Chapter 51
[Marjorie's POV]
Patuloy lang sa paghila sakin kung sino man tong taong to, habang nakatakip pa din ang kamay nya sa mata at bibig ko. Sisikuhin ko na sana sya kaso bigla nya kong binitawan at napasandal ako sa pader habang naghahabol ng hininga. Hindi ko na naman makita ang mukha nya dahil madilim.
"Sino ka?! Anong kailangan mo sakin?! Kidnap ba to?! Rape?! Holdap?! Carnap?! Ano?!"
"Shh! Joreng ang ingay mo!" sabi nya at nabosesan ko sya kaya nalaman ko kung sino sya. At sa pagtawag na din ng Joreng sakin eh alam na kung sino sya.
"Raffy? Paeng? Rafael?!"
"Ssshh! Sigaw ka ng sigaw! Baka nga akalain nilang may ginagawa akong hindi maganda sayo, tss."
"Ayy sorry. Eh bakit kasi ganun ang entrada mo? Baliw ka ba? Akala ko kung sinong sindikato na eh =___="
"Tsk. Sa gwapo kong to, sindikato? Mafia pwede pa eh."
"Aish, ewan ko sayo. Parang ang laking pagkakaiba, tss."
"Bakit ba kasi bigla ka na lang umalis at nagpunta dito sa madilim na lugar na to? Sinusundan mo ba sila?" sabi nya at sumilip ulit dun sa gawi nila John.
"Gusto ko lang ng katahimikan, gusto kong mapag-isa. Tsk."
"Hay nako, pumasok ka sa puso ko, tahimik dun. Wala ka ding kasama, nag-iisa ka dun."
"Puro ka kalokohan eh. Tara na nga lang, balik na tayo dun." aya ko sa kanya at nagsimula na akong maglakad pabalik sa party.
"Teka, hindi mo na itutuloy ang panonood sa kanila? Ganda na ng scene oh, hameyzing." sagot nya naman at nakasilip sya kung nasan si John at Lorraine.
Bwisit talaga to eh. Hanep mang-asar =__=
"Tigilan mo nga, Paeng! Kalalaking tao chismoso. Tara na!"
"Hahahaha! Ito naman hindi mabiro oh. Pinapatawa lang kita. Alam ko namang kanina mo pa gustong umiyak at magwala eh." sabi nya sabay akbay sakin at naglakad na kami pabalik sa party.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]
Novela JuvenilMay pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababaihang lubos na nagkagusto sa isang tao? "Bakit hindi ako crush ng crush ko?". Yan ang kaisa-isang tanong na gustong masagot ni Marjorie. Masa...