"Why don't you take your master's here, hija?" tanong sa kanya nang kanyang tiyahin habang kausap niya ito sa cellphone. Ang tiyahin niyang ito na sa Paris, France na naninirahan simula nang makapag-asawa ito nang Pranses noong kadalagahan nito.
Kahit citizen na ito doon ay umuuwi naman kapag may occasion ang tiyahin niya sa bansa. Wala itong anak kaya naman, siya na kaisa-isa nitong pamangkin ay iniispoil nito. Matagal na siyang kinakantahan nito na bisitahin niya sa Paris ngunit dahil busy ay hindi pa niya nagagawa.
"Uhm, I'll think about it, tita."
"Kuhh, baka pinipigilan ka na naman ng daddy mo ano? Kuya really needs to loosen up. Dalaga ka na. You should be travelling and you know, be in a relationship with a hot boy. You should be enjoying your life. Tell me, have you ever had a boyfriend?"
Almost, sabi ng isip niya pero hindi niya isinatunog.
***
Naging successful ang thesis presentation ng grupo nila Pauline. Ang grupo nila ang nakakuha nang pinakamataas na marka at nominated na pumunta sa London para magpresent ng thesis at kumatawan sa university nila.
At dahil din doon, kinausap sila ng kanilang professor na sila ang mag-oorganize ng recognition day ng CES o College of Engineering Science. A no-no for Pauline since there will be a big chance na magkikita sila ni Julian. Gayunman, tinanggap nila ang request ng professor nila.
Dumating ang aral ng recognition at kasalukuyang nagbibigay ng opening remarks ang assistant dean ng CES nang makita niya ang pagdating ni Julian. Tumabi ito sa mga kabarkada nito. Nakita niyang binulungan ito ni Bilog. Tumingin ito sa gawi niya kaya bago pa man magtama ang kanilang mga paningin ay tinuon na lang niya ang atensyon sa nagsasalita sa harap ng podium.
Nagpalakpakan ang mga audience nang matapos ang speaker. Umakyat uli siya papuntanang podium at magsalita para sa recognition proper ng programa.
Patuloy niyang iniwasan ang banda kung saan nakauo ang grupo nila Julian. Sa totoo lang ay miss na miss na niya ito. Kung pwede lang ay gusto niya sana itong makausap. Tanungin kung masaya ba ito... Kung namimiss din ba siya nito. Pinigilan niya ang panginginig at nagpasalamat na hindi siya nag-stammer.
Isa si Julian sa mga dean's lister kaya naman ay umakyat ito sa stage nang banggitin niya ang pangalan nito. Simpleng ngiti lang ang ginanti nito sa mga nag-congratulate dito at tinanggap ang certificate. Best thesis din ang grupo na kinabibilangan ni Julian kaya naman anong galak niya para sa lalaki.
Hindi niya namalayan na nagtama na pala ang mga mata nila ng lalaking mahal na mahal niya. Saglit lang iyon dahil niyakap ito ni Kyle. Siya naman ay bumalik na sa pagsasalita para sa mga susunod na awards.
***
Naging successful ang program. May after party sanang gaganapin sa function room pero hindi na siya umattend. Siya ang huling lumabas nang auditorium dahil kinausap pa niya at pinasalamatan si Mang Ernest, ang siyang nagme-maintain nang lugar na iyon. Ang mga kasamahan niya ay nauna nang umalis dahil sumama ang mga iyon sa after party and Frankie was so excited.
Nasa hallway na siya nang makita niya si Julian na nakasandal sa pader na tila may hinihintay. Nakatingin ito sa kanya. She can see the longing in his eyes pero malay ba niya kung guni-guni niya lang iyon? Pero atas nang kagandahang-asal ay tumigil siya sa paglalakad.
"Congratulations..." sabi niya rito pero hindi tinitingnan.
Hindi ito sumagot kaya nagpatuloy na lang siya sa paglalakad at nang malagpasan na niya ito ay saka siya nito tinawag. "Pau, kailangan nating mag-usap."
BINABASA MO ANG
Until You're Mine [Filipino]
Ficção AdolescenteMinahal ni Pauline si Julian kahit na ba hindi maganda ang reputasyon nito sa loob ng campus. A badboy and a certified playboy. Ngunit kahit ganoon ay minahal pa rin niya ito at isang araw ay naisipang magtapat dito. Ngunit pinahiya lang siya nito...