Chapter 3.2

636 17 1
                                    

Chapter 3.2 ( continuation of Chapter 3)









"WHAT THE HELL DID YOU DO??"











Nako! Kay Brian pala tong motor.







"Uh-h Br-ian I'm sorry." Nakayuko kong sabi





"SORRY? THE DAMAGED HAS BEEN DONE!" Bulyaw niya sakin.





Nakakahiya. Lahat ng tao sa parking lot nakatingin samin, pati narin yung mga players.





Naiiyak ako. Di ko alam gagawin ko. Actually di ko naman sinasadya eh. :(





"Sorry, pasensiya na." Sabi ko sa kaniya, ngayon naka tingin na ako sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang galit. Lalong lalo na sa mata niya.




"Sorry? ALAM MO BANG BAGO LANG YAN?! HA? HINDI KA KASI NAG IINGAT EH! UMATAKE NA NAMAN YANG KATANGAHAN MO!!! Pati ako nadadamay!" Mich... Mag pigil ka lang ng iyak... Kaya mo yan.







Naririnig ko naman yung mga ibang nag chichismisan sa gilid namin. :(


"Grabe yung motor pa talaga ni Brian." Girl 1

"Oo nga eh. Yari siya iba magalit yan" girl 2


Lord.. Help :(




"ANO TUTUNGANGA KA NALANG BA?" Sigaw niya sakin. Di ko alam isasagot ko.





"Pre, chill babae yan." Sabi ng isa sa mga kaibigan niya.





"WALA AKONG PAKI ALAM KUNG BABAE SIYA O HINDI!!" Matigas na sabi ni Brian.




Hugot ng malalim na hininga.





"Brian pasensiya talaga... Di ko naman sinasadya eh. Na out of balance lang naman ako at kasalukuyan akong nakasandal sa motor mo. Lalong lalo na, hindi ko alam na sayo yan.. Edi sana hindi ko dinikitan yan." Sabi ko sa kaniya.






"Oo nga Brian, hindi naman pala niya sinasadya eh. Tsaka mayaman ka naman, kaya mong palitan yung nagasgas." Sabi ng isa niya pang kaibigan.








"WALA AKONG PAKI ALAM! ALAM
MO MISS, MALAS KA TALAGA NO? HINDI MO BA TALAGA AKO KILALA? BAGUHAN KA NO KAYA KA GANYAN?" Huminto siya. "KAYA PALA GANYAN KA KUMILOS. PROBINSIYANA KA BA? HAHAHAH BUTI NAKAPASOK KA DITO? HAHAHAHAH" pagpapatuloy niya.





Tumawa naman ang ibang mga estudyante. Na aapi na ata ako dito.




Magsasalita pa sana siya ng...








"MICH! MICH! Hoy teka Ano-" naputol yung sasabihin ni Layza ng makita niya yung mga taong nasa harapan ko.




"Teka Mich, ano nangyari. Bakit?" Tanong ni Layza.




Di ko siya sinagot. At dahil kanina pa ako nagpipigil, sasagutin ko na si Brian.




"Alam mo? Hindi ko naman talaga sinasadya eh. Tsaka oo! Probinsiyana lang ako. Hindi ako kasing yaman mo. O kasing yaman ninyong lahat. Naiintindihan ko kung bakit ka nagagalit. At itong ipahiya mo ako sa harap ng maraming tao, at sa parking lot pa. Palalagpasin ko. Oo hindi kita ganun ka kilala pero sana marunong kang rumespeto ng kapwa mo. Wag mo akong sigawan kasi hindi ako bingi. Kung anong linis ng panlabas na katawan mo, eh yun ding kasing DUMI NG UGALI MO!!" Sabi ko at kinuha ang gamit kong nasa sahig.





Magsasalita pa sana siya ng.. pinagpatuloy ko yung sasabihin ko.







"..wag kang mag alala.. Unti unti kitang babayaran tungkol sa nagasgasan mong motor. Siguro di pa ngayon, pero pag iipunan ko." Saka ako umalis.


Di ko na kaya. Ang sama sama ni Brian. Pinahiya niya ako. Wala siyang puso. Eh ano naman kung Probinsiyana ako? Hindi nga ata ako nararapat sa eskwelahan na to.


Pagka alis ko, sinundan din ako ni Layza agad.


Tumakbo ako deretso sa playground.

At dun ko binuhos lahat ng iyak ko.

Nararamdaman ko ang discrimination sa Univeristy na to.. Lalong lalo na kay Brian.


Bigla nalang may humila at yumakap sa akin.. Si Layza.


"Mich.. Wag ka na umiyak. Nandito ako. Tutulungan kita. Okay?"

"Bakit? *huk* Bakit ganun trato nila sakin? *huk* Layza... Masama ba ako? Wala naman akong ginawang mali ah?"


"Mich. Wala, pero siguro hindi mo lang kilala si brian. Ganun talaga siya."

"Layza,, ang sama sama ng ugali niya."


"Naiintindihan kita Mich. Kaya tahan na okay? Ililibre nalang kia ng ice cream."


Tumango nalang ako sa kaniya at pumunta kami sa ice cream parlor.


--



BRIAN's POV


"FUCK!!!" Sigaw ko. Andito kami ngayon sa room. Special room para sa aming magkakaibigan.


Lolo ko nga pala ang may ari niyong univeristy. Isa sa pinakamayaman sa pilipinas.

"Puro ka mura pare! Kanina ka pa!" Shean

"EH BAGO LANG YUN EH! bigay ng daddy ko!"

"Oo nga pero kalma ka lang diyan. Inom nalang tayo." Saka niya ako hinagisan ng bote.


Nakakainis! Ang tanga tanga ng babaeng yun! Una palang, ganun na siya. Ngayon kailangan niya bayaran yung motor ko.!

Nagulat ako sa kaniya ng magsalita siya nung huli. Ganun ko ba siya na offend? Tangina. Wala akong paki alam. Hayop na kung Hayop pero wala rin siyang karapatan sabihin na masama ang ugali ko sa harap ng maraming tao. Pinahiya niya rin ako.



Mich. Yun pala pangalan niya. Humanda ka sakin kung sino kamang MICH ka. Gagantihan talaga kita!


"Nakahanap mo natin katapat mo Brian. May babaeng sumagot na din sayo." Adrian


Tinignan ko nalang siya. Di ko na siya sinagot at baka masapak ko pa siya.


--


Just continuation of the chapter 4 :)


Hello silent readers! Hehehe ;)

Vote and comment ! :)

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon