Nagsimula na akong tumugtog. Natural na sa akin ang mag gitara kinasanayan nga kung baga.
Sa hindi inaaasahan
Pagtagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
Habang kumakanta at tumutugtog nakatingin lang ako sa langit. Inaalala yung mga sandali na andyan pa sya sa aking tabi.
Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sa'yo
Ibinubunyag ka ng iyong matang
Sumisigaw ng pag-sinta
Isang kaibigan. Kaibigan na tumanggap sa akin kung sino at ano ako. Kaso sa isang iglap nawala sya na parang bula.
Ba't di papatulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa'yo
Ni Hoy Ni Hi wala. Sa una masakit pero hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako.
Saan nga ba patungo
Nakayapak at nahihiwagaan na
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Diko na namalayan may luha na naman palang tumutulo sa aking mga mata. Ilan taon na rin ang lumipas simula ng nawala sya 5 taon na ata.
Tinigil kona ang pagtugtog at nagtungo sa loob ng bahay. Binisita ko muna si Lester sa silid nya bago ako nagtungo sa aking silid.
Si Lester ang nag iisa kong pamilya. Mas bata sya sakin ng 2 taon. 16 ako at sya naman ay 14.
Kung nagtataka kayo kung asan ang magulang namin. Iniwan nila kami 3 taon na ang nakalipas. May kanya kanya na silang pamilya ngayon.
Akala nga ata nila wala silang naiwang mga anak eh. Pag may okasyon hindi nila kami inaalala.
Nag pa part time job ako sa isang branch ng Jollibee malapit sa school namin ni Lester. At pag uwian naman ng hapon didiretso akong Bar ni Ate Lucy waitress ako at minsan pinapakanta nila ako dun para pam paaliw sa mga kostomer.
Halos lahat ng kostumer ay tuwang tuwa pag ako'y nandoon.
Nakatitig lang ako sa kisame ng hindi ko namalayan nakatulog na pala ako
- - - - - - - - - - - - - - - Kinabukasan - - - - - - - - - - - - - - -
Maaga akong gumising para makapaghanda ng aming kakainin ni Lester. Sinpleng umagahan lang ang niluto ko Dalawang itlog, Tuyo at Sinangag.
Pagkaligpit ko ng mga ginamit ko ay nagtungo na ako patungo sa silid ni Lester para gisingin sya.
"Bunso, gising naaaaa "
"Bunsoooo."
"Bunsoooo maaga pa pasok natin"
"Lesterrrr"
"Pag di kapa bumangon dyan iiwanan kita sigee."
Pero kahit anong takot ko sa kanya ay di pa din sya nagising napuyat na naman yan panigurado dahil sa kakalaro ng dota nya.
Halos lahat ata ng kabataang kalalakihan ay na adik na sa laro na yun.
"Lesteeer!"
"Uum ate?"
"Kumain na tayo, kanina pa kita ginigising eh. Yan ang epekto sayo ng kado dota mo eh"
"Ka aga aga ate sermon na naman"
Medyo may pag kasungit si Lester sabagay parehas naman kami. Ayaw na ayaw nya kase ang ginigising sya lalo na yung pagsasabihan sya.
- - - - - - - - - - - - Makalipas ang ilang oras - - - - - - - - - - -
Nag abang na kami ng paspasaherong jeep. Bagong school year na naman ito para sa aming magkapatid di bale ilang taon na lang makakaraos din kami *sigh*
At ayun na nga nakasakay na kami patungo sa aming eskwelahan ang San Esteban National High School. Simpleng paaralan para sa aming magkapatid. Di naman kailangan na sa pribadong eskwelahan pa kami pumasok ni Lester.
Isa pa hindi namin kaya bayadan ang mga bagay dun. Lalo na't wala kaming magulang.
Bago pa kami bumaba pagpapakilala muna ako.
Ako si Yvonne Margarette Dela Cruz. 16 anyos. Balang araw gusto kong maging isang ganap na Guro. Tumutugtug din ako ng gitara. Mahilig din akong manguha ng litrato lalo na pag kapaligiran.
YOU ARE READING
Nang Dahil Sa Gitara
Teen FictionIsang istranghero na hindi ko akalain na makakapagpabago ng pamumuhay ko. - Yvonne Margarette Dela Cruz