Chapter 5
Rence's Pov
Kinabukasan around 2 ng hapon pumunta na ako sa school kahit 3 pa pasok ko. Baka malate kasi ako dahil sa babaeng un. Bago ko pa istart ung engine ng sasakyan ko tnext ko na siya.
Me: Papasok na ako. After 20-30 mins nandyan na ako. Sa parking nalang tayo magkita.
Bago pa ako tuluyang makalabas ng building nagreply agad siya.
Aileen: I can't. My quiz ako sa oras na yan. Anong oras tapos ng class mo or vacant?
Naku sayang pag pasok ng maaga 30 mins akong tutunganga lang. Nireplyan ko siya na mga 4:30-6 vacant ko. sakto din naman na 4:30 tapos na daw class niya.
Dahil papasok na din ako. Hindi na ako bumalik, tatambay nalang ako sa caffeteria.
Buti at nakita ko dun si Sean na nakatambay din. Agad akong pumunta sa table niya.
"Oh bakit ang aga mo ata?" Bati ko sakanya sabay upo sa tapat niya.
"My gagawin ako eh. Wish me luck ha?" Parang medyo kabado siya. Baka my presentation ito mamaya, medyo nakaporma eh.
"Bakit? My Presentation ka mamaya? Sus kaya mo na un?" Magaling kasi siya magsalita, hindi mahiyain at kayang magpresent sa madaming tao.
"Hindi.. Basta dude.." Sabay ngiti pa nito, pero halata sa mukha niya ang kaba. Hindi ko na un pinansin. Bumaling nalang ako sa ipad ko at kumunekta sa wifi ng school.
Bumungad sa akin ang pm ni Gwen. "Kumusta na progress ng pustahan natin?" at madaming emoticons na nakakaloko pang kasama ung message niya. Napailing nalang ako sa nabasa ko.
Hindi ko napansin ang oras, halos malapit na din pala mag simula klase ko at hindi ko din naman kaklase si Sean.
"Paano dude? Una na ako, mag t-three na din pala. Sige good luck kung ano man gagawin mo." Tumango lang siya at pumunta na din ako sa room ko.
The class when as usual, boring class by my boring professor in management. Minsan talaga boring pag matanda ang prof, ang hina ng boses na nakakaantok parang hinehele ka ng boses eh.
Nung palabas na ako ng room, ittext ko sana si Aileen pero nakita kong my text na siya.
Aileen: Kita nalang tayo sa my parking dun sa my quadrangle. Pupunta din ako dun eh.
Hindi na ako nareply at pumunta nalang dun sa sinabi niya. Nakita ko dun ang kumusyon ng tao sa quadrangle at nagtitilian pa ang iba. Ano naman kayang meron dito sa kaguluhang ito? Sinubukan kong sulyapan kung anong nangyayari. Ito ang perks na pagiging matangkad, hindi mo na kelangan makipagsisikan pag my gusto kang tingnan.
Napatigil ako nung nakita ko si Sean at Aileen sa gitna. Kumakanta pa si Sean habang nagpplay ng guitara sa harap ni Aileen. My hawak itong bouquet ng flowers at mukha balisa habang pinapanuod si Sean. Saka ko na realize na ito pala ang gagawin ng mokong na ito. Magtatapat na pala sa bestfriend niya.
Nabigla ako nung bigla ako tiningnan ni Aileen at medyo umaliwalas ung mukha. Sa tangkad kong ito kahit malayo ako mapapansin niya pa rin ako. Focus pa din si Sean sa pag guguitara. Nakita kong bahagya itong tumanggo habang nakatingin sa akin para bang pinapalapit ako sa kanya. Napalinggon din si Sean sa akin nung napansin niya nakatingin si Aileen kung nasaan ko. Ngumiti ito at parang pinapalapit din ako.
Ngumiti na lang din ako kay Sean at sinubukang lumapit sa my gitna. Hindi nagtagal eh natapos din ang kanta ni Sean. Binaba niya ang guitara niya at lumapit kay Aileen. Nagtilian ang mga tao sa paligid halos mapatakip ako ng tenga sa ingay nila.