Pagkauwi ko sa bahay, agad akong pumasok sa kwarto at hindi ko namalayang may bisita pala ako. Since kilala siya ng pamilya, nakapasok siya sa kwarto ko ng hindi ko namamalayan. Muntik akong mapatalon nang makita ko siya. Siguro epekto pa rin ito ng ginawa sakin ni Jacob kanina.
"Anong nangyari sayo? Hindi mo ako napansin sa baba kanina, bigla ka na lang umakyat dito - teka, ano yan? Bakit sira-sira yang uniform mo!?" Histerikal na sabi niya. Tinakpan ko naman yung bibig niya dahil baka marinig siya sa baba.
"Tss.. Wag kang maingay.." Sinara ko muna yung pinto dahil soundproof naman ito bago ko siya binitawan.
"Teka nga! Samantha! Anong nangyayari sayo!? Una hindi mo sinabi sakin na magtatransfer ka, pangalawa bakit nagpagupit ka? Atsaka ano yang mga pasa mo at may paband-aid ka pa sa mukha. Sana tinext mo man lang ako diba?" Andami niyang tanong. Pero wala ako sa mood sagutin yun. Preoccupied pa rin ako sa mga nangyari kanina. Hindi naman sa hindi ako masaya na nandito na si Minji, hindi lang talaga ako makaget over.
Nagpalit muna ako ng uniform bago ko sinabi ang lahat-lahat sa kanya. Si Minji ang most trustworthy kong kaibigan, siya lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko. Tumulo ang luha niya sa mga kwento ko sa kanya. Masyadong maraming nangyari mula nang umalis siya.
Nagsimula ako sa first meeting
ni Jacob, sa pagtatransfer ko ng school, sa pag-alis ni Tristan na hindi ko alam, sa pangmamaliit sakin ni Jacob at sa pagpapahirap niya sakin sa school hanggang sa nangyari kanina. Wala ni isang detalye akong kinalimutan, sa kanya lang naman ako nakakahinga eh."Hindi ko alam na ganun pala ang dinanas mo na hirap bes!" Sabi niya na umiiyak. Kahit kailan talaga iyakin 'tong bestfriend ko. Napangiti lang ako.
"Napakawalang hiya naman ng Jacob na yan! Hindi ako makapaniwalang kaibigan sila ni Tristan. At isa pa yang Tristan na yan! Siraulo siya! Bakit hindi man lang siya nagpaalam? Ano bang iniisip niya?" Hindi ko sinagot si Minji. Maski ako hindi ko pa rin alam eh. Pero umaasa ako na isang araw babalik si Tristan at sasabihin sakin ang lahat.
"So anong plano mo ngayon? Ang hirap ng sitwasyon mo bes.."
"Iiwasan ko na lang siguro siya, ang buong FOREMEN. Hindi ko nga alam kung bakit ako nainvolve sa kanila. Pero yung nangyari kanina, sapat na yun para matakot ako, diba?"
"Tama ka.. Pero paano yung mga nambubully sayo? Sinentensyahan ka ng FOREMEN diba?"
"Yun ang hindi ko pa alam sa ngayon." May point si Minji. May sentensya pa pala ako, malamang may mga manghahabol pa rin sakin at bigla na lang akong sasaktan, sa ngayon ni anino ni Jacob ay ayokong makita. Natrauma ako sa ginawa niya, napatingin ako sa uniform ko na winasak niya. Hindi lang kasi basta uniform yun, parang pagkatao ko na rin yung winasak niya. Basta nakakatakot siya. Isa siyang H A L I M A W.
_____________________________________________________________________________
3pm na ako pumunta sa university ngayon dahil dalawa lang ang klase ko, isang 3pm to 5pm tapos 6pm to 7pm naman. Medyo kinakabahan ako dahil first time kong gagabihin ng ganito at isa pa nakatapak ako sa lupang teritoryo ng demonyo, isa pa ngayon ko rin lang nalaman na pareho kami ng department na ang ibig sabihin nasa iisang building rin lang kami kaya dapat doble iwas ako. Sa ngayon wala pa naman akong subject na nagiging blockmates kami, sana wala nga.
Nakakainis talaga, kasi hindi ko napansin na nalaglag pala yung cellphone ko kahapon, at isa pa si mommy, badtrip lang dahil pinabaunan ako pa kiya ako ng pagkain, masyado niya akong binebaby. Kung ako lang ayoko na sana dalhin dahil dagdag pa sa mga bitbitin ko na magpapabigat sa mga dala ko. Paano pa kapag biglang nagkarumble? Isa pa masyado akong makakalimutin, kanina ngang pagpunta ko rito sa school muntik ko ng maiwan dahil may nakita akong nag-aaway na mga bata sa labas ng village namin. May dalang pellet gun yung isang bata at delikado yun paglaruan dahil pwedeng makabulag yun, at makasakit pa. Ang masaklap tinutok niya pa sa kalaro niya at babarilin na talaga sana niya. Buti na lang maagap ako at naharangan ko yun, at kung minamalas ka nga naman tinamaan ako sa leeg. Muntik na nga akong umiyak eh, masakit pala yun. Inagaw ko sa bata yung pellet gun niya at pinauwi sila nilagay ko naman sa bulsa ko yung pellet gun na maliit lang naman atsaka pumunta na sa school.
BINABASA MO ANG
Dating the Delinquent: JACOB VILLAMONTE
General FictionThis is a General Fiction. And Series siya by the way.