♔ Chapter 10 ♔

429 63 46
                                    

♡ This Chapter is dedicated to @TopSiderMe♡

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Writer's Point of View

Simula ng makilala ni Sam si Alexander ay nag iba na ang tingin niya sa lahat ng bagay, lalong lalo na sa kanyang boyfriend na si Jeremy Rodriguez.

Sam's Point of View

Ito, kagigising pa lang ng pinaka magandang Dyosa sa balat ng lupa, choss! Nag timpla na ako ng gatas at kumuha ng cookies sa ref para kainin.

Kailangan ko pang pumasok.

Kailangan mga 11:00am ay nasa school na ako.

9:00am

Lalalalalala! Ang lamig lamig ng tubig ngayon, enjoy na enjoykong maligo.

9:30am

Katatapos ko pa lang magbihis at papunta na rin ako sa sakayan papuntang West University

10:00am

Nakasakay na ako sa bus at nakikinig na lang ako sa mga kanta ng cellphone ko. Nakatabi ko pa si Vern.

"Hi Sam!~ Miss na miss na kita" sabi ni Vern

"Sus! Ikaw talaga. Ang sabihin mo na miss mo yung baon ko! Hahahaha!" sabi ko.

"Nako, until now may pagka loka loka ka pa din." sabi ni Vern

"Naman, Ako pa!" pabirong sabi ko.

11:00am

Yahoooo! Nakarating na rin kami sa school sa tamang oras. Hindi na ulit ako malalate.

Nakasalubong ko si Jeremy malapit sa canteen. Hindi ko dapat siya papansinin ng bigla siyang humarang sa dadaanan ko. May dala siyang flowers na mukhang mamahalin pero hindi ako magpapauto sa ganun lang. Inabot niya sa akin ang mga ito, syempre may good sides naman ako kaya tinanggap ko. Pero it doesn't mean na okey na kami.

Pagkakuha ko ng flowers ay iniwan ko na siyang kasama si James at Khei.

Jeremy's Point of View

Bakit ganun yung mga babae? Gustong gusto nilang pinagtriptripan ang mga babae. Kung hindi ko lang naman kasi siya mahal edi sana hindi ako nahihirapan ng ganito.

"Pare, okey na ba kayo ni Sammy?" tanong ni James

"Sa tingin mo okey na ba kami? Ang hirap kaya makipagbati dyan sa babaeng yan. Since High School kami ganyan siya. Hindi ka niya papansinin or paaasahin ka lang niya" sabi ko.

"Tama ka dyan Pare! Nagaway na rin kami niya dati. Nako mga 2 weeks ko pang hindi tinigilan iyang loka lokang yan. Hard to get din kasi kaya ganun." sabi niya.

Hindi na lang ako nagsalita kasi ang alam ko hindi niya rin ako matitiis kaya hahayaan ko na lang,

Ang sabi ko pa naman hahayaan ko na lang siya eh bakit parang hindi ko siya matiis.

Nakikita ko siya dun sa kabilang bench, mukhang may kausap sa phone, sino kaya iyong lokong iyun? Siguro iyun na naman si Alexander Barcelona? Actually para sa akin hindi naman siya kagwapuhan, sadyang mas matangkad lang siya sa akin.

Hindi ko na talaga matiis si Sam, gusto ko ng makipag ayos sa kanya pero ano naman ang dapat kong gawin para pansinin niya ako.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinawagan si James.

True Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon