CHAPTER 1: THE WEIRD GUY IN SCHOOL
Hi, I’m Sean de Ocampo. Isang Senior Student. I’m 16 years old. And yes, sa nakikita nyo sa title ng Chapter 1, I’m the Weird Guy in school. Why? Sabihin nalang natin na.. hindi ako athletic, hindi rin ako masyadong expose sa paligid, hindi rin ako popular among girls and cliques (Wala akong ka-vibes sa school). Palagi kong kasama ang computer at gadgets ko. Sila lang ang mga true friends ko. Matangkad ako pero hindi ako masigla o malakas. Wala rin akong mga kaibigan sa school. Pero hindi ako yung tipong “Nerd” ha. Oo, nagsusuot ako ng salamin, pero hindi sa lahat ng oras. Tsaka, yung tipong manipis lang na frame ang ginagamit ko. Nakatira ako sa BF kasama ang Mama ko at ang kaniyang bagong asawa. Yung Stepfather ko, may anak na rin. Ka-edad ko, nasa iisang school lang din kami nag-aaral pero hindi kami nagsasama. Hindi rin kami magkasundo. Hindi ko siya kaibigan. Gaya nga ng sinabi ko kanina, Gadgets lang ang tunay kong mga kaibigan. Period.
Simple lang ako. Simple rin ang gusto ko sa buhay, ang makatapos sa pag-aaral ng Highschool at mag-aral na ng College. Gustong-gusto ko mag-aral sa Cebu. Lumayo at manirahan ng mag-isa. Hindi sa ayoko ditto sa amin, nandun din kasi ang Papa ko. Miss na miss ko na siya. Kaso lang, nasa custodia ako ng Mama ko. May magagawa pa ba ako? Wala. Wala. Wala.
“Anak, pakabait kayo ha?” sabi ni Tito Terry, stepfather ko. Hinalikan niya sila Kenneth at Ariana sa noo. Si Ariana ang kapatid ko sa Ina. Hindi rin kami magkasundo. Palibhasa, spoiled brat.
Nasa garahe na kami at umaandar na ang sasakyan. Handa na kami para sa school. Naka-uniform na kaming tatlo, white polo na may logo ng school namin, necktie, blue pants at black shoes para samin ni Kenneth. Ang uniform naman ni Ariana ay white polo, necktie, tapos maiksing skirt. White knee high at black shoes. Isang private school ang paaralan namin.
“Dad, I don’t want to ride in the car with him!” sigaw ni Ariana, fist year highschool at spoiled brat (Teka, parang sinabi ko na iyon kanina ah). Tinuro niya ako na nakatayo sa likod nila. Sa puntong iyon, gusto ko nang maglaho.
“Princess, behave.. just wait na grumaduate na si Sean para magkaroon na kayo ng Kuya mo ng sariling sasakyan.” Tiningnan ako ni Tito. Hindi ko gets ang ibig niyang sabihin.
Gwapo siya (CHILL! Hindi ako bakla, I’m just describing him). Marunong manamit. Hindi halata sa kaniyang itsura na 53 na siya. Kamukha ni Kenneth si Tito Terry. Hindi lang sa itsura at porma, pati na rin sa ugali.
“Gusto ko Top-down Dad.” Sabi ni Kenneth. Tito Terry smirked at him at tumawa ng mahina.
“Anything for my precious kids.”-Tito Terry
Yumuko lang ako at hindi makapagsalita. Timing rin na lumabas si Mama mula sa bahay. Naka-Office uniform siya. Siya ang CEO ng companya namin. At dahil busy sa pag-aalaga ng Companya at mga anak niya, nakalimutan na yata niya ako.
“Oh, why are you still here?” tanong ni Mama kay Tito Terry.
“Honey, *hinalikan si Mama sa pisngi* we were still arguing earlier, gusto kasi ni Sean na magBike nalang daw papuntang school e, ayoko naman kasi baka ma-Late siya but he still insist.” Sagot ni Tito Terry.
Liar.
“Ganun ba? *tiningnan niya ako* Anak, sumakay ka na lang sa kotse, baka mapaano ka pa sa kalye.” Advice ng Mama ko. Can’t believe she believed her stupid Husband!!
“Mommy, we better get going. Bye-bye.” Hinalikan ni Ariana si Mama sa pisngi. Ganun rin ang ginawa ni Kenneth.
Ako? Ngumiti lang ako sa kanya at pumasok sa sasakyan. Katabi ko si Kenneth at nasa Front Seat naman si Ariana.

BINABASA MO ANG
My Princess Charming
Genç KurguUSUALLY, in a fairy tale, a boy meets girl. The boy is the "Prince Charming" tapos si Girl ay "Princess", but what if baliktad? What if si Boy si "Prince" at si Girl si "Princess Charming"? Will it be the same? Will it still be Happily Ever After? W...