Chapter 43- I am sorry...noh?

342 8 3
                                    

Kate

~*~*~*~

Pakitang tao...

Kunwari pa siya diyan na masaya siyang kasama kami.

Ang hirap talagang initindihin ng mga tao minsan.

Sana pala psychology na lang ang kinuha kong kurso.

Nakaupo na lang kami ngayon sa pwesto namin habang nagkukwentuhan sila.

Sa inis ko umalis na lang ako. Pumunta ako dun sa garden para magpahangin.

Sumunod naman ang loko.

"Kate. Sorry talaga." Ayun lang ba ang alam niyang sabihin ngayon?

"Saan?"

"Sa ginawa ko."

"Ahh."

"Hindi mo kasi naiintindihan."

"Talagang hindi ko maiintindihan kung hindi mo sasabihin sa akin."

Ang tagal niyang natahimik.

Parang wala ng balak pang magsalita.

"Hi Kate! Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Tara sayaw tayo sa loob." Dinig kong niyayaya na ako ni Jovan na mukhang kakarating lang.

Lalapit na sana ako pero hinawakan ako ni Syfred sa braso. Magkaharap na kami Jovan, pero nakatalikod pa din si Syfred sa amin.

"Yes Mr. Lim?" Tanong ko.

"Ahh. Pakisabi na lang ulit sa Ate mo congratulations. May kailangan pa kasi akong gawin."

"A sige po. Ingat ka po. Salamat po ulit sa pagpunta."

"Magkakilala kayo Kate?" Tanong sa akin ni Jovs. Haha Jovan for long.

"A oo pinakilala siya sa akin ni Ate kanina. Boss daw niya, at bestfriend ng asawa niya, ng kuya mo." Nagpalipat lipat lang ang tingin ni Jovan sa amin ni Syfred.

Oo nga pala, hindi pa binibitawan Pokes 'yung braso ko.

Lalayo na sana ako pero bigla niya nanaman akong niyakap ng mahigpit.

"Hindi porket break na tayo wala na tayong nakaraan at mas lalong hindi din ibig sabihin nun na hindi na kita mahal." Natulala ako.

Hindi na ako nakapagsalita.

Matapos niya akong yakapin ni hindi na din niya ako tinitigan at umalis na lang. Huminto pa siya sa gilid ni Jovs at parang saglit niya itong tinitigan.

"Sisisantihin ko 'yang Kuya mo kapag niligawan mo si Kate." Ay nambabanta?

Pagkaalis ni Pok- ay este Syfred, hinarap ulit ako ni Jovan.

"Ex mo?"

Pero kinilig ako. Haha. Mahal niya pa pala ako e anong problema dun?

Makalumang telenobela na ayaw sa akin ng mga magulang niya kaya kami pinaghihiwalay kasi ang gusto sa kanya ng mga magulang niya ay mayaman din tapos paghihiwalayin kami tapos mapipilitang siyang magpakasal dun sa babaeng gusto ng nanay niya tapos maiiwan akong luhaan?

Ang dami ko ng sinabi. Kaya napapahaba 'yung kwento e. T_T

"Kate?"

"Ha? Ay ano nga pala 'yung tinatanong mo?" Nkalimutan kong may tao pa nga pala dito.

"A wala. Tara na sa loob." Nakangiting suhestiyon niya.

"Ayoko. Gusto ko munang mag-emote dito."

8 years older, or two years younger?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon