ng lahat ay...
"Goodbye class! See you next Wednesday. Remember, Sir Johndel Montejo loves you!"
Finally, natapos na din ang isang maghapong makapanuyot-yutak. Grabe naman kasi, umaga Chemistry, tanghali Fundamentals, tas hapon College Algebra. San ka pa? Minsan nagtataka na lang ako bakit puro Math kasi alam ko History major ako. Pagdating ng uwian makikita mo ang iba't ibang grupo na humahati sa seksyon namin.
Syempre di dyan mawawala ang mga geeks, mala-The Big Three ng Heat, bumangga-giba! Yung feeling ng sinusulat mo pa lang ung given, proving na sila! San ba gawa yang mga utak nyo?
Kung may geeks, may parasites naman. Dikit dito, dikit doon! Kung saan may masisipsip dun sila. More on chika, more on bunganga, wala din namang maitulong.
Ang da best group kasama ay ang mediocre, mey joker, partypips at churchees. Ito ung mga madaling pakisamahan, mga totoong tao pero may pagkawild din minsan, in a positive form nemen.
Yung mga mediocre, tapat sila sa sarili nila na alam nila, tanggap nilang average sila. Kahit sabihin nating average sila, they still do their best para mag-improve. Kumukopya din sila pero di naman sagad-sagad tsaka di mo maiaalis yun. Tsaka naandito yung mga trustworthy na people, as in mapagkakatiwalaan mo talaga.
Pagdating naman sa mga "Mey Joker", di lulungkot ang buhay mo dito. Di ka lulungkot pagkasama mo sila kahit pa consistent "sinko" ang nakatattoo sa SIS mo. Maeenjoy mo ang buhay. May mga tao talagang kinakain na ng pating, tumatawa pa din. Sa kanila ka matututo na ang problema, tawanan mo lang dahil may solusyon yan dahil pagwalang solusyon di problema yan.
Kung gusto mo talaga ng enjoyment, sumama ka sa Partypips. Sila yung mga taong pressure-proof, kahit patong-patong nang mga gawain, kering-keri padin nila! Bilib ako talaga kasi gagawa lang sila 3 hours before the deadline. Basta priority nila is their happiness.
Lastly, yung mga churchess. Ito yung mga real guy sa room. Sa kanila mo mapapansin na walang perpekto pero dapat nilalakaran mo yung perrfection kahit na ilang boses kang nadapa at naligaw ng landas. Nandyan yung chickboy, green-minded, super-easy-go-lucky-go, DOTA boy, antipatiko, mahangin pero sa kabila ng lahat meron silang katangiang super hirap makita sa iba, napakaselfless nila. As in uunahin iba bago ang sarili, yung tipong isusubo na nila ibibigay pa sa nangangailangan.
Of course nemen, di dyan mawawala si Idol Pres! Wala syang malinaw na grupo, gusto nya lahat ata makilala... para daw fair. Kung usapang leadership lang, madami syang sablay! May attitude problem din minsan at may face problem din, pero kung babasehan mo yung accomplishments, aprub ka talaga! One time nga I ask him, "Pres. Bakit wala kang kinabibilangang group?" He just answered me, "Being a leader there is a harder job than choosing where side you're in, and it is to bring those sides together."
"Franchy! Wait!"
"Oh? Problema mo?"
"Bakit ba ang sungit mo?"
"Sige nga! Titigan mo ba naman ako habang nagsasagot ng mala-Doomsday na tanong."
"So, galit ka na nyan?"
"OO! Matagal na! And please wag mo nga kong sundan!"
"Bakit? Masama ka bang sabayan pauwe?"
"OO! Tsaka marunong ako umuwe mag-isa!"
"Sandali nga, bakit ba ganyan ka sakin? Since I told my feelings for you."
"Hey! Bitiwan mo nga ang braso ko!"
"Wag kasing magmadali maglakad. Kinakausap pa kita di'ba?"
"Coz I don't wanna hear anything from you, freak."
"Yan ang hirap sa inyo ee.. di purkit niloko ka ng ex mo ee kaya ka ng lokohin ng lahat ng lalakeng iibig sa'yo!"
"Hey you! You don't have the right to tell me those words. Who are you para panghimasakan ang buhay ko?"
"Sorry naman, nagke-care lang naman ako pero..."
"Wala ng pero, pero. Please! Chard, tigilan mo nako! Wag mo nadin ako sundan or else..."
"Eh umuulan? I know namang di ka nagdadala ng payong."
"I prefer to walk in the rain than to be with you."
I forgot to introduce him, si Richard Cruz. Di naman sa pag-aasume, pero suitor ko sya since the last weeks ng first sem. Wala, maiirita ka talaga sa kanya, first and foremost, I hate ng laging may nakatingin sakin. Yung tipong lagi syang nakabantay sa lahat ng ginagawa mo. Damn it! Pero kung irerate natin, effort, 10 points. Face value, 10 points, gwapo sya, kaya nga andaming naghahabol sa kanya. Pero ganun lang talaga siguro pagvarsity, lakas ng dating pero sakin wa-epek yan. Pagdating naman sa kahanginan, 100 points raise to the 23rd power! Grabe, daig pa ang Habagat! And what I hate the most is the fact that lagi nyang binubuhay ung past ko, at pinipilit nya yung sarili nya sakin but noon ko pa naman sinabing ayoko. Sadyang ma[ilit sya, ayoko pa talaga and kung sya lang naman din magmamadre na lang ako.
And so after ng napakahabang introduction, nakahiga na din ako sa kama... finally, naramdaman ko din ang peaceful atmosphere. Ayun kahit uwian ako, para padin akong nagdodorm. Basang-basa akong umuwe but no one cared for me in this house, maliban na lang sa sarili ko. Si Dad and Mom, naghiwalay when I was young, but Mom took the responsibility for me pero nowadays, weekly na lang sya kung umuwe. Meron naman akong yaya pero ayun busy sa drayber ng kapitbahay namin. Damn! Sa sobrang drama ng buhay ko baka di ito kayanin ni Charo Santos. This is a hell life! I don't know why these things happen to me kaya you can't blame me if I don't trust people easily. At ito ang kwento ng buhay ko... Lalie lang ang peg?
I don’t know what to do
There is no easy way of letting go
But I know there’s no sense
In holding on too much to something fading
Help me, Help me
Help me get over you
BINABASA MO ANG
30 Days of Diary: Chapter I
Teen FictionPaano kung sa isang di inaasahang pagkakataon ma-inlove ka sa taong pinakakinaiinisan at pinakakinaaayawan pero mayroon na lang syang 30 days para mabuhay pa? Ipaglalaban mo pa ba o hahayaan mo na lang lumipas ang mga araw?