35th Record: GWEN (Insecured)

253 10 6
                                    

Character Update:

Kim Seul Gi as Gwen Oh -former classmate ni Soffi sa dati niyang school. Siya lamg naman ang panira sa buhay ni Soffi.
******

Noong nalaman ko na magtrtransfer na si Soffi sa ibang school ay nalungkot talaga ako. Wala na ang kaibigan ko. Wala na yung taong nagpapasaya sa akin.

Kaya naman gumawa ako agad ng paraan. Pinakiusapan ko si daddy na ilipat ako sa SEO University. No problem at all dahil sa pera. Hindi ko na nga kinailangan pang mag entrance exam para makapasok sa cheap na school na ito.

First day ko sa SEO University. Excited ako na makita si Soffi. Sana masurprise ko siya. For sure matutuwa 'yon. Tinawag ako ng prof ko para magpakilala sa klase.

At dahil sa maganda ako naghiyawan pa ang mga boys.

Pagkatapos ay hinanap ko si Soffi. Fortunately nasa harap ko lang siya.

"OMG Soffi nandito ka pala." Sabi ko.

Saka ko siya nilapitan at niyakap. Sa wakas nayakap ko din ang kaibigan ko. Ang sarap sa pakiramdam.

Uupo sana ako sa tabi kaso may nakaupo na kaya sa likuran ako napadpad.

Habang nagkaklase hindi ko mapigilang mag-isip kung anong gagawin ko kay Soffi. Super excited na ako. Nakakamiss kasi talaga sobra.

Lunch Time!

Yayayain ko sana si Soffi na maglunch pero laging nakabuntot sa kanya yung matangkad na lalaki. Cute pa mo. Kapag sinuswerte nga naman oh.

Naglunch akong mag-isa.

Lumipas ang mga araw hindi ako makasingit kay Soffi. Nag-Hello ako pero hindi niya ako pinapansin. Impakta. Maghanda ka sa akin.

Nilapitan ko siya at naghello ulit. Pero tinignan niya lang ako.

Its my time to shine!

"Soffi ba't ganyan ka? Ano bang nagawa ko sayo? Bakit hindi mo na ako pinapansin?" Acting skills level 100!

"Gwen anong ginagawa mo?" Sagot niya.

"Nalulungkot kasi ako. Kung may nagawa ako sorry na Soffi." Sinabi ko ng naluluha. Kungwari.

Hindi siya sumagot.

Lumuhod ako sa harap niya at nagsorry.

Pero tumayo lang siya at lumabas sa room. Kaya naman sinundan ko siya. Hinila ko yung kamay niya at dinala sa tabi ng hagdan kung saan walang tao.

"Hoy Soffi akala mo kung sino ka talaga ano?!"

"Gwen tama na!"

"Tama na?! Bakit may ginagawa ba ako sayo? Nagsosorry na nga ako!"

Hindi sumagot si Soffi. Nakatingin lang sa baba.

Sasampalin ko na siya pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

"Gwen wala akong time makipaglaro."

Saka na bumalik sa room si Soffi. Walang time makipaglaro?! Makipaglaro talaga?! Ha! Tignan natin kung paano ako talaga makipaglaro.

Pumunta ako sa banyo at binuhusan ko yung sarili ko ng tubig. Saka na ako pumasok sa room. Sakto nandoon na yung prof namin. Si Mrs. Shin.

"Anong nangyari sa'yo Ms. Oh?"

Acting skills activated.

"Wala po ma'am." Naiiyak kong sinabi.

"Bakit basang-basa ka? Sinong may gawa nyan sayo?"

This is my time to shine! Saka ko tinuro si Soffi.

"Totoo ba yon Soffi?!" Tanong ni Mrs.Shin.

Sa wakas nakita ko din ang expression sa mukha ni Soffi. Yung Takot, yung kaba, yung bang hindi niya alam yung gagawin. Ang sarap sa feeling.

Saka nagreact yung mga classmates namin.

"Soffi grabe ka pala si Gwen na nga nagsosorry tapos ginawa mo pa yan sa kanya."

Hindi makasagot si Soffi.

"Ms. Soffi Kim pumunta ka sa office ko mamaya. Mag-uusap tayo." Sabi ni Mrs. Shin

Yes!!! Mission accomplished!

Noong matapos kami sa last subject sinundan ko si Soffi papunta sa office. Pinakinggan ko kung anong sinabi ni Mrs. Shin sa kanya.

"Ms.Kim alam ko na magaling at matalino ka. Pero sana huwag mo nang ipasok sa school yung problems niyo sa personal life! Scholar ka pamo. Ipakita mo na deserve mo yung pagiging scholar na ito. Sa susunod na magkaproblem ulit di ko na palalagpasin iyon. This is a warning okay! Kung gusto niyo sa labas kayo ng school magsabunutan."

Saka na lumabas si Soffi.

Nakita niya ako saka ko siya ningitian. Pero hindi niya ako pinansin at naglakad lang. Haha badtrip siguro siya. Huwag kang mag-alala Soffi just wait lang there's more!

My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon