KABANATA 27

920 19 1
                                    

AILA'S POV

Gusto ko siyang tanungin kung bakit magkasama sila ni Krisia. Pero parang nawalan ako ng lakas para gawin yun. I thought lalapitan niya ako. Pero hindi, tinitigan niya lang ako.

Titig na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Kaya hindi na ko umalma pa nang hilahin ako ni kuya Jacob paalis doon.

Habang naglalakad kami palabas ng mall ay napaiyak na lang ako nang maisip ko na baka wala ng balak pa si Clarence na balikan ako, kami ng baby ko. Baka naisip niya na... na sundin na lang ang gusto ng parents niya na pakasalan si Krisia. What if ganun nga?

Pagkapasok ko sa kotse ay tuloy-tuloy parin ang pagtulo ng luha ko.

"Huwag ka nang umiyak,"

May inabot na panyo sa akin si kuya Jacob na agad ko namang kinuha. Pinunasan ko ang luha ko, pero walang saysay, kasi tuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko.

Ttsk! Kaya ayokong magkaroon ng kapatid na babae eh"- mahina niyang sabi pero dinig ko parin naman.

"G-Galit ka ba sa akin? " tanong ko. Tumingin siya sa akin at umiling.

"Hindi, bakit naman ako magagalit? Wala ka namang kasalanan"

"K-Kasi parang a-ayaw mo sa 'kin" sa wakas ay naitanong ko rin sa kanya.

"Hindi naman sa ayaw ko sa'yo. Hindi lang ako sanay na may kapatid ako. Lumaki ako na akala ko ako lang ang anak ni Papa, tapos bigla kang dumating. Alam mo ba kung gaano kahirap mag adjust? All my life nasa akin lang ang attention nina mama at papa, pero nahati yun dahil sayo." Hindi siya nakatingin sa akin habang sinasabi iyon.

"Edi galit ka nga sa 'kin"

"Hindi nga ako galit. Alam mo ba na pinangarap ko rin dati na magkaroon ng kapatid? Pero gusto ko lalaki. Ayoko ng babaeng kapatid dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka matulad lang siya sa mga babaeng nasaktan ko, sa mga babaeng pinaglaruan ko lang. Sa mga babaeng umiyak nang dahil sa akin." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakukuha ko ang punto niya.

"Tapos noong una kitang makita sa bahay, umiiyak ka. Ipinakilala ka sakin ni papa, tapos ay kay mama ko nalaman kung bakit ka umiiyak noon, dahil yun sa lalaki na yun. At alam mo ba yung feeling na parang, parang nangyari lahat ng kinatatakutan ko? Galit ako, pero hindi sayo. Kung hindi sa sarili ko. Kasi parang sayo na kapatid ko napunta yung karma na dapat sa akin eh"

Hindi ko inasahan na ganito pala ang dahilan niya. Kaya pala. Lalo akong naiyak sa sinabi niya, lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

"Kuya Jacob, hindi mo naman kasalanan yun eh"

"Sorry, pero hindi ko lang kasi matanggap na nangyayari sayo 'to. Kahit naman na halos ngayon lang tayo nagkakilala, kapatid parin kita. Ayokong nasasaktan ka. Ayokong umiiyak ka lalo na dahil sa lalaki"

Lalong humigpit ang yakap ko sa kanya, akala ko ayaw niya sa akin. Pero akala ko lang pala yun. Niyakap niya rin ako at hinalikan ako sa noo.

"Kaya wag ka nang umiyak, hindi ko man pinapahalata... Pero nahihirapan din itong kuya mo pag umiiyak ka, tsaka makakasama yan sa pamangkin ko" - nakangiti niyang sabi.

Hindi ko rin mapigilan ang mapangiti. Tama nga sina Papa at Tita Jane, mabait nga siya.

After ng pag-uusap naming yun ay biglang close na kami agad. Ganito lang siguro kapag magkapatid, Nagtataka nga sina Tita at Papa eh pero hindi na lang naming sinabi ang nangyari sa mall.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at inaayos ang gamit para sa baby ko nang biglang nag ring ang cellphone ko.

"Hello?"

Mahal Akin Kalang (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon