Echos lang 'yang video haha
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kate
~*~*~*~
Nakipagkita ako sa mga lukaret kong barkada!
Ibibigay ko na kasi 'yung invitations sa kanila.
Si Carlos, naka-move on na. May bago na siyang girlfriend.
Si Lallaine na lang ang hinihintay namin ngayon.
Pagdating niya namumutla siya na akala mo nakakita ng multo.
"Muntik na akong masagasaan." In fairness, hindi na Bernard ang laman ng bibig niya ngayon.
"O? Don't worry. mananatili ang iyong mga alala sa aming puso at isipan." Tinuro ko pa 'yung puso at utak ko nung sinabi ko 'yun sa kanya.
"Hindi, 'yung muntik ng makasagasa sa akin-"
"So, punta kayo sa kasal ko a?" Haha hindi ko na pinatapos si Lallaine.
"Uy guys-"
"No gift no entry! First time akong ikakasal." Makikikain na nga lang sila di pa magreregalo? XD
"Bakit? Ilang beses mo bang balak magpakasal?" Tanong ni Cecille.
"Guys naman e-"
"Eto naman hindi mabiro. O sige na kain na tayo libre daw ni Carlos kasi may bago na siyang gelpren." Sige na. Ako na bastos. Nagsasalita si Lallaine sinasapawan ko. ^_____^
"Nice one! Ikaw ang pinakahuling nagkaroon ng lovelife sa ating barkada and yet you're the first one to get married!" Mas masaya pa sa akin si Carlos.
"Abay ako Kate a!" Si Maya.
"Ako din!" Si Cecille.
"Ako ring bearer!" Si Bryan.
"Guys!" Si Lallaine nanaman. Umeeksena.
"Ako flower girl!" Lahat kami natahimik. Lahat kami napatingin din kay Dwight dahil sa sinabi niya.
Iisa lang ang tumakbo sa imaginations naming apat. Hindi kasama si Lallaine dahil nasa ibang dimension siya. Malayo sa kwentong to ang takbo ng utak niya.
Si Dwight, nagmamarcha sa gitna ng simbahan, nakasuot ng maiksing gown. Hanggang kalahati lang ng binti niya 'yung iksi ng gown.
And sobrang visible sa naked eyes naming lahat ang mascular and hairy legs niya, paang halos hindi na magkasya sa stiletto, mascular arms na visible din dahil tube ang gown ng mga flower girls, kilikiling may makakapal na buhok, he's walking slowly while his curly blonde wig is bouncing, and have a heavy make up.
She- I mean he, almost looks like a slut! A gay, super creepy slut!
"Eeew?" Ako.
"Yuck." Si Carlos.
"Hindi na talaga ako pinansin." Si Lallaine.
"Nakakahiya." Si Cecille.
"Nakakasuka." Si Maya.
"Oh come on guys! You're taking it so seriously!"
"Kadiri pa din!" Sagot naming apat sa kanya.
"Guys! Patay na ba ako? Bakit hindi niyo ako pinapansin?"
"Uy kinakausap tayo ni Lallaine." Sabi ni Maya.
"Sinong Lalllaine?" Tanong ko.
"Yeah. Who's Lallaine?" Si Dwight.
BINABASA MO ANG
8 years older, or two years younger?
Romancekung ikaw ay papipiliin, isang lalaking walong taon ang agwat sayo? o isang lalaki na dalawang taon ang bata sa iyo? Join Kate and her friends in their adventures in jollytown! XD