Puppy Love ni Sunshine Garcia [ONE SHOT]

253 3 0
  • Dedicated kay sa lahat ng nagkaroon ng PUPPY LOVE! :">
                                    

Title: Puppy Love ni Sunshine Garcia

Genre: Romance; Teenage Drama; Short Story

Date started: December 13, 2011; 7:48 PM

Date ended: December 13, 2011; 8:30 PM

Disclaimer: Ang mga pangalan na nagamit at nabanggit at maging ang pangyayari sa kwentong ito ay pawang likhang isip lamang. Anomang pangyayaring katulad sa tunay na buhay ay nagkataon lamang.

-----

Mamayang hapon, graduation na namin. Maiiwan ko na ang elementary maging ang bayang aking sinilangan.

Ako si Sunshine Garcia. 11 years old at Grade 6 student ng Mababang Paaralan ng San Roque.

Nagtransfer ako sa school na ito noong Grade 3 ako.

Noon, wala akong mga kaibigan sa klase dahil nahihiya daw ang mga kaklase ko sain. Galing kasi akong private school, nakatira sa subdivision at OFW ang Ama. At kung ganun ang kalagayan mo, Mayaman ka na sa paningin nila.

Pero may isang bata ang nakipagkaibigan sakin. Si Cris. Ang aming Vice President sa klase. Matalino kasi sya. Syempre, dahil ako ang mistaken Golden Baby, ako ang President. =___=

Si Cris ang kauna-unahan kong crush! EVER! Ang cute kasi... meron syang mahahabang pilik mata, malalambing na mata, malalim na biloy at kissable lips. Ang halay ba? Eh mukha kasing fresh yung mga labi nya. Ang pula pula. Daig pa yung sakin. =____=

Palagi kaming sangga ni Cris. Pero di nya alam na crush ko na sya. WAHAHA... no one knows. AY! ENGLISH! CHOS!

Mas lalo ko syang naka-crush-an habang tumatagal. Ewan ko ba! Mr. Nice Guy kasi... sino bang hindi magkakagusto sa ganun?

GRADE 4

Hindi kami magkaklase... at dahil dun, bagong adjustment period na naman. Si Cris lang kasi ang kaibigan ko. At ngayon na magkahiwalay kami, back to zero ang friends list ko.

Pero hindi naman naging mahirap ang adjustment sakin. Maraming nag-approach sakin sa bago kong mundo. Katulad na lang ni Laarni at Steph. At si Gab... ang counter part ko... si Mistake Golden Baby Boy. 

Si Gab, kaklase ko sya sa dati kong school. Ibig sabihin, galing rin syang Private school na katulad ko. Kaya ayan, napapagkamalan kaming mayaman. GBB nga ang tawag sa kanya eh... tapos ako si GBG, short for Golden Baby Girl. Mga pauso!

Si Steph naman ang boyish kong buddy na iginagalaw ko kay Gab. Mukha kasi silang si John Llyod at Bea. Hawig silang dalawa sa mga artistang yun kaya ko sila ginagalaw pareho. Pero dahil barkda kaming tatlo, walang malisya sa kanila. =____= 

Si Laarni naman, ay naku! May crush din yan kay Cris! At alam nyo ba, sabi nya, sasakalin daw nya ang iba pang may crush kay Cris pag nalaman nya. SUSKO! Ayokong masakal kaya hindi ko sabihin sa kanya. Huhu... wawa ako.

Ayun, eh di pinabayaan ko na lang na may crush sya kay Cris... OK lang sakin na may kaagaw. Hindi naman ako madamot na katulad nya. 

Pero si Cris, hindi nya ako pinapansin. Gusto ko sana syang makausap kahit minsan. Syempre, nakakamiss kaya yung mga moments namin. CHOS! Di... syempre, sya ang una kong kaibigan sa school na ito... hindi mawawala sakin na mamiss ko sya. Pero dindedma nya ako... dedmahan pala gusto nya... OK! FINE! DEDMA KA RIN! LESHE!

At dahil dedma ako kay Cris, nagkaroon ako ng bagong crush. Nyehehe... sa kakagalw ko kina Steph at Gab, ako tuloy ang nagkacrush kay Gab. >.< Pero saklap ng kapalaran, may crush pala si Gab dun sa dati naming school. >.< Yun pang best buddy ko dun yung crush nya. T^T Wala akong pag-asa. LOL

Puppy Love ni Sunshine Garcia [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon