Alexa’s Point of View
Habang naghihintay ako sa aking eroplanong sasakyan. Naalala ko lahat, lahat nang sinabi nya:
FLASHBACK
Hindi ko akalain na apat na salita lang ang guguho sa buhay ko.
“Alexa, you have cancer” sabi ng Doctor.
Apat na salita, na sobrang simple at madaling sabihin pero sobrang hirap tanggapin.
“Po? Hahaha! Doc naman huwag mo nga akong biruin ng ganyan!” sabi ko at tumayo. “Tignan mo Doc oh” (sabay pakita ng muscles kunyari) “Ang lakas lakas ko kaya, paano ako magkakaroon ng cancer aber?” sabi ko habang natatawa.
“I’m Sorry Alexa” sabi ng Doctor.
Natigilan ako sa pagtawa. Hindi pwede. Hindi ako pwedeng magcacancer. Pano na ang kasal? Hindi ko pwedeng iwanan si STANLEY. At ng naalala ko sya, hindi ko namalayan na may mga luha na palang tumutulo sa mga mata ko.
“Doc, di ba.. di ba gagaling ako. Di ba mawawala rin itong pesteng cancer na ito. Di ba matutuloy ang kasal namin ni Stanley. Di ba doc? Di ba?” Sunod sunod na tanong ko sakanya. Pero ni isa wala akong narinig na sagot mula kay Doc. At ayun na, di ko na napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng aking luha.
“I’m really sorry Alexa” ang tanging lumabas sa kanyang bibig ng nakita niya akong umiiyak.
“Hanggang kalian Doc?” sabi ko.
“We can’t say it Alexa, but you're already in stage 2 cancer.” Sabi ni Doc.
Hindi ako pwedeng mamatay. Paano na si Stanley? “Please Doc, please help me. Pagalingin nyo ko Doc, I’m begging you.” Sabi ko kay Doc. Mario.
“ We’ll try our best Alexa, we’ll try.”
END OF FLASHBACK
Kaya ayun, nandito ako sa airport aalis para magpagaling. Hay buhay parang life. Bakit sa akin pa kailangang mangyari to? May nagawa ba ako para parusahan ng ganito? “Hmmm!!” sabaybuntong hininga ko. Life is full of surprises. Kaya hindi natin masasabi kung ano yung magiging future natin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Stanley! Nasan ka ba?
“Bebe ko!” yang boses na yan. Nasa likod ko siya pero kilalang kilala ko na sya. Ang sarap sa pandinig ng mga katagang tinawag nya sakin. Sorry Stanley.
“ Bebe ko, bakit naman ganun! Wala ka bang balak na sabihin sa akin na aalis ka? Nakakainis ka naman eh. Iiwan mo ako dito?” sabi sa akin ng pinaka mamahal kong lalaki sa buong mundo.
“Oh bebe ko, bakit ka umiiyak? Hay! Oo na maganda ka na kapag umiiyak, pero alam mo namang ayaw na ayaw kong nakikitang umiiyak ang pinaka mamahal kong babae sa buong mundo eh. Alam mo ba kung bakit?” sabi nya habang pinupunasan ang di ko namamalayang luha na pumatak na sa mga mata ko.
“Bakit” tanong ko sa kanya.
“Kasi kapag nakikita kitang umiiyak, alam mo bang nasasaktan ako? Alam mo ba na kapag umiiyak ka eh nababaliw ako kung bakit umiiyak ang babaeng pinaka mamahal ko ha? Alam mo ba yun bebe my love of my life?” sabi nya.
“Hahahaha! Sira” sabi ko sabay hampas ng mahina sa kanang braso nya.
“Ayan naka smile na ang bebe ko. Mas gumaganda ka tuloy” sabi nya ng nakangiti. Hay! Kaya mahal na mahal ko tong gwapong nilalang na ito eh. Ang sweet!!
“Now tell me, bakit aalis ka ng hindi mo sinasabi sa akin? Sa gwapo mong boyfriend aber?” sabi ni Stanley.. Hahaha! Naisingit nya pa yun ha.