Ang mahiwagang patola: Kahinaan ng mga Taong-Lamok

50 1 0
                                    

Sa kalaliman ng gabi at katahimikan ng kalsada, lahat ng mga tao ay nahihimbing na sa ilalim ng kanilang bubungan..

Hindi maipaliwanag na sakit ang nananahan ngayon sa kaliwang binti ko. ..

..

Nanginginig ang mga kamay ko na para bang sinasadya ko itong yugyugin....

..

..

Ang kanina'y puting damit ko, ngayon ay kulay rosas na dahil sa nasipsip nitong dugo mula sa malaking sugat sa bandang kaliwa ng likod ko. ..

..

At dahil din siguro sa pagkawala ng dugong 'to sa katawan ko kaya tila umiikot-ikot ang mga bagay na nadadaanan ng paningin ko. Tiningnan ko ang kamay ko at isa lang ang nasabi ko... "Masama 'to" Pitong daliri sa aking kaliwang kamay ang hatid sa aking paningin ng pagkahilong 'to...

..

..

Tinuloy ko lang ang paglalakad sa kalsadang parang walang finish line. 

Matatakot siguro ang kahit sino na makakakita sa akin dahil sa sugatan na nga ako, para pa akong nananakot dahil sa iika-ikang paglakad ko. Pero wala na akong pakialam. Wala na rin namang makakakita sa akin sa gantong oras at higit sa lahat ay wala na akong oras na pwedeng sayangin para isipin ang bagay na yun..

...

...

...

..

Hindi ko na kinaya ang nagpatong-patong na pagod. . . .

"Hindi pwedeng magpatuloy 'to. Malayo pa ako sa bahay sa'min."

--yan ang huling mga salitang kumawala sa bibig ko bago ako tuluyang bumigay at humalik ang lupasay kong katawan sa malamig na aspaltong binasa ng malakas na ulan. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang mahiwagang patola: Kahinaan ng mga Taong-LamokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon