-Asha-
"Then bring this to my office. Don't forget my lunch bla bla bla..." pang-aasar ko kay Justice tsaka tinuloy yung paghihiwalay nung mga documents na naghalohalo na. Hindi ko naman alam na mas mahirap maging assisstant lang niya. Ang dami niya naman pala kasing kailangang tapusin at dahil asisstant nga niya ko, syempre madami din siyang utos.
Nagbubukod lang ako ng files ng may makita ako.
...Future...
"Don't pretend like you don't know."
"Kung ang pagkamatay pa din ng kuya mo ang pag-uusapan natin, madami pa kong ginagawa."
"Tsk. Magsama kayo ng kayamanan mo"
"Cristan!"
... End of Asha's precognition
"What is it?" tanong ni Justice kaya nilingon ko siya. Alam na alam niya talaga pag may pumapasok sa utak ko na mangyayari sa hinaharap.
"Ah wala. Hehehe... Ang dami naman neto." sabi ko tsaka binalik yung mga tingin ko sa papel. Hindi ko kilala yung Cristan na yun. Ang weird... kadalasan konektado sa kakilala ko yung makikita ko, kanino naman konektado yung Cristan na yun?
"Tsk." sagot lang niya tsaka nagtuloy sa kung ano mang ginagawa niya sa laptop.
"Ah Justice, mamaya na ko papasok sa business class mo di ba? Mahirap ba yun?" tanong ko.
"Everything is easy when you think it's easy. Mind set." sagot niya. Ang galing talaga sumagot neto, parang pangatlong araw ko pa lang na nagtratrabaho sa kanya pero ang dami ko ng napupulot sa kanya.
"Hi Justice, Hi princess!" napalingon naman ako kay Quinlan na pumasok habang may dalang pagkain. Napanguso naman ako, palagi niya kasi akong tinatawag ng princess para asarin si Justice.
"Gusto mo ng kiss? Naku wag ganyan Princess. Hindi pwede. Virgin pa ang lips ko." sabi ni Quinlan. Ano daw? Wala naman akong sinabing gusto ko ng... Nahinto ako bigla dun sa iniisip ko ng magsalita si Justice.
"What took you so long?" tanong niya kay Quin pagkaupo nito. Inaayos ni Quin yung mga pagkain namin tsaka siya napasimangot.
"Hinarang ako nung Laura. Yung nakausap natin dati, crush na crush ata ako nun eh." sabi ni Quin na gwapong gwapo sa ginawa ni Laura. Si Laura yung anak ni Mrs. Right.
"Wag kang umasa Quin, hindi kayo magkakatuluyan." sabi ko tsaka tinabi muna yung mga papel at baka madumihan ng pagkain.
"Talaga? Nakita mo sa future? Sinong makakatuluyan ko? Maganda ba? Malaki ba yung ano..." sabi niya tsama sinesenyas yung dibdib niya. Ang sagwa.
"Kadiri ka Quin. Si Jupepay ang makakatuluyan mo." sabi ko tsaka siya napahinto sa pagkuha sana ng kakainin niya tsaka namumutlang tumingin sa akin. Hehehe... hindi naman siguro masama kung pagtitripan ko to ng unti di ba?
"Seryoso?" sabi niya tsaka napalunok bago ulit nagsalita.
"Si Juan Pelipe Paygon?" dugtong niya na parang nandidiri na ewan.
"Pffffttt! Hahahaha..." tawa ko tsaka sumubsob sa lamesa. Nakakahiya, hindi ko mapigilan yung itsura ni Quin.
"Binibiro mo lang ata ako eh!" sabi niya tsaka inalog alog yung balikat ko. Unti pa, nakakatuwang pagtripan si Quin.
"Sorry sorry. Nakita ko kasi yung itsura mo sa future habang kinakasal kayo sa ibang bansa. Congrats! Sinasabi ko na kasi wala ako sa kasal niyo eh. Hindi ata ako nakasunod sa ibang bansa." sabi ko kaya napatayo na siya.
"Master! Este Justice, gusto ko ng lumipat ng school. Pwede ko pang mabago ang future, aalis na ko ngayon pa lang." sabi niya kaya napalakas na yung tawa ko.
"Hahahaha... Wait... hahaha... biro lang naman Quin. Hindi naman si Jupepay. Ikaw kasi eh." sabi ko tsaka uminom ng tubig. Sumakit yung tyan ko kakatawa.
"Talaga? Kumatok ka sa kahoy. Baka mamaya magkatotoo. Hindi ko kakayanin." sabi niya kaya tinapik tapik ko yung balikat niya.
"Joke nga lang. Kapag nalaman ko kung sinong makakatuluyan mo, hindi ko sasabihin. Wala akong planong pakialaman ang tadhana kung di naman kailangan." sabi ko tsaka uminom ulit ng tubig.
"Good thing that your done." sabi ni Justice." Hala nakalimutan ko, andito nga pala siya.
"Ehehehe... Hello?" sabi ko tsaka siya tumingin sa akin tapos sa pagkain. Tinopak na naman siya ng kasungitan niya.
"Shhh... Princess, baka nagselos sa akin si Justice. Kasalanan mo to. Naku Justice, wag kang mag-alala hindi kita aagawan." sabi ni Quin tsaka siya sinamaan ng tingin ni Justice. Napapeace sign na lang siya kaya napangiti ako. Ang cute lang kasi nilang tignan na dalawa. Para silang magkapatid na magbestfriend na ewan. Si Quin kasi mahilig mamikon tapos si Justice naman pikon kaya perfect match sila.
"Let's eat. We need to finish everything today." sabi niya kaya sabay kaming kumuha ni Quin ng pagkain at kumain.
Tahimik lang kaming kumain, ayaw kasi ni Justice ng maiingay pag kumakain tsaka si Quin na palaging maiinggay, busy sa pagnguya. Kumakain na lang din ako at masarap ang libre ng may makita na naman ako.
...
"What if..."
"What if ano? Stop thinking about the possibilities. Think about what will actually happen."
"You already killed people to get her. Isn't that enough."
"Enough? I need to get her first."
"Tsk. Fine. I'm tired looking after her. Maybe, I need to kill that guy to get her. Right?"
...
Naibagsak ko yung kutsara tsaka tinidor ko sa nakita ko.
"Ui Asha, bakit?" tanong ni Quin. Tinignan ko yung pingan ko tsaka yung kutsara pati na yung kamay ko. Nanginginig yung dalawang kamay ko.
I remember that face. Yun yung nakita ko dati, the day I discovered my ability.
That guy who killed my parents.
"F*ck... Asha!" natauhan ako sa sigaw ni Justice. Nanlalaking mata ko pa siyang tinignan. Akala ko galit na mukha niya ang sasalubong sa akin pero hindi. For the first time, isang nag-aalalang Justice yung nakita ko.
"Ah eh ano... nakagat ko yung dila ko." sabi ko na medyo natatawa pa, umaasang maniniwala sila kahit malamang na hindi.
"What did you see?" tanong niya ng seryoso kaya napailing ako. Hindi, hindi ko pwedeng sabihin.
"Huh? Wa... wala lang. Tara kain na tayo ulit." sabi ko tsaka derederetsyong sumubo. Maya maya, kumain na din sila pero ang awkward pa din. Hinayaan ko na lang at nagtuloy tuloy sa pagkain na parang walang nangyari.
May papatayin na naman silang malapit sa akin.
At ngayong wala na si Teacher Kilian...
Sila Quin at Justice na lang ang malapit sa akin.
Napahinto ulit ako sa naisip ko tsaka ko kinagat yung ibabang labi ko. Anong gagawin ko? Hindi... hindi ko na alam. Dapat... dapat lumayo na nga lang ako sa kanila sa simual pa lang. Tama si Kriza, mamamatay lang ang mapapalapit sa akin.
Napahinto ako sa pag-iisip ng may malamig akong naramdaman sa may pisngi ko.
Yelo.
"Wake up your senses Asha." sabi ni Justice na hawak yung yelo na nakadampi sa pisngi ko. Kumuha naman ng tissue si Quin tsaka tinapat sa lower lip ko.
"Dumudugo na oh. Don't tell me honeymoon namin ni Jupepay ang nakita mo?" biro niya kaya napangiti na lang ako sa kanilang dalawa.
Hindi pwede.
Pipigilan ko sila.
Kahit anong mangyari.
BINABASA MO ANG
Defying Destiny
FantasyWeird things started to happen the moment I met her. Asha is known as one of the daughter's of faith. She is gifted with the power to see the future but then, for her the power is not a gift but a curse which drives everyone away until she met a you...