Stories inspired by Marcelo Santos|||

10.8K 88 20
                                    

Mas maganda po siyang basahin pag nakikinig kayo ng love song

-------------(^-^)-----------

"Caricature"

May mga bagay na panandalian lamang,

Mga bagay na alam mong may katapusan

Sa isang story,hindi pwedeng prologue Lang dapat May epilogue

Sa isang Liham,may pambungad at pang wakas

Sa isang experiment kailangan may conclusion.

Ako nga pala si Ken, magaling akong mag drawing

Crush ko si Anyka

Maganda ,masayahin at sikat siya sa campus,Lihim ko Lang siyang tinitingnan sa malayo

Friday August 23

Nakita ko si Anyka ,sa ilalim ng puno,nakabusangot ang mukha,habang may hawak na sketch pad at lapis.

Nilapitan ko siya,

"End of the World na ba..?"nagulat siya sa tanong ko,

"Parang tinakluban ng langit at lupa ang mukha mo"pabiro Kung sabi sa kanya.

"Ah may project Kasi ako kaso hindi ako marunong mag drawing ng caricature"sagot niya.

"Ano bang gusto mong I drawing ?"

"Kahit anong caricature"

Kinuha ko yung sketchpad at lapis niya,Sinimulan ko siyang I drawing bilang isang caricature,sa drawing na yun may hawak siya na aso,

May sinulat ako sa likuran ng Paper

" Anyka ang asong yan ay ako,gusto kitang bantayan,gusto kitang sundan ,gusto kitang ipagtanggol "

"Salamat ha?"

"Wala yun,Ken nga pala"inabot ko yung kamay ko

Tinanggap niya naman "Anyka,nice meeting you Ken Let's be friends"ngumiti siya ,

Naging mag kaibigan kami ni Anyka,pero lumalim ng lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

Nag evolve ata ang salitang CRUSH sa LOVE

Isang araw,nag tapat ako,

"Anyka mahal kita!pwede bang mag level up ?pwede bang magkaroon ng salitang tayo??"

------------------

Ako nga pala si Anyka,naging kaibigan ko si Ken,

Masaya siyang kasama,gwapo at ma kulit siya,ang galing niya pang mag drawing

Unti unti na akong nahuhulog sa kanya.

Mahal ko na ata si Ken

Isang araw,nag tapat siya

"Anyka mahal kita!pwede bang mag level up ?pwede bang magkaroon ng salitang tayo??"

Lubdub.lubdub.lubdub.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.,naramdaman kung uminit ang mukha ko sa mga sinabi niya.

Hindi ko ma explain ang saya na naramdaman ko.

Naging kami ni Ken at mag tatatlong buwan na kami sa September 5

Gusto ko siyang ipakilala sa family ko kaso natatakot ako sa Daddy ko,

May nangyaring nag pabago ng buhay namin.

Yung hinihiling mo na sana bangungot Lang ang lahat

Na sana pwede kapang ma gising sa bangungot na yun.

Yung hinihiling mo na sana pag arte Lang ang lahat

Na sana pwedeng I cut ng director ang scene.....

Namatay ang Lola ko,dumating ang mga Kamag anak namin..

May isang taong kumuha ng atensyon ko ,

Si Ken.

Sa gabing yun nalaman kung malayong magkamag anak pala kami

Hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.

Masakit, sobrang sakit.Alam niyo yung masaya ka na kala mo happy ever after na

Pero panandaliang kasiyahan lang pala.

Hindi ba pwedeng maging masaya?

Yung walang hahadlang,walang tutotol

Unti unting gumunaw ang Mundo ko,

Mahal ko siya eh.,

Pero hindi pwede,Kasi mali..

Kung sana pwedeng maging Tama ang mali

Maging pwede ang hindi pwede

Maging oo ang hindi

--------------

Naghiwalay kami ni Ken,nag aral siya sa ibang bansa,nakapag move on na din ako,ganun rin naman ata siya.Naging mag kaibigan nalang kami.

"Miss nahulog mo!"may inabot sakin yung lalaki

Pagtingin ko yung caricature na drawing ni Ken may naka sulat pala sa likuran ngayon ko Lang napansin.

" Anyka ang asong yan ay ako,gusto kitang bantayan,gusto kitang sundan ,gusto kitang ipagtanggol.Tatamlay ako pag malungkot ka!!kaya smile;)"

Siguro nga Ken ikaw ang asong yun a Man's best friend

Hanggang best friend lang kita....

"Thank you sa pag abot nito, hah?"

"Wala yun,siguro mahalaga yan sayo.Ako nga pala si Bryan Go !"inabot niya yung kamay niya sakin

"Anyka Marasigan. "sabay abot ko sa kamay niya.

"Pwede ka bang maging kaibigan.?."

"Sige"

Alam kong hindi ko na kamag anak si Bryan nakilala ko na Kasi lahat ng kamag anak ko after namatay si Lola.Gwapo si Bryan ,chinito at mabait hindi malabong magkakagusto ako sa kanya...

Ang LOVE STORY ko ay nagsimula sa CARICATURE

Caricature na ginawa ni Ken at

Caricature na napulot ni Bryan

Siguro hindi dapat natin I rush ang happy ending.kasi kahit sa fairy tale sa huli nangyayari ang happy ending..

May pamilya na si Ken ang kulit nga ng anak nila ni Candies si Samantha Kaye Yap (siya po yung bida sa gagawin Kung story Tied up With the Past yung title pero baka next year pa yun )

May anak na rin kami ni Bryan si Ellaine Chandria Go (siya naman po yung main character ko sa Thoeries of Attraction.may mga tips dun kung paano niyo mapapa in love yung crush niyo .ginagawa ko pa po siya)

Note. :TNX po sa pagbabasa.....May one shot pa pong kasunod nito,ibang story po .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stories inspired by Marcelo Santos|||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon