-Quinlan-
"Bakit nila kasama yang si Asha?"
"Mangkukulam talaga. Baka naman ginayuma niya o kaya kinulam si Justice at Quinlan."
"Bago ba yang uniform niya? Yuck... di bagay?"
Mga bubuyog nga naman. Sarap hampasin. Hahaha.
Joke lang. Sa gwapo kong to, hindi ako pumapatol sa babae. Gentleman yata to. Naglalakad lang ako habang nasa likod nila Justice. Katabi ni Justice si Asha na nakayukong naglalakad tapos ako naglalakad habang nasa batok ang dalawang kamay. Naaliw akong tignan silang dalawa. May ginintuang puso talaga tong si Justice eh, hindi lang bulsa ang ginto. Hahaha
Parang kailan lang...
Anak ako ng butler ng pamilya nila kaya obviously amo ko si Justice pero pikon na pikon siya pagtinatawag ko siyang young master o kaya master. Parang di nga ko anak ng butler sa lagay na to. I have my own car, nag-aaral sa mamahaling university at branded ang mga damit. Astig eh no?
Galante ang bossy kong bestfriend/master.
Hindi na namin pinansin ang mga bubuyog at nagtuloy tuloy na sa office ni Master Austine. Eto talaga ang workaholic.
Sa tanang buhay ko ata, hindi ko pa nakitang nagpahinga o kumain sa labas tong si Master Austine ng hindi tungkol sa business. Inangat niya yung tingin niya sa amin tsaka ngumiti.
"Ow, siya ba yung sinasabi mong assistant Justice?" tanong ni Master Austine. Tumango naman si Justice tsaka kumuha ng papel sa table niya. Ginagawa niya yung schedule ni Asha kaya nakatayo lang kami dito.
"Quinlan, Miss, maupo kayo. Walang bayad yang pag-upo diyan." sabi ni Master Austine kaya ngumiti ako at umupo. Sumunod naman si Asha na pagala gala yung tingin sa buong opisina ni Master Austine. Mabait naman yang si Master Austine, masayahin din yun nga lang busy masyado. Kaya siya tinatawag ni Justice ng matanda kahit hindi naman talaga siya ganun katanda. Maaga kasi lumandi yang si Master Austine. Bukod pa yung katotohanang hindi talaga close si Justice at si Master Austine.
"Here's the schedule." sabi ni Justice tsaka inabot yung papel kay Master Austine. Inabot naman yun ni Master Austine, binasa, pinirmahan tsaka binalik kay Justice.
"Done." sabi pa ni Master Austine.
"Thank you Master Austine." sabi ni Justice kaya parang nalungkot naman si Master Austine. Civil nga lang kasi sila. Father and son problem.
"Welcome." sagot ni Master Austine. Yumuko naman kami tsaka lumabas na ng opisina ni Master Austine.
"I'll set your schedule. Pumunta ka muna sa klase mo, I'll give this to you after I finalize this." sabi ni Justice kay Asha. Napalunok naman si Asha tsaka ngumiti.
"Si-sige. Salamat!" sabi niya tsaka humiwalay na ng daan. Pupunta siguro sa building nila. Sinenyasan naman ako ni Justice kaya umalis na kami. Pupunta pa kaming registrar.
------------
-Asha-
Nakayuko akong naglalakad sa may hallway. Ok lang yan, may dala naman akong extrang uniform pero as much as possible ayokong madumihan tong bagong uniform ko. Nakakahiya kay Justice kaya sa ibang way ako dumaan. Nakayuko ako hangang sa makapasok ako sa klase. Rinig ko yung bulungan nila pero hinayaan ko na lang.
Iwas lang ng iwas Asha.
"Nahulaan mo bang plano ka naming paliguan ng bulok na itlog sa hallway? Hah? Mangkukulam?" tanong ni Angela. Hindi ako umimik tsaka iniwas yung tingin ko sa kanila. Yun yung nakita ko kanina nung pababa ako ng hagdan kaya umiwas na ko.
"Balita ko katulong ka na daw ni Justice? Sakto madumi na tong sapatos ko. Since atchay ka naman, baka gusto mong punasan." sabi naman ni Margarette. Tinignan ko naman siya tsaka pinunasa yung sapatos niya gamit yung panyo ko. Hangat kaya kong umiwas sa gulo, iiwas ako. Ayokong madumihan yung gamit na bigay ni Justice. Nakakahiya.
"What a good maid. Pano yung sapatos ko?" tanong ni Jasmin. Lumuhod naman ako para sana punasan yung sapatos niya ng panyo ko ng sipain niya yung kamay ko.
"Na-uh... Ayoko niyang pinangpunas mo na sa sapatos ni Margarette. Use your new uniform." sabi ni Jasmin kaya napaatras ako.
"I said use you new uniform, witch." sabi niya. Umiling naman ako tsaka tumayo.
"I'm sorry Jasmin pero..."
"Owwww!" react ng mga kaklase ko ng sampalin ako ni Jasmin. So galit pa din siya sa akin dahil sa nangyari kay Robin. Hindi ko na hinawakan yung pisngi ko pero dama kong nag-init yun sa lakas ng sampal niya. Mukha na naman akong nagblush on ng hindi pantay nito.
"Witch, katulong ka lang. Such a low class bitch na walang karapatang sumagot. Ang sabi ko punasan mo yung sapatos ko. Use that uniform and clean my shoes!" sigaw niya kaya napaluhod ako sa panghahatak niya. Nakatingin lang ako sa may sapatos niya.
Still can't cry eh?
Pupunasan ko na sana, lalabhan ko na lang yung uniform ng may humatak sa akin patayo.
"What the hell are you doing Asha? Didn't I told you that you will only follow MY orders?" sigaw ni Justice. Hawak hawak niya ko sa braso at medyo napapangiwi ako kasi ang higpit ng hawak niya.
"Jus-justice..." sabi ni Jasmin. Tinignan naman sila ni Justice.
"Who the f*ckin' idiot told you that you can actually ask her to clean your shoes?" tanong ni Justice.
"She... She's just a maid. It's just right since..." hindi na natapos ni Jasmin yung sinasabi niya ng umimik si Justice.
"She's not a maid! She's MY personal assistant. I'm the only one who have the rights to order her." sabi niya tsaka ako hinatak palabas ng room. Narinig ko pang kinakausap ni Quinlan yung mga kaklase ko bago kami tuluyang makalabas.
"Didn't I told you that I'm possesive when it comes to my property?" tanong niya kaya nakagat ko yung labi ko. I should be mad right? Property? Mukha ba kong gamit? Kaya lang tama naman siya, nagtatrabaho ako para sa kanya. He's paying for my work so...
"Listen." sabi niya kaya inangat ko yung tingin ko.
"Give some love on yourself Asha. Don't let them hurt you like that." sabi niya kaya tumango na lang ako. Absent na naman ako sa klase ko.
"I don't think you understand what I just said." sabi niya tsaka lumakad. Sumunod naman ako sa kanya habang hinihimas yung kaliwang braso ko. Napahigpit yung panghahatak niya sa akin kanina.
Sumusunod lang ako sa kanya, hindi ko alam kung saan kami pupunta hangang sa huminto kami sa tapat ng clinic.
"Ask the nurse to put ice on your cheeks and left arm. I'm sorry." sabi niya kaya napatulala ako. Nagtuloy tuloy naman siya ng lakad.
"Thank you." sabi ko tsaka niya tinaas yung kanang kamay niya na parang sinasabing 'sige lang' habang naglalakad ng nakatalikod sa akin.
Napangiti na lang ako.
Nabago yung nangyari.
2 points for me Destiny.
BINABASA MO ANG
Defying Destiny
FantasyWeird things started to happen the moment I met her. Asha is known as one of the daughter's of faith. She is gifted with the power to see the future but then, for her the power is not a gift but a curse which drives everyone away until she met a you...