One Ok Rock - Chapter 48

128 8 19
                                    





Rock 48



"No!"

Agad akong nagmulat ng mata at nagpalinga-linga sa paligid. Basang-basa ako ng pawis mula sa'king noo.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinabahan ako sa napanaginipan kong yun.

Dinampot ko kaagad yung phone sa
ibabaw ng mesa. Nakahain pa rin yung pagkain na niluto ko kagabi. Nakatulog na pala ako sa mesa kakaisip. Chineck ko agad kung may mensahe na ba siya pero mga work related messages lang ang meron ako.

"Haaay!" kusang kumawala ang buntong hininga sa'kin. Nanlulumo akong tumayo at naglakad papunta sa room ko. Alas sais na ng umaga pero wala pa si Jacob. Tinatawagan ko siya pero cannot be reach. Humiga ako sa kama at doon nagpatuloy ng pag tulog.

After an hour nagising ako na may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Nagmamadali ako para mabuksan ito. I saw Jacob standing outside the front door.

Parang nananadya namang nag playback sa isip ko yung confession niya kagabi.

We just stand staring at each other. No one seems to talk. I stare at him. I can see his handsome chinito face clearly. Jacob is indeed one of those handsome guys I've known. He is tall and because of being an heir to a security agency I guess, he has great body. His hair is straight and black. His eyes are almost the same as mine kasi pareho kaming singkit. Matangos ang ilong niya at makapal ang itim niyang kilay.

Bakit nga ba hindi ko siya minahal? Hindi ko rin alam.

"I'm back," he said. "Hindi ka pa ba mag re-ready para sa Bohol trip natin?"

"Syet! Oo nga pala nawala sa isip ko," nagmamadali ko siyang tinalikuran. It was so awkward. This is also the same reason why I never confronted him about it. I accidentally heard him before when he said he loves me more than just a friend. Ang totoo hindi naman ako tanga para hindi ko mahalata na may gusto siya sa'kin. Noong high school kami nag start na siyang maging personal buds ko. Syempre naisip ko na dahil nasa iisang school lang kami kaya siguro pinakiusapan siya ni mommy. Then, we graduated and luckily pareho kami ng naging school nung college so same routine lang as high school. We're really close and never ko namang naisip that time na magkakagusto siya sa'kin mainly because he's famous at our campus so a lot of girls are courting him. He got that handsome face with matching brains. Yeah, matalino talaga siya. Well, ako sikat lang din ako sa campus and hindi naman ako bobo at all pero hindi rin ako masipag mag-aral kasi busy ako mag fan girling that time.

Pagkatapos, nag graduate kami ng college and dun na ako nag start mag doubt sa relasyon namin. Wala kasi akong maisip na malalim na reason kung bakit ang matalino at may magandang future na gaya niya ay mananatili sa tabi ko bilang officially eh maging personal buds ko. Why? When I know that he can handle their other businesses. Doon nag start magkaroon ng gap between us. Yung dati naming closeness nawala at nabawasan. Hanggang sa nagbago na lang talaga lahat. Hindi ko kasi ma-imagine na siya at ako ay magiging mas malalim pa sa magkaibigan. I felt so betrayed that time ng aksidente kong malaman na mahal niya pala ako ng higit pa sa kaibigan.

He never make an attempt to talk about us. I mean hindi siya nagtanong or nag effort about that gap and wall I made between us. Naging okay na lang kami nung natagpuan ko na yung lalaking mamahalin ko. Ngayon ko na-realize na kaya pala ako naging aloof sa kanya dati after kong malaman na mahal niya ako eh dahil natakot ako.. takot na baka mahalin ko rin siya. Who wouldn't love someone like him? Natakot akong mahalin ko rin siya kasi napatunayan kong siya yung lalaki na ayokong mawala sa buhay ko. He is my strength and all. Ever since childhood siya na yung kakampi ko sa lahat ng bagay at siya na yung kuhanan ko ng lakas. He is that shoulder I can always lean on. And I don't want to lose him kung magiging malalim pa yung relasyon namin. Masaya ako at mahal na mahal ko siya bilang isang best friend and I treat him as my real brother. I never open up about him loving me at akala ko hindi na niya gagawin until last night.. he did.

ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon