Chapter 1

9 0 1
                                    

Cheska's Pov

"Hintayin mo nalang ang tawag namin." Ngiti sakin ng babaeng pinasahan ko ng pang apat kong resume ngayon araw.

"Thankyou po mam." Balik ngiti ko dun sa babae sabay tayo sa kinauupuan ko at kasabay ng paglabas ko sa opisina niya e ang paglaho ng ngiti ko. Alam kong di nanaman ako matatanggap sa inaplayan ko pang ilang beses na merong nagsabi sakin na tatawagan nila ko pero nung una atang nagsabi nun e taon na pero wala parin akong natatangap na tawag mula sakanila di naman ako nagpalit ng number. Diko sila masisisi kung di nila tanggapin ang tulad ko na e ang natapos e fine arts, ano nga bang gagawin ko sa kumpanya nila? Magpipinta kahit sabihin na magaganda ang grades ko e wala parin konek ang inaaplay ko sa natapos ko.

"Oh ano nangyari sa lakad mo?" Tanong agad ni marie, bestfriend ko si marie since highschool. Iisang university lang din ang pinasukan namin nung college kaya hanggang ngayon e mag bestfriend parin kami.

"Ayun ganun padin tatawagan parin daw nila ko." walang ganang sagot ko.

"Ay naku ches palitan mo na kaya yang sim mo! Baka kaya wala kang natatanggap na tawag sa mga inaaplayan mo e sira na yang sim mo." Sabi nya

"Naiintindihan ko naman sila kung bakit di nila ko tinatanggap eh. Ano nga naman ba gagawin ng isang graduate ng art sa kumpanya nila! Bukod sa di nako graduate sa kilalang university e wala pang konek sa kumpanya nila ang natapos ko!" Mahabang sabi ko.

"Grabe ka ches! Graduate din ako sa university na nilalait mo ah." Sabay hampas nya sakin pero mahina lang naman

"Buti nga ikaw graduate ka ng bussiness kaya mabilis ka agad nakakuha ng trabaho! Naiinggit tuloy ako sayo." Kung alam ko lang na ganto mangyayari sana diko sinunod ang hilig ko, gusto ko kasi talaga ang mag pinta. Minsan pala dapat di lang puro gusto mo ang sinusunod mo minsan dapat tinitignan mo din kung makakabuti to sayo "Aakyat nako, maliligo lang ako"

"Sige. Bumaba kadin maya-maya para kumaen magluluto ako"

Tinatamad na tumungo ako sa kwarto ko at pasalampak na nahiga ako sa kama. Matagal-tagal din ako nakatingin sa kisame ng biglang mag vibrate ang phone ko kinuha ko agad ito sa bulsa ko na sa pag aakala na sila mama lang ang nagtext.

From: 09*********

Hello! This is athena dejesus from henjil company congratulation sir/mam dahil natanggap kayo para magtrabaho sa aming kumpanya. Bumalik po kayo dito bukas at hanapin po si mam jean para sa training thankyou and congrats po.

Hindi pa agad pumasok sa utak ko ang text na nabasa ko. Totoo ba to? Natanggap ba tlga ko? Binasa ko ulit yung message sakin.

"WAAAAAAAAAAAAH! Yes yes! Thankyou! Thankyou!" Nagmamadali akong bumaba para ibalita kay marie na may trabaho nako naabutan ko pa sya na naghihiwa ng mga gagamitin nya para sa pagluto

"Marie! May trabaho nako! Tinext ako ng inaplayan ko kahapon! Im so happy yay!" At niyakap yakap ko pa sya habang tumatalon.

"Really? Masaya ko para sayo ches sabi ko sayo e tiwala lang!"

"Excited nako marie! Ano kayang mangyayari bukas? Ano kaya gagawin ko? Ano dapat kong suotin. Kinakabahan ako mars!" Nagtataka siguro kayo bat ako ganito? First job ko kasi to sa isang kumpanya simula kasi ng grumaduate ako di pako nag apply ng trabaho dahil dati masaya at sapat nako sa kinikita ko sa pagtitinda ng mga painting ko pero nung tumagal saka ko narealize na di pala sapat kailangan ko parin ng stable na trabaho

"Easy lang ches! Wag ka kabahan, ganyan lang sa una ganyan din ako nung una pero pagtapos nyan okay na." Sabay tayo nya para icheck yung niluluto nya

"Ambango nyan mars ah? Anong ulam?" Tanong ko ng maamoy ko ang luto ni marie. Magaling talaga magluto tong bestfriend ko, swerte ko nga dito eh. College palang magkasama na kami ni marie sa bahay naghati kami dahil di naman namin kaya ang magsarili ng upa. Parehas kaming malayo sa magulang namin ni marie bale lumayo kami sakanila dahil parehas kami nakakuha ng scholarship para makapag aral at makahanap ng mas magandang trabaho. Parehas lang kasi kaming mahirap ang buhay namin ni marie at di kayang pag aralin ng college kaya nung nakakuha kami parehas ng scholar dito sa manila nakakalungkot man na malayo kami sa aming pamilya tinanggap padin namin.

"Nilaga! Bagay na bagay sayo dahil sabi nga nila pag may tyaga may nilaga." At sabay kaming natawa sa ka-cornyhan ni marie, kahit malayo ako sa pamilya ko di ako ganung nalulungkot dahil kasama ko si marie. Sana lang maging maganda ang kalalabasan ng training bukas!

Right Man In A Wrong BodyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora