Captured (One Shot)

123 8 4
                                    

Another one shot from me!

Sorry kung medyo sabaw. Haha! It's been so long nung nagsulat ako ng one shot.

Sana magustuhan nyo! :)

___________________________________________________________________________

I’m currently looking for a perfect subject para sa topic ko for my portfolio. Member kasi ako ng photography club. Requirement kasi ng school namin na dapat lahat ng students, maging member ng club at dahil malapit saken ang photography kaya dito ako sumali.

Well, if you ask kung anong topic ko this time, it’s peace. Actually, may mga iba’t ibang photos nakong nakuha like yung peace symbol, yung mga batang naka-peace sign. Yung mga ganun ba. But I don’t know why, pero, parang napakababaw ng interpretation ko ng topic if I’m going to use that. That’s why kanina pa ‘ko ikot ng ikot sa campus para maghanap.

Dahil sa kaiikot ko, napadpad ako sa may soccer field. Nagulat na lang ako nung muntik akong matisod. Ano ba to? Pagkayuko ko, I thought, bato ang makikita ko. Lalaki pala. Ang sarap ng tulog ni kuya, ah! But I don’t know what happened to me at bigla ko na lang siyang kinuhanan ng picture. Parang sa kanya ko kasi naramdaman yung peace na hinahanap ko.

After I took a picture of him, tinitigan ko muna sya. Maputi sya, matangos ang ilong, di naman ganun katangkaran pero di naman bansot. Parang may lahi sya. When I say lahi, I don’t mean na may lahing aswang o lahing mangkukulam, di naman ganun. Parang foreigner kasi yung datingan nya with his chestnut brown hair and eyebrows. Yung lips nya, normal lang, medyo peach, ganun yung kulay.  Yun talagang nagstand out sa kanya ay yung kaamuhan ng mukha nya.

Napakabilis ng instinct ko when his eyes started to move. That’s the indication kasi na he’s waking up kaya napatakbo ako sa may likod ng puno. Well, yeah, may puno na malapit sa kanya. It’s a soccer field so it’s normal. What’s weird here is, alam ko, wala pa kong namimeet na student na kamukha nya dito sa school. Di ko na hinintay na makabangon sya at naglunch na muna ako. Yes, it’s lunch break at twenty minutes na lang mag-uumpisa na ang afternoon class namin.

Let me first introduce myself, I’m Kristine Lacey Miro. I can describe myself as a person who acts on her own will and never pretend in front of anybody. In short, di ako plastik. Appearance ko? I have a pair of dark brown eyes, di ganun katangos ang ilong ko pero di ako pango, morena, may pagkapandak at mahaba ang buhok. Another trivia about me, ayoko talagang tumatabi sa mga basketball player. Alam na! Haha!

WAG KA NGANG TATANGA-TANGA! PANGIT NA, NERD NA, TANGA PA! BWISIT!” mukhang may napag-initan na naman yung mga bully dito sa school. Tinignan ko kung sino yun and I saw my classmate, Kuiel na nakayuko. Naawa tuloy ako sa kanya. Lagi na lang kasi siyang pinagtitripan ng mga yan.

Lumapit ako sa kanya nung napansin kong nagsettle down na silang lahat. “Okay ka lang?” tanong ko sa kanya. Tumango lang sya at ngumiti ng matipid.

Bakit ba lagi kang mag-isa? Ikaw tuloy napag-iinitan nila.

Wala namang gustong kumaibigan sa ‘kin, eh.

Sigurado ka ba?

Bakit? Gugustuhin mo ba ‘kong maging kaibigan?” at for the first time, napilitan akong pumayag na maging kaibigan nya.

Lumipas yung ilang buwan at masasabi kong gusto ko na sya. Wag malisyoso! Gusto ko sya as a friend na hindi nako tulad ng dati na napilitan lang. Masaya din kasi syang kasama, eh. Yun nga palang portfolio ko, nasubmit ko na and they liked it. Nang-iintriga nga sila, eh. Sino daw yung model. Malay ko! Di ko naman yun kilala, eh.

Captured (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon