Kulit to JAPAN

8 2 4
                                    


Unang kita ko pa lang sa kanya noong may event sa school talang na-attach na yong attention ko sa kanya.He captured my eyes because of his flaring skills.I used to call him Mr. Bartender at hindi nagtagal ay nakikitawag na rin ang mga classmates ko.


Ewan ko ba bakit ganun, LUCKILY may common friend kami which was my schoolmate in high school .So yun nagkaroon kami ng chance magkakilala and maging FRIENDS .I'm so happy back then noong 'di pa ako confuse sa feelings ko syempre CRUSH ko siya pero 'di ko pa naramdaman yung sobrang kilig na abot hanggang buto.Not until one time. .Parati kaming magkatext,tawagan kahit madaling araw inaabot kami minsan .At dahil babae ako 'di ko sinabi sa kanyang gusto ko siya dahil baka masira friendship namin.So ayun at ang pagkakaalam niya ay yung isang bestfriend ko ang may gusto sa kanya .


But all the happiness I felt was slowly gone when I found out that HE and my classmate were DATING.Well'sabi niya di naman daw date yun kasi si GIRL lang daw ang nag-aya na manood sila ng sine .Kaya ayun Medyo kumalma ang puso kong baliw .  


During my birthday or day before ewan ko ba pero sinabi niyang aalis daw siya patungong Manila which is nakakabaliw isipin kasi pumunta lng pala siya do'n para umattend ng event sa family nila but then again BALIW ang puso ko't naging sad at nag-emote agad dahil doon at naisipian ko pang baka di na siya bumalik .Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya 'yong feelings ko aalis na siya.



HAHAHAHA nakakamiss siya sobra .Pero na-shock ako ng tinawanan niya lang ako through phone dahil babalik pa daw siya ,kaya nang dahil sa kahihiyan 'di ako nagparamdam sa kanya ng mga isang buwan siguro .Kaya ayun medyo di masyadong nadevelope yung namumuo kung damdamin (char lng),iniwasan ko siya dahil takot akong malaman niya at kapag kasi magkasama kami nakakagawa ako ng mga stupid things sa harapan niya na talagang-talagang hindi  sinasadya that's why kapag andyan siya kasama ng tropa ehh nanahimik nalang ako parati at minasan lng makikisawsaw which is not me kasi madaldal na talaga ako at napakahyper palagi .


Bumalik lahat 'yong tinatago kong feeling  sa kanya .Ayy mali nadagdagan pala ang pagkagusto ko sa kanya. . 



Fastforward


Again ,another year ang dumating sinabi niyang tuloy na daw siya papuntang land of the rising sun "Japan",kaya ayun nagtawagan kami .


May 11,2016

"Kulit tuloy na ko sa Japan,andito na nga ako sa Manila bukas nang umaga ang flight namin"siya.

"Ahhh(syempre na shock)as in??Aalis kana talaga ??Ohh ehh malayo ka na ."ako na tanga.

"Oo eh . . ano ka ba FRIENDS naman tayo sa facebook (marami pa siyang nakwento at kwentuhan namin na 'di ko na matandaan yung iba)Ahhm Kulit tawag ka mamaya mga 10 pm ha expire na ako ngayon ehh hindi na kita matawagan kaya kaw nalang tumawag sa akin 'di ka pa naman expire mamaya hintay lang ako ng tawag mo ha, mag-iimpake pa kasi kami ehh.Ingat ka."siya.

"Ok Kulit,ingat ka din palagi tawag nalang ako maya"



Sa sobrang depress at lungkot ehh ayun at umiyak ako ng umiyak ng bongga-bongga dahil aalis na talaga siya at nakatulog ako habang hiram ng luha ang aking mga mata  (anlalim) ;( .Mga 02:30 ako nagising dali-dali kong dinial ang phone number niya kahit namamaga at nanakit 'yong mata ko, pero nakaka-frustrate di niya kasi sinasagot pero ayun at napagtanto kung ako naman pala ang may MALI kasi 'di ako nakatawag sa kanya kagabi :( ;( at baka tulog pa siya ngayon . .

Pero naisip ko rin ,naghintay kaya talaga siya sa tawag ko ??Bakit 'di siya nag smart-alert ehh lagi namin yung gingawa kapag nag-aantayan ng tawag??Talaga nga bang nag-antay siay o parang katulad lng din ng iba na kung tumawag eh mabuti kung hindi naman tumawag ay OK lng din ??


Nakakaloka mag-isip. . .


Ang tanging nagawa ko lang ehh ang umiyak .Kapag nagtanong mga classmates ko sa akin bakit daw ako nakatunganga at ang lalim ng iniisip palagi ehh sagot ko nalang parati ehh "WALA"


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"KULIT"-One Sided LoveWhere stories live. Discover now