Syfred
~*~*~*~*~"Buti naman pare magaling ka na? 'Wag ka na ulit magpupuyat a."
"Opo Andrew. Opo. Magaling na nga ako, naaksidente naman si Dad."
"Huh? Bakit? Anong nangyari?"
"Kasi nung nasa ospital kami nag-aaway kami nun ni Dad dahil nga kay Kate. Ayun sa galit nilayasan ako ni Dad dumirediretso lang siya ng labas hanggang sa nabalitaan nga namin na nasagasaan siya. Madaming dugo ang nawala. Rare pa man din ang blood type niya."
"Paano na 'yan?"
"Edi maghahanap ng blood donor."
"Anyways. Pakasal ka na pare! Ang sarap sa pakiramdam ng gigising ka sa umaga na ang unang una mong makikita ay 'yung mukha nung asawa mo. At siya din ang nag-aalaga sa 'yo, siya ang naghahanda ng almusal mo..."
Hindi ko siya sinagot.
Nagpakawala lang ako ng malalim na buntong hininga.
"Hey. Come on. Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Kate?"
"Wala. Walang nangyari sa amin." Binatukan niya ako nung sinabi ko 'to.
"Gagu. Hipag ko pa din 'yun!"
"Bakit ang green minded mo?" Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao dito sa office.
"Ang malisyoso kasi ng pagkakasabi mo e."
Kate
~*~*~*~*~"Bakit mo ako tinakbuhan huh? Akala mo siguro matatakasan mo ako no?"
"Sorry na Shaun. Ano ba kasing gusto mo?" Saglit kaming huminto sa park para magpahinga. Hiningal ako sa pagtakbo ko a? XD
"Gusto kong magkaayos kayo ni Kuya."
"Bakit pa?"
"Dahil si Dad ang may gusto na maghiwalay kayo hindi si Kuya. Nabalitaan ko din na si Dad ang nag-utos na holdapin ka. Kesa gahasain ka ng mga tauhan ni Dad, sinunod na lang ni Kuya 'yung gustong mangyari ni Dad na hiwalayan ka kahit labag sa kanya."
"Weh? Ineechos mo lang ata ako e."
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Aalis na nga ako." Pero bago pa siya umalis pinigilan ko na siya sa braso.
"Ang sungit mo ata ngayon?" Tanong ko.
"A sorry. Naaksidente kasi si Dad kaya malungkot ako ngayon. Sige na mauuna na ako. Nagpunta lang ako dito para sabihin 'yan sa 'yo."
"Teka teka teka! Malubha ba ang tatay mo? Anong pwede kong maitulong?"
BINABASA MO ANG
8 years older, or two years younger?
Romantikkung ikaw ay papipiliin, isang lalaking walong taon ang agwat sayo? o isang lalaki na dalawang taon ang bata sa iyo? Join Kate and her friends in their adventures in jollytown! XD