Prologue

51 2 0
                                    

amvi tiosa

Each one of us dreamt of becoming a somebody someday. But that dream will only be just a dream if we don't start making things happen. One way to do it is to stop dreaming that dreams can only happen when we're asleep. It's time to wake up to reality and relive our dreams.

Ako nga pala si Amanda Victoria. AmVi for short. Hobby ko ang mag-daydream. Minsan nga nababatukan ako ng Nanay ko lalo na kapag nakikita nya akong nakatunganga sa may bintana at nakatingin sa kawalan. Daydreaming ang favorite pasttime ko. Ang sarap kasi mangarap nang gising. At least sa mga pangarap ko, ang dami kong napupuntahang iba't-ibang lugar at nagiging iba't-ibang klaseng tao din ako. Minsan isa akong prinsesa o kaya naman parang si Cinderella lang na naghihintay ng kanyang prince charming. Haay! Kung magkakatotoo lang sana lahat ng mga pangarap ko.

"Amvi! Halika nga dito at ibaba mo yung isang balde!" nagsusumigaw na sabi ni Nanay habang nakapamewang sa tapat ng bahay.

"Hay naku si Nanay nakasigaw na naman. Kakainis! Pampasira ng trip. Andun na e. Konti na lang at iki-kiss na ko e. Hmmmp!" Wala na akong nagawa kundi mapakamot na lang ng ulo.

"Amvi! Asan ka na ba?"

"Opo andyan na", mabilis kong sagot. Dahit kapag pumangatlong tawag na ay tiyak na aakyat na yun at makakatikim na naman ako ng umaatikabong batok sa ulo.

Nagsimula ang pagiging daydreamer ko nang iniwanan kami ni Tatay. Umasa at nangangarap pa rin ako na isang araw ay babalik sya. Dahil sa pagnanasang bumalik pa si Tatay ay kung anu-anong bagay na ang mga naiisip ko hanggang sa naramdaman kong masaya pala sa mundo ng pangarap. Magagawa mo lahat ng gusto mo at nagiging perpekto lahat ng bagay sa mundo.

Kahit madalas akong mag-daydream ay hindi ko naman nakakalimutan ang pag-aaral ko. Actually lagi akong nasa top 1 kaya naman natutuwa sa akin ang mga teachers ko. Alam kong proud din sa akin si Nanay kahit lagi syang aburido sa buhay. Ewan ko ba, ang laki ng pinagbago nya simula nung iniwanan kami ni Tatay.

Kunsabagay, ikaw ba naman ang magpalaki sa tatlong anak mo nang mag-isa lang. Kaya nga pinag-iigihan ko sa pag-aaral para makaahon kami sa kahirapan. Pangarap ko rin kasi na pahintuin na si Nanay sa pagtitinda ng gulay sa palengke balang araw at mapagtapos ko ang dalawa kong kapatid sa pag-aaral.

Isang linggo na lang at magpapasukan na naman. Isang taon na lang at magga-graduate na ako sa high school. Sana ay makuha ko ang pinakamataas na pwesto ng karangalan para madali akong matanggap na scholar sa U.P. Alam ko kasing hindi na ako kayang pag-aralin pa ni Nanay kaya pursigido talaga ako na matanggap bilang scholar. Lahat ay gagawin ko para makapasok sa U.P. Isa rin kasi ito sa mga pangarap ko.

Amvi TiosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon