Day Forty-three

141 2 4
                                    

<Gale>

Huhuness. Bakit naman ako pa ang mag tuturo sakanya sa pagkanta?!?! 

Hindi ako marunong mag turo kumanta. Basta ang alam ko nalang e ganito na yung boses ko!

Bwiset na lalaki! Ang daming alam! Tapos sa bahay pa nila gaganapin. Hayy.. Makikita ko nanaman bahay nila at yung parents niya at yung lolo niya. Ang dami nanamang memories na babalik sa akin. 

Ayoko na mag uwian! :(

Kaso, sa kasamaang palad e eto na ang uwian. Bakit naman ang bilis bilis ng oras kapag ayaw mong bumilis ito? Tapos pag inaantay mo naman na bumilis e lalong nabagal. 

"So, are you ready?" sabay sulpot nitong ni James pag labas ko ng classroom

"Well, I was born ready" 

"Yaaan. Good good. So, let's go?"

Lumabas na kami ng school at pumunta na sa house nila.

Wow! Ganon padinnaman yung bahay nila. Maganda padin at magara. Hihi.

"Antayin mo ko diyan. I'll just change"

umupo na ako sa couch nila at patingin tingin lang. 

Habang patingin tingin lang ako e biglang mag naramdaman akong something sa kamay ko

"ay! Shoo shoo"

hala may aso! Yung aso si James! Yung cute na cute niyang aso

"hey Lulu!" sabay sigaw ni James pag baba niya sa hagdan "uyy halika nga dito! Ang landi landi mo talaga!" sabay tingin saakin "sorry about that. Ikukulong ko nalang siya sa kwarto ko--"

"ay hindi na! Okay lang. Mukhang mabait naman siya e."

"Sige. Sabi mo e. Ayan! Let's start" at umupo na siya sa tabi ko

"wait nga. May tanong lang ako"

"Yea?"

"bakit mo nga pala gustong matutong kumanta?"

"gusto ko e"

"Ayyy.. Ano nga kasi? May contest ka din bang sasalihan?"

"Wala naman. Gusto ko lang. Bakit? Masama bang matutong kumanta?"

"Hindi naman. Pero kasi biglaan e. Hindi ko ineexpect--"

"Ayy nako! Ang dami mo pang dada diyan! Turuan mo nalang nga ako"

"Bakit saakin pa?" sabat kong inignore yung comment niya

"eh ikaw ang champion dun sa contest chuvanes na yun e"

"ayy--"

"wag ka na nga maarte diyan! Game!"

"then, what's in it for me?"

"hahaha! Osige. Uhh.. Hatid sundo kita araw araw. Ano? Okay na ba yon?"

"Eh?--"

"Dali na! Aba! Malaking bayad na yon noh! Nakakapagod kayang maging service araw araw!"

"Hay nako! Sige na nga! Sige na!"

"Yes!"

sinimulan ko na mag turo sakanya paisa-isa. Naknang tinapay! Walang kwenta tong studyanteng to. Ang hirap pumick-up nakakabwiset! Hahahaha! Ang kulit ng boses e. Sana naririnig niyo yung boses niya hahaahha NAKAKATAWA. Ay chos. Ang sama ko ba? Pero in fairness ang cute! Ay choss ulit hahaha

"Haaaay!!!! Bakit ba ganyan yang boses mo, ha?!"

"Ay sorry naman. Wala naman kasi saakin lahat e"

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon