×××Chapter 1

305 6 1
                                    

||| Fashion ||||

"FASH! ANO BA!?"

"Get off me Keilla, I'm g oing to teach this bitch a fucking lesson"

Nakakainis si Keilla, inaawat ako. Hindi ko tuloy mabugbog ng maayos itong kaaway ko.

Nagpumiglas pa ako at nakawala kay Keilla agad akong lumapit sa kaaway ko at pinaulanan siya ng sampal, wala siyang nagawa kundi ang ngumawa

"Fash! Please, stop na" halos magmakaawa na yung kaibigan ko pero wala akong pake!

"No Keilla, NO! I have to break her ugly face" gigil na sabi ko sa bestfriend ko.

"Fashion naman eh!" talagang push lang siya sa pang-aawat pero hindi ko siya pinakinggan, kailangan kong madurog ang mukha ng insecure na bitch na Annette na ito, tatanggalin ko din ang anit niya punyeta siya

"Keillame wag kang magulo!"

"What is the commotion all about!?" our Dean barked. Tumingin siya sa paligid at nag-usugan ang mga students na nanunuod sa amin. So obvious na na kami ni Annette ang magkaaway.

"Miss Fernarior, Miss Guennamoz and Miss Wernia to my office, now!" our Dean said with authority.

I rolled my eyes and walked with Keilla. Padabog namang sumunod si Annette sa amin.

Sanay na akong sermonan ng Butiki naming Dean, damay pa tuloy pati si Keilla, pero I'll defend her naman, sasabihin kong kami lang ni Annette ang magkaaway. Pangalawang taon ko pa lang sa kolehiyo at ang dami ko nang nakaaway, masyado kasing madami ang insecure sa akin. Kaya ang hirap maging maganda, at hindi nila nararanasang mahirapan ng ganito.

Nang matapos ang sermonan at makalabas kami sa Dean's Office, nakita namin si Raze, ang dakilang boyfriend ni Keilla na naka-upo sa may bench, agad niyang nilingon ang bestfriend ko.

"Hon, what happened?" he cupped Keilla's face.

I rolled my eyes and made faces. Naiinis talaga ako everytime na maiisip ko na this jerk is my bestfriend's boyfriend!

"Nadamay ka nanaman dahil diyan sa bestfriend mo, I told you, layuan mo na yan" rinig kong sabi ni Raze. Hayop talaga.

"Excuse me?" mataray kong pagkakasabi.

"Daan na" sagot niya. At talagang namilosopo pa.

"Hon!" suway ni Keilla sa asungot niyang shota

"Let's go Hon" Raze pulled Keilla away

"Isabay na natin si Fash" Keilla suggested

Ako? Sasabay sa kanila? "Hindi na Keilla" sabi ko. Baka sampalin ko sa harap niya ang boyfriend niya dahil kumukulo talaga ng mainam ang dugo ko diyan.

"Buti naman, tara na Hon"

Keilla sighed "Ingat ka pauwi" she said and I answered her with a nod.

Madalas ganto ang eksena naming tatlo, mahigit isang taon na din ang relation nina Keilla at ni Raze kaya medyo sanay na ako.

Si Keilla, bestfriend ko na yan since kinder pa lang, para na kaming kambal, 2 months nga lang ang tanda ko sa kanya. Kilala namin masyado ang isa't-isa. Nang mapasok kami dito sa Evennancee University ang dami agad gulo ang napasok namin, well ako lang talaga at nadadamay lang si Keilla at iyon nga, ang isa sa pinakamatinding gulo ang napasok ko ay nung makaaway ko si Raze Monteubella.

[[[Flashback]]]

"Fash, ang daming pogi dito noh?" sabi ni Keilla at talagang kinikilig pa ang loka

Is That A Mistake?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon