4

84 17 1
                                    

-Asha-

Ang lamig.

Inangat ko naman yung kamay ko tsaka pinatong sa ulo ko. Nakatulog ata ako?

Matutulog sana ako ulit ng maalala ko yung nangyari sa library. Napabangon agad ako.

"Asan ako?" tanong ko, napalakas ata kasi nagising yung natutulog sa sofa.

"What the... ang inggay mo." inis na sabi niya tsaka humiga ulit pero bumangon din ng marealize niya sigurong gising na ako.

"Asa bahay kita. Nawalan ka ng malay. Malay ko kung saan kita dadalhin nung una kaya dito na kita dineretsyo." sagot niya kaya tumango na lang ako.

"Sa-salamat." sabi ko tsaka pasimpleng tinignan yung suot ko sa ilalim ng kumot.

Wooo... Safe!

Nilibot ko naman yung paningin, ang plain naman ng kwartong to.

"Hala si Teacher Kilian!" sabi ko tsaka hinanap yung cellphone ko sa bulsa. Baka naghahanap na yun ngayon.

"I called her already. Tinawagan ko pagkadating dito. Tsk... Dapat nga hinatid na kita pauwi sa inyo, it's just that I'm tired to drive you home." sabi niya tsaka humiga ulit. Ang lamig talaga dito. Grabe naman yang Aircon na yan.

"Ah... I-ikaw na dito sa kama. Hehehe..." sabi ko tsaka tumayo. Nakakahiya aman kasi sa kanya. Binalot ko naman agad yung sarili ko netong makapal na kumot niya kasi ang lamig.

"Go to sleep." sabi lang niya tsaka pinatong yung braso niya sa may mata niya tsaka di na nagsalita.

Natulog na ata.

Humiga na lang din ako, inaantay kong antukin ako ng may makita ako. Hindi yun tungkol sa akin o sa lalakeng nasa sofa.

"Teacher Kilian." napatayo ako agad sa nakita ko. Nag-aalangan man ako, ginising ko yung lalake sa sofa.

"Ah, Mister." sabi ko tsaka kinalabit yung lalake. Kinakabahan ako. Ayokong maulit yung dati. Ayokong may mangyari kay Teacher Kilian kagaya ng nangyari kina Mama.

"Mister." kalabit ko ulit. Dahan dahan naman siyang gumalaw at bumangon.

"What?" tanong niya na parang naiinis kaya mahina akong bumulong habang nakayuko.

"Uuwi na ako. Ka-kahit pakibuksan na lang yung bahay mo. Sa-salamat." sabi ko.

Kinakabahan ako. Ayokong mawala sa akin si Teacher Kilian.

"It's late. Matulog ka na." sabi niya tsaka humiga ulit. Napayuko naman ako, kung hindi ako aalis ngayon. Baka mahuli na ko bukas ng umaga. Ayokong...

"Aalis na ko." mahinang sabi ko tsaka tumayo. Dahan dahan pa akong lumabas ng kwarto niya tsaka hinanap yung labasan. Ang laki naman kasi ng bahay niya.

"Where do you think your going?" tanong nung lalake na nasa likod ko na pala.

"Uuwi na ko." sabi ko tsaka yumuko.

"Why?" tanong niya. Sasabihin ko ba? Baka isipin neto baliw ako.

Oh well, lahat naman sila baliw ang tingin sa akin.

"I saw Teacher Kilian's future. She wi-will die tomorrow afternoon..." sabi ko tsaka napayuko. Inaantay ko siyang tawanan ako pero nagulat lang ako nang hatakin niya ko palabas ng bahay nila.

Mukhang mapapalayas na ko dahil sa takot sa akin ah.

"Akala ko ba uuwi ka na? Sakay na." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso ba siya?

"Sakay na. " sabi niya tsaka ako tinulak papasok sa kotse niya. Magulo pa yung buhok niya at mukhang antok na antok nga siya kaya nakakahiya. Nakakahiya kasi siya ang gwapo pa din tignan ako mukhang baliw na bagong gising.

Defying DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon