Chapter 8

29 4 3
                                    

Dedicated to BeautifulJaclyn
Thanks for adding my story to your reading list. :)

Chapter 8

Last

Pinsan. Magpinsan. Magkadugo... Iyan ang mga salitang naglalaro sa isipan ko mula pa kanina. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin at maramdaman sa ngayon. Kung ang nangyari ba kanina at ang mga naging reaksyon nila o ang katotohanang magkadugo kami at nakagawa kami ng isang napakalaking kasalanan.

"What was with him? Bakit niya ginawa 'yon?" Narinig kong tanong ni Andrea kay Zane.

I just pretended not hearing them. Nanatili lamang akong nakaupo doon habang nakatitig sa isang baso ng cocktail drink sa harap ko.

Tatayo na sana ako upang pumunta sa banyo nang marinig kong nagsalita si Zane.

"Ilona.." Tawag niya sa akin. Nilingon ko naman siya agad.

"Bakit?" Tanong ko. Mabuti na lang at hindi nanginig ang boses ko sa pagtatanong. Mula pa kanina, nang makita ko ang mga reaksyon nila, ay nakaramdam na ako ng kaba.

"By any chance, nagkita na ba kayo ni Clyde noon? Magkakilala na ba kayo?"

Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Should I tell her? Should I tell them? How will I tell them that he's my ex? That he's my first love? I'm sure na hindi nila matatanggap ang ganoong impormasyon. Magugulat sila. At maaari ring magalit sila. Alam ko, kahit hindi pa nila sinasabi,  na magpinsan kami ni Clyde. Alam ko na na siya ang kapatid ni Ate Sab. Kaya naman ang makarinig ng isang impormasyon tungkol sa dalawa mong pinsan na katulad ng nangyari sa amin ni Clyde ay hindi katanggap-tanggap. Itatago ko na lamang kung anong mayroon sa amin noon.

Magsasalita na sana ako nang dumating naman ang iba ko pang mga pinsan, kasama si Clyde.

"I already heard his side. Kayo na ang bahalang humusga kung katanggap-tanggap ba iyon o hindi." Ani Craig.

"I think we should settle this later na lang? Hindi pa kasi tapos ang party ni Ilona. We're already spoiling it too much. Dapat ay nag-e-enjoy pa siya sa mga oras na 'to." Suhestiyon naman ni Andrea.

I don't think I'll still enjoy this party, Andrea. Gusto ko sanang sabihin iyan ngunit mas pinili ko na lamang na manahimik. Magsalita man ako o hindi, ipagpatuloy man ang party na 'to o itigil, ganoon pa rin. Wala na ako sa mood para mag-enjoy o ano pa man. Mas gugustuhin ko ng mapag-isa sa ngayon kaysa harapin silang lahat.

"Andrea's right. Let's wait first for her party to end. Besides, wala naman talagang kailangang ayusin. I'm just on my asshole mode a while ago that's why I did it. Iyon lang naman. Stop over thinking. Let her enjoy her party." Ani Clyde.

Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. So, he's just on his asshole mode, huh? I hope he's sorry because of that and not because of what he did.

"Okay, okay." Ani Ate Sab. Tumingin muna siya sa akin bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Sorry for spoiling your night, Ilona. Hindi ko lang kasi talaga magawang kumalma sa nakita ko kanina, sa ginawa ng kapatid ko. What he did is not tolerable. I'm really, really sorry. I think I should go now. I might not be able to stop myself from scolding my brother if I will stay here a little longer. Again, I'm sorry, Ilona."

"It's okay, A-Ate.." Tanging naisagot ko.

Nagdalawang-isip pa ako kung tatawagin ko ba siyang Ate o hindi. Well, of course I should call her "Ate"! She's my cousin. Bakit nga ba ako nagdalawang-isip? Tsk.

Tumango muna siya bago nagsalitang muli, "I'll go ahead now. Enjoy your night. Sorry ulit."

Tumalikod na siya at naglakad na palayo sa amin. Sumunod naman sa kanya si Kuya Yale. Siguro ay ihahatid siya sa labas o di kaya naman ay pauwi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crossing The Devil's LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon