Chapter 1

70 0 1
                                    

Jazz*
Erik, gusto ko din mag trabaho, gusto Ko ding maka tulong sa iyo at sa mga Gastusin dito sa bahay.

Erik*
Dito ka na lang asikasuhin mo na lang yung mga bata, mas kailangan ka namin dito sa bahay, isa pa kaya ko pa naman ang mga gastusin dito sa bahay.

Jazz*
Pero Erik, magandang Oppurtunity na Ito para sa Atin, ayaw mo ba na makatulong ako sa mga gastos dito sa bahay para makapag-ipon at makapag pagawa tayo ng sarili nating bahay.

Erik*
Bakit ba ang kulit mo? sinabi ko na nga na dito ka na langsa bahay at asikasuhin mo kami ng mga Anak mo.
Nang bigla ay Napasigaw si Erik na ikinagulat naman ni Jazz, 5 Taon Nang Nagtatrabaho si Erik bilang Isang Security Guard ng Isang Hotel.

Jazz*
Ahh, Oo sige Pasensya na

Erik* 
Ayos lang pasensya ka na din at bigla Kitang nasigawan.
Ayoko lang kasi na Magka Hiwa- Hiwalay tayo ng mga Anak natin ee.

Jazz*
Pero hindi naman tayo Magkakahiwa Hiwalay Magtatrabaho lang ako para Sa Pamilya natin.

Erik*
Alam ko naman yun, pero hanggat Kaya ko pa dito ka na lang muna Sama sama tayo.
Pangako kapag hindi ko na kaya Papayag na ako sa gusto mo na mag Trabaho ka.

Jazz*
Sige Naiintindihan kita, pero kapag Hindi mo na kaya itutuloy ko yung Plano ko na mag trabaho. At kahit Hindi ka pa pumayag itutuloy ko pa din.

Erik*
Ikaw ang bahala, Matulog na tayo Gusto ko na Magpahinga pagod ako.

Kinabukasan ay Maagang Gumising Si Jazz para ipagluto ng Agahan ang Kanyang Mag-Aama.

Tony*
Inay, Itay., Wala na po bang ibang Ulam Maliban sa Tuyo at Itlog na Halos ilang Araw na nating Ulam sa Agahan.

Si Tony ay ang Panganay na Anak nina Erik at Jazz na ngayon ay Nasa Grade 4 Elementary Student At Habang Ang kanyang Bunsong Anak Naman na si Mellisa Ay Apat na Taong Gulang pa lamang nuon.

Mellisa*
Hayaan mo Kuya paglaki ko Maghahanap ako ng Magandang Trabaho para Laging Masarap ang Ulam natin.

Erik*
Tumigil na kayo!! Ang aga aga puro Pagrereklamo agad ang Naririnig ko sa bunganga nyo.
Mabuti pa kumain na lang kayo

Jazz*
Sige na Mga Anak, Kumain na Kayo, Tony Kumain ka na baka Ma late ka Pa.

Tony/Mellisa*
Opo Inay.

Sabay na Sagot ng Dalawa nyang Anak.
Sabay na Umalis ang Mag-Aama ni Jazz, Bago kasi Pumasok sa Trabaho Ay Inihahatid muna ni Erik sa Eskwela ang kanyang Panganay na Anak na si Tony.

Jazz*
Halika na Anak Maligo ka na at Maaga tayung Pupunta ng Palengke Ngayon.

Mellisa*
Inay, paglaki ko Gusto ko agad Mag Trabaho para Madami na Tayung Pera. Tska po para mabili ko na po Yung mga Laruan na gusto ko.

Jazz*
Anak masyado ka pang bata para isipin ang mga ganyang bagay, sa ngayon habang bata ka pa, mag- enjoy ka na muna sa paglalaro.

Mellisa*
Pero Inay, gusto ko po kasi na magkaron tayo ng magandang bahay.

Jazz*
Hayaan mo Anak pangako ni Nanay na Gagawin ko ang Lahat para ma abot mo ang lahat ng iyong mga Pangarap.
Maghintay ka lang hahh.

Melissa*
Sige po Inay,

Jazz*
Halika na Maligo ka na para Maaga tayong maka luto at marami pa akong Tatanggaping labahin ngayon.

Mellissa*
Opo Inay.

Nagtungo na nga si Jazz ng Palengke kasama ang kanyang bunsong Anak na si Melissa. Ilang Minuto Lang Ang Itinagal nila sa Palengke at Agad na Umuwi at Nagluto ng kanilang Pananghalian.
Matapos nyang magluto ay Agad ding nagpa-alam si Jazz sa kanyang bunso na Iiwan muna siya sa Isang kapitbahay upang Agad na kunin ang Kanyang mga Labahin.

Jazz*
Anak maiiwan muna kita dito kina Leni Sandali lang ang Nanay kapag Nakuha Ko na ang mga Labahin Susunduin Agad kita mamaya. Huwag na huwag kang magpapasaway dito Naintindihan mo.?

Melissa*
Sige po inay, ingat po.

PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon