JiHyo's POV
*ding dong ding dong*
Aish! Sino ba yan! Panira ng tulog!
"Mina.. Mina... pabukas nung pinto..." sabi ko at kinalabit si Mina pero hinampas lang nya yung kamay ko
"Chae... pabukas nung pinto" sabi ko at kinalabit yung isa kong katabi pero hinampas lang din ako.. aish! Kasi naman eh!
Tumayo na ako.. sa living room pala kami nakatulog, nag aya pa kasi ng movie marathon eh, tss..
*ding dong ding dong*
Ano ba naman yan! Ang sakit sa tenga ng door bell nayan! Papatanggal ko mamaya yan! Tss..
"Tss.. istorbo eh! What do--- M-mommy!? T-Titas?!" Pasigaw kong tanong dahil nakita ko yung pagmumukha ni Mommy at Mommy nila Nayeon Unnie.. at dahil din don biglang nagising yung diwa ko
"Istorbo ba kami? Ano bang ginagawa nyo?" Sabi ni Mommy at pumasok pero pinigilan ko sila
"Ahehehe, tatawagin ko nalang po sila, dun nalang po tayo mag usap sa garden" sabi ko pero nagpumilit silang pumasok at...
"Im Nayeon!"
"Yoo Jungyeon!"
"Hirai Momo!"
"Myoui Mina!"
"Minatozaki Sana!"
"Kim Dahyun!"
"Son Chaeyoung!"
"Zhou Tzuyu!"
Sabay sabay na sigaw ng mga mommy nila dahilan para magising sila at tumayo ng mabilis, tutumba tumba pa nga eh hahaha
"Oh? Bakit ka tumatawa? Pumunta ka dito, ikaw kaya yung pasimuno" sabi ni Nayeon unnie kaya wala akong nagawa kundi tumayo sa tabi nila, sesermonan kasi kami ng mga mommy namin eh
In 3...2...1..
"Pack your things.." sabi nila mommy
"Ha?" Tanong ko
"Pack your things, babalik kayo sa Korea and magdedebut as an artist" sabi ng mommy ni Tzuyu
"But--"
"No buts! Pack your things now! Ngayon kayo aalis!" Sigaw nila samin kaya dumiretso na kami sa kaniya kaniya naming kwarto
"Pano kung makita natin sila dun" tanong ni Momo
"Wag nalang natin silang pansinin, kunwari hindi natin kilala" sabi ni Nayeon at tumango sila tapos lumabas na kami at sumakay sa van
"Umm.. Mommy, anong Entertainment yung papasukan namin?" Tanong ni Jungyeon
"JYP Entertainment, isa sya sa sikat na Entertainment agency sa Korea" sabi ni Tita at tumango si Jungyeon
Nag search ako about sa JYP Entertainment kaso biglang..
"Nandito na po tayo" sabi nung driver kaya bumaba na kami
-airplane-
"Uy bawal yan, gusto mo bang mamatay?" Sabi ni Nayeon
"Grabe naman, hindi pa nga tayo umaalis eh" sabi ko tapos tumawa lang sya
Nag search na ako tungkol sa JYP Entertainment
"Tingnan mo yung list of groups" sabi ni Nayeon
"Hindi ka naman excited noh?" Sabi ko at tumawa lang ulit sya, tss.. baliw..
"2PM? 2AM? Oras ba yun nung pinanganak sila?" Sabi ko
"Ganda ng joke mo" sabi sakin ni Momo, inirapan ko lang sya at nag scroll pa ng groups