"Malalaman mo lang ang halaga ng taong nagmamahal sa'yo kapag nawala na siya sa buhay mo."
-sounds familiar, right?
Totoo nga ba? Parang ang tanga naman ng mga taong ganyan. Ang ewan nila, saka lang nila marerealize kapag wala na, ano pang magagawa nila? Meron pa ba? Kung kelan huli na ang lahat? Maibabalik pa ba nila ang nakaraan? Maibabalik pa ba nila ang pagmamahal na sila mismo ang naging dahilan kaya nawala?
Sa buhay ng isang tao, hindi mawawala ang regrets, ang napakaraming regrets. Pero, kung may pagkakataon tayong baguhin lahat ng pinagsisihan natin sa nakaraan, diba gagawin natin ang lahat? Makikipaglaban tayo para sa taong mahal natin.
Sana, magawa ko. Sana, pahintulutan niya ako. Sana, kami pa rin sa huli.
:)