Katatapos lamang i-lock ni Gianna ang kanyang pinto ng may isang sasakyan ang tumigil sa tapat ng kanyang tinutuluyang apartment.
Familiar sa kanya ang sasakyan na iyon. At nakumpirma nya nga kung kanino iyon ng bumaba ito mula sa sasakyan."Matt?"mahinang sambit nya sabay ngiti sa binata. Agad naman syang lumapit dito.
"Good morning"nakangiting bati rin nito sa kanya.
"Bakit ka nandito?"tanong nya.
"Ihahatid na kita sa trabaho mo"
"Ha? Nako nag abala ka pa. Alam kong busy ka tapos nakuha mo pang pumunta dito at ihatid ako"
"I will find time to be with you. Kahit ito man lang. Pupunta na din ako ng hospital pagkatapos kitang ihatid"
Ngumiti lamang ang dalaga sa kanya at saka sila pumasok sa loob ng sasakyan.
Maaga namang nakarating si Gianna sa trabaho nya dahil hindi naman gaanong traffic."Gianna,susunduin kita mamaya. We will having dinner together with my parents" sabi ni Matt.
"Ahh sige. Salamat sa paghatid"Nakangiting sabi ng dalaga.
"Thank you lang?"sarkastikong tanong ni Matt.
"Bakit? Ano ba dapat?"
Tinanggal ni Matt ang kanyang seat belt at saka unti unting inilapit ang kanyang mukha sa dalaga. Naglapat ang kanilang mga labi sa kaunting sandali.
"Your welcome" bulong ng binata na halos 1 inch lang ang pagitan sa mukha ng dalaga.
"Uhh,s-sige bababa nako marami pa akong gagawin e"halos pautal utal na sabi ng dalaga.
"Ahh I'm sorry if that makes you uncomfortable"
"Ahh hindi naman,hindi lang ako sanay"
"Sige see you later"
At tuluyan ng bumaba ang dalaga at umalis naman na ang binata. Napahawak na lamang sa kanyang labi ang dalaga na napapangiti ng bahagya sa kilig na nararamdaman.Sinimulan ni Gianna ang pagtatrabaho at sinimulang tapusin ang mga dapat tapusin sa araw na iyon. Pakiramdam nya'y nag vitamins sya sa araw na 'yun.
"Babae,what's with you today?"sita ng katrabahong si Bella na noo'y may hawak na kape.
"Huh? Wala naman"ngiting sagot ng dalaga.
"Sus! Wala daw. Para kang si Joker na naka fix ang mukha na nakangiti"
"Masama ba?"
"Hindi! Ayaw pa umamin. Iba talaga pag inspired no? Lubusin mo na yan dahil malapit ka na ma expired" sabay halakhak ng kaibigan.
"Alam mo panira ka talaga e no!"
"Joke lang ito naman. Coffee you want?"
"Mang-aalok ka eh isa lang yan. Ano share tayo?"
"Hindi,bumili ka dun!"
"Ewan ko sayo. Mag trabaho ka nalang"Maaga namang natapos si Gianna sa trabaho nya kaya naman tinext nya na si Matt para sunduin sya.
Halos mag-iisang oras din syang naghintay mula sa tapat ng company.
Hanggang sa may isang sasakyan ang huminto sa tapat nya at ibinaba nito ang car window."Bakit naman sa lahat ng tao ikaw pa"
bulong ng dalaga sa sarili.
"Did you say something?"tanong ng binata na noo'y pababa na ng kanyang kotse.
"Sabi ko bakit ikaw ang nagsundo sakin?"nakakunot na sabi ng dalaga sa binatang nasa harapan na nya.
"Tinawagan ako ni kuya na daanan daw kita dito. May ginagawa pa ata sa hospital"
Ngiti lamang ang tinugon nya sa binata.
"Sakay na" sabi ni Philip sabay bukas ng pinto ng kotse.
Tahimik na sumakay ang dalaga.
Ni hindi man lang nagkibuan ang dalawa sa loob ng kotse hanggang sa makarating sila sa bahay ng magulang nila Philip.
Pagkahinto at pagbaba nila sa kotse ay nakaabang na mula sa pinto si Matt at nakangiting sinalubong sila Philip at Gianna. Ginantihan naman ito ng matamis na ngiti ng dalaga."I'm sorry,I'm not able to pick you up"
"Okay lang yun. Alam kong busy ka"
"Tara na sa loob naghihintay na sila mama"Nagsimulang maglakad ang dalawa habang si Philip naman ay nauuna.
"Philip!"tawag ng kuya Matt sa kanya.
"Oh?" Lumingon naman ang binata.
"Thank you"
"No problem"Atsaka tuluyan itong pumasok sa loob at dumiretso sa hapag kainan. Naroon ang mag-asawa na sina Mrs.Paula at Mr.Mariano Alonte ang magulang ng dalawa.
"Good evening po"bati ng dalaga.
Ngumiti at tumango naman ang mga ito sa kanya.
Pumwesto na sila sa hapag.
Magkatabi ang mag-asawa. At sa tapat naman ng mga ito sina Matt,Gianna at Philip na syang magkakatabi.
Napalingon ang lahat sa dumating.
BINABASA MO ANG
Does Age Matter?
AcakKaming mga nasa tamang edad na ngunit hindi parin makahanap ng taong para sa amin. 'Wag nyo isiping gusto naming tumandang dalaga. May mga dahilan naman kami. Katulad na lamang ng pagiging workaholic,bread winner,o di kaya'y hindi pa nadating ang "T...