1

122 18 3
                                    

-Asha-

"Dala mo ba yung baon mo?" tanong ni Teacher Kilian. Palagi siyang ganito bago ako pumasok ng school dahil madalas daw lumulutang ang isip ko at nakakalimot ng mga bagay-bagay.

"Yep. Andito na po sa bag ko." sabi ko tsaka inayos yung sapatos ko.

"Good. Sige na. Mauna ka na. Aayusin ko lang ito at papasok na din ako." sabi ni Teacher Kilian. Tumango naman ako tsaka siya hinalikan sa may pisngi nang may maalala ako.

"Oo nga pala Teacher Kilian!" sabi ko tsaka inabot sa kanya yung payong ko na kinuha ko pa sa loob ng bag ko.

"Uulan mamaya." sabi ko tsaka ngumiti. Ginulo naman niya yung buhok ko tsaka siya nagpasalamat. Iilan lang iyan sa magagandang nabibigay ng kakayahan ko, yung iba puro masama na.

"Sige na. Baka mahuli ka pa." sabi niya kaya tumango ako at tumakbo na papasok. Medyo malapit lang naman kasi yung University namin sa bahay.

"Good Morning, Manong." bati ko sa guard tsaka siya nilagpasan dahil kahit mga guard alam na weird ako at hindi gaanong nakikipag-usap sa akin. Inayos ko pa yung uniform ko bago pumasok ng room.

"Good Morning!" bati ko kahit wala namang pumansin sa akin. Sige push. Hahaha... Sanay naman na ako kaya itinatawa ko na lang sa likod ng isip ko.

"May assignment ka?" tanong ni Sean kay Nancy.

"Wala nga eh. Yari tayo kay Sir niyan." sagot naman ni Nancy, wala naman si Sir pero syempre hindi ko na sinabi sa kanila para ngayon pa lang gawin na nila yung assignment.

"Oi san ka pupunta?" tanong ni Frances, class president namin. Palagi na lang nila akong tinatawag na Oi, may pangalan naman ako.

"C.R." sagot ko tsaka lumabas na. Ang boring kasi doon, wala naman akong kausap. Hahanapin ko na lang si Sushi, at least iyon kahit puro tweet tweet lang ay iniimikan ako.

"Kalokohan! Sino ba siya sa akala niya? Anak? D*mn... " napahinto ako tsaka tinignan yung babae kahapon. Yung anak ni Mrs. Right, umiiyak ito at mukhang galit.

"Hello!" bati ko sa kanya. Nagulat naman siya tsaka pinunasan yung luha niya. Nakita ko na, bakit pa niya pinupunasan?

"Oww... Sorry nagulat ata kita. Hahaha." sabi ko tsaka siya umirap. May pinagmanahan ng kamalditahan. Ganyang ganya si Mrs. Right kapag nalelate ako eh.

"Ikaw yung baliw sa Education department." sabi niya kaya napangiwi ako. Kilala nga niya ako. Sikat ako bilang baliw sa school.

"Ganun ba ako kasikat?" natatawang tanong ko. Wala eh, may mga bagay na dapat talagang tinatangap na lang natin at tinatawanan kung hindi hahatakin lang tayo nun pababa.

"Anong pangalan mo?" tanong ko pero hindi niya naman ako pinansin. Nagpagpag lang siya ng uniform tsaka aalis na sana nang magsalita ako.

"Laura Felicity Perez, kung ako sayo kakausapin ko na ang nanay ko bago pa siya mawala." sabi ko tsaka niya ko tinignan at sinampal ng malakas.

Aray...

"Wala akong pakialam. At kung totoo ngang nagkakatotoo lahat ng sinasabi mo, sana nga mawala na lang siya! Wala akong pakialam!" sigaw niya. Pinanuod ko lang siya habang naglalakad paalis.

"Pambihira, masakit yun ah." bulong ko habang hinihimas yung pisngi ko. Hindi naman nagkakatotoo ang sinasabi ko, sinasabi ko ang magkakatotoo. Pero nagsinungaling ako dun sa part na bago pa mawala si Mrs. Right, tinulak ko lang ng unti si Laura, baka sakaling matauhan.

"Minsan, kahit ang tadhana walang magawa sa tigas ng ulo ng mga tao." bulong ko tsaka tumayo.

"Ang sakit ng pisngi ko." bulong ko habang hinihimas yung pisngi ko. Makapunta na nga ng classroom, klase na ni Mrs. Right.

"Sorry po, Mrs. Right!" bungad ko pagkabukas ko ng pinto pero napahinto din ako.

"Asha! Asha! Ano pang tinatayo tayo mo diyan? Umupo ka na." sigaw ni Mrs. Right kaya pumasok na ko ng room tsaka umupo. Tinignan ko si Robin, yung kaklase naming playboy.  Nagkaklase lang si Mrs. Right samantalang ako nakatulala sa likod ni Robin.

...

-Justice-

"Master." tinignan ko ng masama si Quinlan.

"As far as I remember, I warned you already, Quinlan." sabi ko tsaka siya nilagpasan. I can't even understand why they transferred me to this school.

"Teka lang, Robin!" napahinto ako sa paglalakad nang may babaeng tumakbo pahabol dun sa lalake tsaka ako nilagpasan. I don't know but I can't remove my eyes away from her.

"Bitawan mo nga ako! Pwede ba wag mo kong idamay sa kabaliwan mo." sigaw nung lalake tsaka tatalikuran sana yung babae nang hawakan siya nito.

"Ok lang kung tawagin niyo akong baliw. Maniwala ka Robin mag-ingat ka sa... Aww!" sabi nung babae pagkatulak sa kanya nung lalake. Seriously? Bakit pa niya hahabulin yung lalake kung ayaw na sa kanya. Nakatingin lang yung babae habang naglalakad paaalis yung lalake. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatingin sa kanya. Tumayo siya tsaka pinagpag yung suot niya.

"Kanina namaga yung pisngi ko, ngayon nasugatan naman yung tuhod ko. Binalaan ko kayo. Yun lang ang magagawa ko pero bakit hindi kayo nakikinig? Pambihira." sabi niya tsaka humarap sa dereksyon ko para siguro bumalik sa kung saan man siya nangaling.

"Hi?" awkward na sabi niya tsaka ngumiti at nilagpasan ako.

Seriously?

Napailing na lang ako at pupunta na sana ng main building nang may makita akong kumikinang doon sa pinangalingan nung babae kanina sa sahig kaya pinulot ko.

"Asha?" yun siguro yung pangalan niya, nakaukit sa kwintas eh. Tsk... Ipapabalik ko na lang kay Quinlan.

"Makapasok na nga sa klase."

...

"Ang lakas ng ulan. Sabi naman kasi sayo Master mag-antay ka na lang doon. Ang layo pa naman ng parking lot dito." reklamo ni Quinlan.

"Stop calling me Master, Quin." sabi ko na lang. Natahimik naman siya tsaka naglakad na lang.

"Hachooo! Pambihira. Asan na kasi yun?"

Nagkatinginan naman kami ni Quinlan sa narinig namin.

"Ma-este Justice, may babae." sabi ni Quinlan tsaka tinuro yung babae kanina. Mukhang alam ko na ang hinahanap nito.

"Alam ko, nakikita ko." sagot ko sa kanya. Lumapit naman siya dun sa babae tsaka pinayungan ito. Hindi ko alam kung narerealize ba ni Quinlan na iniwan niya ako na walang payong habang siya dala yung payong ko.

"Miss, anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Quinlan. Lumapit naman ako sa kanila tsaka kinuha yung payong kay Quinlan. He seemed to realize so he gave me a shock and puppy look.

"Ha? Ah eh, may hinahanap lang. " sabi niya tsaka gumapang ulit sa may damuhan. Kinapa ko naman yung kwintas sa bulsa ko tsaka itinapat sa kanya.

"Yung kwintas! Wahhh... Salamat!" sabi niya tsaka tumayo agad at kinuha sa kamay ko yung kwintas.

"Bakit nasa iyo?" tanong ni Quinlan.

"Napulot ko kanina." sagot ko lang tsaka sila tinalikuran at lumakad na. Pwede naman niyang hanapin bukas, bakit ngayon pa niya hinanap.

"Teka Mas- este Justice! Sige Miss hah, una na kami. Ingat!" sabi ni Quinlan tsaka humabol sa akin.

May kakaiba talaga sa babaeng yun. I can't just figure it out. Is it her eyes?

Aishi's note:
Kamusta naman yung kwento?

Edited.

Vote and Comments are free :)

Defying DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon