Love at Glance

3K 91 28
                                    

"Mom, alis na po ako." Paalam ko kay Mommy nang madatnan ko ito sa may sala na nagbubuklat ng newspaper. Agad naman niyang ibinaling ang tingin sa akin, "hatid na kita baby Lui." Nakangiti niyang sinabi.


Agad namang nagsalubong aking mga kilay at nakakunot ang noo dahil sa kakulitan ng nanay ko. "Mom, how many times I told you? That I'm not your baby anymore, malaki na po ako." Medyo irritable kong sinabi sa kanya.


Bigla namang lumungkot ang expression ng kanyang mukha saka nagsalita. "Okay fine, pero masisisi mo ba ako?" Patampo niyang sinabi, ganyan kagaling umarte ang nanay ko para lang hayaan ko siyang tawagin akong Baby Lui.


Naupo ako sa tabi niya saka hinawakan ang kanyang kamay. "Mom naman, hindi ko naman ipinagkait sayo 'yun. Ang sa akin lang ay malaki na po ako. Paano na lang kung may makarinig sayo na ibang tao? Ayoko namang tawagin nilang Baby Damulag." Paliwanag ko sa kanya at napangiti naman ito.


"Binata na talaga ang anak ko. Basta kapag nagka girlfriend ka dapat ako ang unang makakaalam." Nakangiti at mapang-asar niyang sinabi. Bigla naman akong napatawa, "don't worry Mom. Promise ko 'yan sayo na kapag dumating ang panahon na 'yun, ikaw ang unang makakaalam. Pero sa ngayon kailangan ko na talagang umalis." Natatawa kong sinabi sa kanya at saka nagmamadaling tumayo para umalis.


Nakailang hakbang pa lang ako nang magsalita ito ulit, "wala ka bang nakalimutan?" Patampo na naman niyang sinabi kaya agad akong napabalik papunta sa kanya. "Mom, talaga ang kulit." Nakangiti kong sambit sabay halik sa kanyang pisngi. "Sige, alis na po ako baka mahuli na ako sa klase." Paalam ko ulit sa kanya saka tuluyan nang lumayas.


Ang totoo masyado pa namang maaga para pumasok at hindi naman masyadong malayo ang bago kong school mula sa bahay, gusto ko lang kasing makapag tour man lang muna sa buong campus bago magsimula ang klase. Nga pala unang araw ng klase sa bago kong school at ito na rin ang huli kong taon sa high school, kung ako lang ang masusunod ayaw ko na sanang lumipat pa ng school at bumalik dito sa Pinas, mas gusto ko ang buhay sa L.A. kasi nandun yung mga kaibigan ko.


Matapos kong libutin at kabisaduhin ang buong campus ng school agad na akong pumasok sa school building. Habang naglalakad sa may hallway papunta sa aking magiging classroom, may nakita akong babae na aksidenteng nabunggo ng mga naghahabulang estudyante, kaya nagkalat ang kanyang mga gamit and unfortunately hindi man lang tinulungan.


Not that I'm saying na first kong makakita ng ganung scenario at hindi ko ugali ang tumulong ng kung sino-sino lang lalo na kung hindi ko kilala, or should I say na wala sa dugo ko ang pagiging gentleman. But then I feel pity for her so I decided to help her. Pinulot ko ang ilan sa mga gamit niya saka inabot sa kanya without looking at her.


"Salamat." Nahihiya niyang sinabi while glancing at me saka ko lang din nakita ang mukha niya. Then something's strange was happened bigla na lang akong napatitig sa maamo niyang mukha. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa mga mata niyang kumikinang. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman habang patuloy akong nakatitig sa kanya.


Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, at hindi ko maiintindihan kung bakit? Pakiramdam ko ito na yung sinasabi nilang love at first sight which is hindi ko kailanman pinapaniwalaan. "I have to go." Walang ka emo-emosyon niyang sinabi saka nagmamadaling umalis. Napailing na lang ako ng mapansin ko na marami na pala ang nakatingin sa amin.

Love at Glance (Published Under Barubal Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon