-Asha-
"It's cool right? Nakakatuwa." sabi ko tsaka mahinang tumawa. Tumingin ako sa isang babaeng naglalakad habang nakayuko.
Hinimas ko yung ulo ni Sushi tsaka siya hinayaang lumipad papunta dun sa babae. Siya na muna ang magbabantay sa kanya, kailangan ko na kasing pumasok sa klase. Tumayo naman na ako tsaka pinagpag yung may pwetan ng palda ko bago bumaba sa may railings ng rooftop.
"Makabalik na nga sa klase." sabi ko sa sarili ko tsaka nag-unat. Ugali ko na talagang kausapin ang sarili ko total wala namang kumakausap sa akin dito sa school.
"Saan ka na naman nangaling, Asha?" tanong ni Mrs. Right na ni minsan hindi naging wrong. Hahaha... Mais.
"Sorry po nakatulog ako." dahilan ko tsaka nagkamot ng ulo. Napabuntong hininga naman siya tsaka tinuro yung upuan ko kaya mabilis na tumatanda tong si Mrs. Right, madalas siyang seryoso kaya iniilagan siyang bangain ng mga esrudyante. Umupo naman na ako tsaka tumulala na lang habang nakikinig kunwari sa kanya. Hindi ko naman masisisi si Mrs. Right kung bakit ang bitter nito sa buhay, iniwan siya ni Mr. Right nung nalaman niyang hindi na siya ulit magkakaanak. Ulit kasi unang una sa lahat, may anak naman na siya dati bago pa sila magkatuluyan ni Mr. Right na wrong pala. Hindi ko din maintindihan kung bakit hinahayaan tayo ng tadhana na makakilala ng taong hindi naman pala para sa atin.
Hayyy... hindi bale, malapit naman na sila magkita nung anak niya. Napangiti ako tsaka tumingin sa labas ng bintana. Yung babae kanina na pinapanood kong maglakad, siya yung anak ni Mrs. Right doon sa dati niyang boyfriend. Transferee yun at magiging estudyante niya mamaya sa last subject niya. Napatawa naman ako ng mahina. Interesante ang mangyayare mamaya.
"Anong tinatawatawa mo, Asha?" tanong ni Mrs. Right kaya umiling na lang ako. Ok lang mapagkamalang baliw, eh masaya ako sa nakikita ko eh. Eto na nga lang ang nagpapasaya sa akin, pipigilan ko pa.
"Baka hindi naturukan yan Ma'am." sabi ni Sica. Hindi ko na lang siya pinansin at nagfocus nalang sa pakikinig kay Mrs. Right. Hindi ako baliw. I can see the future.
Grade 1 pa lang ako nung nalaman ko yun.
flashback...
"Papa, may dadating pong lalake mamaya. Bakit po siya may dalang baril?" sabi ko tsaka nagkatinginan sila mama.
"Huh? Ano bang sinasabi mo diyan, Asha?" tanong ni Mama. Binaba ko naman yung hawak kong kutsara tsaka tinuro yung pintuan namin.
"May papasok pong lalake diyan, may dala siyang baril." sabi ko ulit. Hindi ko din alam kung saan ko nakuha yun, basta bigla na lang pumasok sa isip ko.
"Hahaha... Ikaw talagang bata ka. Nananaginip ka lang ata. Ubusin mo na yan at may dessert pa tayo." sabi ni Mama tsaka inayos yung pagkain ko.
"Pero mama..." natahimik ako nang umimik si Papa.
"Kumain ka na, Asha." sabi ni Papa kaya tumango nalang ako. Gusto ko sanang sabihin kay Papa, nakakatakot kasi yung nakita ko. Naliligo sila Mama at Papa sa sarili nilang dugo. Inubos ko na lang yung pagkain ko kasi ayokong magalit sa akin si Papa tapos hinatid niya ko sa school tsaka bumalik sa bahay, nakalimutan niya daw kasi yung gagamitin niya sa meeting mamaya. Gusto ko sana siyang pigilan.
"Asha..." tinignan ko si Teacher kasi bigla niya kong niyakap.
"Bakit ka po umiiyak, Teacher?" tanong ko pero imiling lang siya tsaka ako nginitian.
"Magiging maayos din ang lahat Asha." sabi ni Teacher. Tumango na lang ako kahit wala akong naiintindihan sa sinabi niya. May problema siguro si Teacher kasi umiyak siya habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Defying Destiny
FantasyWeird things started to happen the moment I met her. Asha is known as one of the daughter's of faith. She is gifted with the power to see the future but then, for her the power is not a gift but a curse which drives everyone away until she met a you...